THE REASON❣️

1824 Words

PAGGISING ko nang umaga, agad akong napangiti. Si Ninong agad ang pumasok sa isip ko. Ngayong araw na kasi siya babalik dito sa Subic. Tatlong araw na ang nakalipas simula nang umalis siya at ngayon ay makakasama ko na siya uli. Hindi bilang Ninong. At lalong hindi bilang Boss. Kundi bilang boyfriend. Hindi ko napigilang mapangiti sa salitang ’yon. Boyfriend ko na siya. Mahal ko siya. Matagal na siyang nasa puso ko, kaya alam kong hinding-hindi ako magsisisi na siya ang lalaking minahal ko. Ano man ang kahihinatnan ng relasyon namin, hindi ako papayag na mawala pa siya sa akin. Ramdam ko rin namang ganoon din siya. Kinuha ko ang cellphone ko para sana i-text siya ng good morning, pero bago pa man ako makapindot, may pumasok na notification sa InstaB0ok ko. Travis posted a new photo

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD