Travis POV NATULALA na lang ako habang pinagmamasdan si Maria palabas ng office ko. Padabog pa niyang isinara ang pinto, na parang sinasadya para iparamdam sa akin kung gaano siya nainis o nabigla sa sinabi ko. She obviously didn’t expect na lalabas sa bibig ko ang salitang panliligaw. And to be honest, kahit ako, nagulat din sa sarili ko. Hindi ko inakala na darating ako sa puntong ganito. Me, someone who’s always in control, always composed now acting out of character dahil lang sa isang babae. Ako na kinatatakutan, iginagalang, at sanay na nakukuha ang lahat ng gusto. Ngayon, kulang na lang lumuhod ako para lang pumayag siyang maging akin. “What the f**k is going on in my mind?” Napahaplos ako sa buhok ko at napahilot sa sentido ko. Umupo ako sa executive chair ko. Bumalik sa i

