CHAPTER 2
Travis POV
HABANG nakaupo ako sa leather chair, iniikot-ikot ko ang bourbon sa baso at nilalaro ang yelo sa loob. The cold glass felt good against my palm, ito lang talaga ang bagay na nakakapagpa-relax sa akin matapos ang buong araw ng stress sa opisina.
Almost every day after work and endless meetings sa Beaumont Estates, dito ako dumediretso, sa Beaumont Bar, my bar. Para sa akin, ito ang sanctuary ko.
Katabi lang ng bar na ito ang Beaumont Hotel na pagmamay-ari ko rin, kung saan ako madalas mag-stay.
Ramdam ko ang lamig ng aircon sa bar, may halong aroma ng oak wood, whiskey, at sari-saring mga pabango ng mga customer. The low hum of conversations mixed with the beat of the modern lounge music playing in the background. Maingay sa pandinig, pero sa isang kagaya kong sanay sa corporate noise, ito ang uri ng ingay na nakaka-relax.
Sa corner booth ko, I had the perfect view of everything, my empire in motion. May halong satisfaction sa dibdib ko tuwing naiisip kong halos lahat ng nakikita ko sa paligid ay pag-aari ko, mula sa bar na ito, sa hotel na katabi, condominiums, hanggang sa corporate building na ilang blocks lang ang layo mula rito.
Pero kahit gano’n, there were still nights like this, when silence felt heavier than noise. I lifted my glass and took another slow sip, letting the burn of the bourbon trail down my throat. Somehow, that familiar heat felt grounding.
“Another night in paradise!" Bulong ko sa sarili.
Kung tutuusin, ito lang ang parte ng araw na kaya kong maging Travis Beaumont. Not the CEO, not the businessman, not the name everyone respects or fears. Just me. A man who wanted to sit, drink, and forget the weight of power for a while.
Narinig kong tumunog ang cellphone ko kaya agad ko iyon kinuha sa bulsa ng coat ko. It was my friend, David.
Sinagot ko ang tawag.
“Hey dude!” Sabi ko habang inaabot ang isa pang bote ng bourbon sa counter.
“Bro, nasa bar ka na naman?” Sabi niya sabay tawa.
Napangisi ako at uminom ng isang lagok. “You know me too well, my bestfriend. After ten hours of meetings, I deserve this drink.”
“Tsk. You and your bourbon?" biro niya. “Akala ko ba magbabawas ka na ng alak?”
“I did!" sagot ko, sabay ikot ng baso sa daliri ko. “Binawasan ko… mula dalawang bote, isa na lang!”
Narinig kong tumawa si David sa kabilang linya. “Still the same Travis Beaumont I know. The man who works hard, drinks harder, and flirts hardest.”
“Hey!” natawa rin ako. “That last one’s ancient history, pare. Nagbago na 'ko!”
“Oh yeah?” may halong biro sa boses niya. “Kaya pala may mga tsismis about your secretaries resigning one after another? Wala kang pagbabago, dude! Hindi mo ko maloloko!" Malakas siyang tumawa.
Napailing ako at bahagyang natawa. “Damn you, David. Wala akong pinaglalaruan na secretary, okay?”
“Really? So what happened to Rosalinda?” Sabi niyang may halong pang-aasar.
"Come on! Wala akong kinalaman sa pagre-resign niya. Rumors lang ‘yung nabroken hearted daw siya sa akin. Maybe she just couldn’t handle the pressure. You know how demanding I can be.”
“Demanding or charming?” balik ni David, natatawa.
“Both!” sagot ko agad, sabay tawa rin. “Pero seryoso, hindi ko ginusto ‘yun. The woman just got attached. Not my fault I’m irresistible.”
“Classic Travis! Hindi ka talaga nagbabago!"
“Ikaw din naman, Mr. Villarreal, ilang beses ka nang na-link sa mga young models sa events mo.”
“Those are rumors!” depensa niya, pero narinig ko ‘yung tawa niya sa dulo. “Pero at least wala akong nasasaktan sa office.”
“Coz you do it outside the office. Very professional of you.”
Sabay kaming natawa.
Pagkaraan ng ilang segundo na asaran at tawanan, narinig ko siyang bumuntong-hininga. “Anyway, I called to talk about Maria.”
“Right!” sabi ko sabay baba ng baso ko sa mesa. “She didn’t show up this morning.”
