BIGLANG humina ang sound system at unti-unting tumahimik ang buong venue. Nahinto ang mga usapan, ang halakhakan, at lahat ng ingay sa paligid. Lahat ng mata ay napunta sa harapan kung saan may lalaking umakyat sa stage at nagsalita. “Good evening, ladies and gentlemen!" He began, his voice clear, steady, and effortlessly commanding. Narinig ko ang bulungan sa paligid. “That’s Ace Valverde!” “CEO of Valverde Land Estates.” “So young, yet powerful!” Narealize ko bigla na si Ace Valverde nga ang lalaking iyon. Simula nang magtrabaho ako sa Beaumont Estates, halos kabisado ko na ang mga malalaking pangalan sa real estate industry sa bansa at isa siya sa pinaka-nangingibabaw. Si Ace ang host ng gala ngayong gabi. Isa sa pinakakilalang pangalan sa real estate industry. Napaupo ako nang d

