"N-ninong!" Mahina kong usal na ako lang ang nakarinig. Diretso siyang nakatitig sa akin bago siya bumaling kay Larkin na nasa tabi ko. Nasa tingin niya ang pagkagulat noong una pero agad napalitan ng matalim na tingin. Siguro dahil narealize na niya kung sino ang lalaking katabi ko. “Maria?” Kunot noong sabi ni Ellaine na nasa boses ang pagkagulat na makita ako sa okasyong ito na pampamilya at piling bisita lang ang naroon. “What are you doing here?” Tanong niya. Napatingin siya kay Larkin, hanggang napaawang ng bahagya ang gilid ng labi niya. “Wait, so magkakilala rin kayo?” Nagtatakang tanong ni Larkin na salitan kaming tinitingnan ni Ellaine. Ngumiti si Ellaine. “Oo naman.” Tumingin siya sa akin, na bahagyang nakataas ang kilay. “Wait… don’t tell me siya ang girlfriend na tinutu