“Yeah, I know!” sagot ni David sa kabilang linya. “Nagkaroon lang ng misunderstanding sa schedule. Akala niya 2 p.m. pa ang appointment. I changed it last night, but she forgot.”
Napailing ako at bahagyang natawa. “Great! Akala ko nag-backout na siya eh. I was starting to think she wasn’t serious about working.”
“Nope! I just told her to go tomorrow morning instead. Nine sharp.”
“Got it! You know I don’t like people who are late. Especially first timers.”
“Yeah, yeah! Alam ko na ‘yan. You’re strict, Travis. Pero I trust you. Maria’s smart, medyo spoiled, but smart. I know you’ll train her well.”
“I’ll try not to scare her!" sabi kong may halong biro. “Pero kung may attitude, I won’t go easy on her either.”
“Don’t worry. She needs that. Gusto kong maranasan niyang magkaroon ng boss. May pagka-brat kasi, palibhasa lahat ng gustuhin niya binibigay agad ni Carmen.”
“So basically, you’re making me the bad guy here?” I smirked.
“Exactly!” Sagot niya, sabay tawa.
“Thanks! You’re such a great friend!" Sagot ko na may sarcasm.
“Just don’t scare her off too soon, ha?”
“I’ll behave!" sagot ko. “But you owe me one for this, David.”
“Fine, fine! Drinks on me next time I’m in town.”
“I'll expect that!" Sabi ko sabay tawa.
Bago niya ibaba ang tawag, nagbiro pa siya. “And Travis, try not to make her resign on day one, okay?” Tumawa siya.
"Of course!" Sabi ko habang tumatawa.
"Also, my daughter is pretty, you know what I mean. You dare touch even the tip of her finger, babaliin ko ang buto mo. I swear!" Pagbabanta niya na hindi ko sure kung nagbibiro lang o seryoso.
“Damn you, bro, she's my goddaughter!” sagot ko na lang at malakas na tumawa.
"Glad you know!"
“See you soon, dude.”
Pagkatapos ng tawag. Ibinaba ko ang phone sa table. I leaned back and stared at my glass, watching the ice slowly melt. Naiwan sa isip ko ang anak ni David — si Mariana. I still remember when she was baptized. She was just a baby back then, parang isang bulak lang nang sinubukan ko siyang kargahin. That was the first and last time I saw her.
Nag-aral ako sa States, at nang bumalik ako sa Pilipinas, siya naman ang umalis papuntang U.S. nang isama siya ng mom niya.
At ngayon, ako ang magiging trainer niya.
Hindi ko alam kung bakit biglang may kakaibang curiosity akong naramdaman. Maybe because she’s my goddaughter. Or maybe… it’s something else. Something that tells me this one’s going to be different.
Natigil lahat ng iniisip ko nang may pumasok na babae sa bar. At ewan ko ba dahil hindi maalis ang tingin ko sa kanya.
She walked in gracefully, in a simple yet striking white dress. The way she carried herself, confident pero may halong innocence caught everyone’s attention, including mine.
“Damn!" Mahina kong sabi habang sinusundan ng tingin ang bawat hakbang niya papunta sa bar counter, malapit sa akin.
Umupo siya sa stool, hinawi niya ang buhok na nakatakip sa mukha niya bago niya kinausap ang bartender.
“Cosmo please!” Sabi niya habang nakangiti sa bartender. Her voice is soft yet confident. And damn! Sa tunog palang ng boses niya parang may kuryenteng dumaloy sa buong katawan ko.
Nakatitig lang ako habang inaabot niya ang alak. Hindi ko in-expect na diretso niya iyon iinumin, no hesitation.
Gosh! She drinks like an expert.
Napailing ako. Hindi kasi ako into women na malakas uminom, pero iba siya. Hindi ko maramdaman na off. Instead, mas lalo akong na-curious.
“One Tequila Sunrise!” sunod niyang order. May ngiti sa labi niya na parang alam niyang karamihan ng mata ay nakatingin sa kanya. At kasama doon ang mga mata ko.
Kagaya kanina, mabilis niyang naubos ang alak. At umorder ng isa pa.
Napa-angat ako ng kilay. Problematic ba siya? Brokenhearted? O gusto lang mag-enjoy?
She took a sip, then another, until the glass was empty.
Habang tumutugtog ang upbeat music sa background, marahan siyang umiindayog habang nakaupo. Nakangiti siya, enjoying the rhythm. Napangiti rin ako. Damn, ang lakas ng dating niya. She's so fcuking hot!
Almost every woman in this bar, I’ve seen them all. Kilala ko halos lahat ng mga mukha dahil sa halos gabi-gabi kong pagpunta dito.
Pero siya? Nowhere in my memory. She’s new. Fresh. Na para bang sinasadya siyang ibigay sa akin ngayong gabi.
Hindi ko alam kung ilang taon na siya, pero mukha pa siyang bata. Maybe early twenties. Gosh. Too young!
And I’m forty. Hindi naman ako kagaya ni David na mahilig sa bata. I never liked women below twenty five, coz I don’t want to look like some sugar daddy.
Pero siya... iba. Kahit gustong umiwas ng utak ko, ‘yung katawan ko naman, may sariling desisyon. May kung anong humihila sa akin papalapit sa kanya.
Nilagok ko ang alak sa baso bago ako tumayo, at bago pa ako maunahan ng ibang lalaking nakatingin sa kanya, I found myself walking toward her.
Paglapit ko, umupo ako sa bakanteng stool sa tabi niya. I was about to speak nang biglang tumunog ang cellphone niya. Mabilis niya yun kinuha sa bag niya at sinagot.
“Hello!”
Kinilabutan ako sa boses niyang soft pero may halong lambing.
“I’m here in the bar... with my cousin! Of course, I’m not alone. I’ll just drink one glass, promise.”
Napataas ako ng kilay. Sino kaya ang kausap niya? Baka boyfriend niya. So she’s taken?
Cousin? Seriously? She’s obviously alone.
At isa lang daw iinumin niya, eh halos tatlong baso na ‘yung nasa harap niya.
Caught you lying, babygirl!
Bahagya akong natawa. May attitude siya, and I kinda like it.
Nang matapos ang tawag, ibinalik niya ang phone sa bag niya.
That’s when I decided to speak.
“Hi!” I said casually, leaning slightly on the counter.
Nag-angat siya ng tingin, halatang nagulat nang marinig niya akong magsalita. Pero mabilis ding bumawi. Ngumiti siya.
“Hey!” She greeted softly.
Napangiti rin ako. For me, that was a signal to continue.
“Beautiful night!” Sabi ko sabay sulyap sa paligid habang sinasadyang i-meet ulit ang tingin niya.
“Yeah! And great drinks.” Sagot niyang bahagyang nakangiti.
Lumapit pa ako, just enough para halos magkadikit na ang mga siko namin sa counter.
Natigilan siya, saka tumingin ng diretso sa akin. And for a second, our eyes locked. Damn! May kung anong kuryenteng dumaloy sa katawan ko habang nakatitig sa mga mata niya, na para bang nagising lahat ng senses ko.
She had that kind of beauty na effortless. Simple, classy, pero dangerously magnetic. I didn’t expect her to look this stunning up close. Napalunok ako. All I could think was, what the hell is happening to me?
Hindi ko alam kung bakit, pero may kakaibang init akong naramdaman. Parang bigla akong nabuhay sa titig niya.
She blinked, biglang namula ang pisngi niya. She’s blushing, and I know it’s because of my stare. For some reason, bigla akong kinilig. That reaction of hers felt like a small victory. Alam kong nakuha ko siya doon.
“You’re enjoying the view?” Tanong niya, teasing me, with a playful smile in her lips.
Mas lumawak ang ngiti ko. “Who wouldn’t?” sagot ko, sabay baba ng tingin sa mga labi niya bago ko ibinalik ang tingin ko sa mga mata niya.
Nag-roll siya ng eyes pero may ngiti pa rin sa labi. “You’re too confident.”
“Just honest!" Sabi ko na bahagyang lumapit pa sa kanya.
Mahina siyang tumawa, ‘yung tawa na parang sinasabi niyang alam niyang nilalandi ko siya pero hindi naman siya tumatanggi.
At sa loob-loob ko, that’s it. She’s definitely flirting back. And I’ll give her what she wants. I don’t care if she’s taken. I don’t care if she’s too young.
Sa ngayon, iisa lang ang laman ng isip ko.
Ngayong gabi, akin siya!
♡