Pagulong gulong lang ako sa kama pagkarating ko ng bahay. Yung puso ko kulang na lang lumabas at magpagulong gulong rin sa tabi ko.
For the first time nag good night siya tapos ngayon ko lang narinig ang pangalan ko mula sa kanya!
" Ahhhh! "
Noon napapangitan talaga ako sa pangalan ko lalong lalo na sa palayaw ko pero nung sinabi kanina ni Steven yung pangalan ko parang nag iba. Parang gusto ko ng lagyan ng ' JADE ' ang buong kwarto ko.
" Jed-jed! "
" Aray! " Nabigla ako sa biglang pagkatok ni Nanay kaya nahulog ako sa kama.
" Anong nangyayari jan, Jed-jed? Buksan mo to. " Sabi ni Nanay at kinatok ulit ang pintuan.
" Aray. " Sinapo ko yung ulo ko at inayos ang buhok.
" Ano yung ingay? Kakain na. " Sabi ni Nanay ng buksan ko ang pintuan.
" Ano... Libro, nay nahulog at busog po ako. Kumain kami kanina sa skwelahan. " Sige, magsinungaling kapa, Jade!
" Ganun? Oh sige na't mag aral kana. " Tumango ito at pumunta ng kusina.
Kinuha ko yung towel ko at pumasok ng banyo para maglinis ng katawan. Pagkatapos ay nasa kama na ako kasama ang mga libro at notes ko ng tumunog ang cellphone ko.
" T'was fun, thanks. " Basa ko sa text at ng makita kong kanino galing nanginig ang kamay ko at kulang na lang lumabas ang mga mata ko.
" Holly Molly! " Waaaaahhh!
" Load! Kailangan kong magpa load! " Grabe! Ng dahil sa isaw at fries tinext ako ni Steven!
Sa sobrang pagmamadali ko para kunin yung wallet sa cabinet ko ay nabangga pa yung tuhod ko kaya napa upo ako sa sobrang sakit.
" Jade! Ba't ang ingay ng kwarto mo? Kanina kapa! " Sigaw ni Mama.
" Libro, Ma. Nahulog sila. " Sigaw ko at dahan dahang tumayo para kunin ang wallet.
Mabilis akong lumabas ng bahay at kumaripas papuntang tindahan para magpa load.
" Aba! Himala't magpapaload ka. " Sabi ni Rea habang naghihikab.
" 50. " Kinuha ko yung cellphone niya at tinype yung number ko.
" Oh sukli mo. "
Mabilis akong nagpa register at agad na pumasok ulit ng kwarto para makapag reply. Umupo ako sa kama at huminga ng malalim.
Habang nag tatype ay kulang na lang mahulog ang puso ko. Nag init yung mukha ko na parang lalagnatin ako. Nanlalamig ang kamay ko at pinagpapawisan ako ng malamig! Ganito pala kapag nag text ang crush mo. Waaahh!
To: Steven
Walang problema. Masaya akong napasaya ka ng fries at fishball ?
Humiga ako at niyakap ang cellphone. Mabilis akong napaupo ng tumunog ang cellphone ko at medyo nahilo ako dun.
From: Steven
Yeah ?
Tinabunan ko yung mukha ko ng unan at nagsisigaw habang nagpapadyak. This time totoong libro na talaga ang nahulog sa kama.
May smiley face ang text niya bes!
To: Steven
Next time pag hindi ka busy treat kita ulit pero hindi na fish ball at isaw, burger na sa burger king ?
From: Steven
Depends on you.
Ang bilis niyang mag reply! Bahala ng walang maisagot bukas basta ka text ko lang siya!
To: Steven
Friday afternoon?
From: Steven
Ok, Just text me.
Siopao! Pumayag siya! At itetext ko raw siya!
AAAAHHHHHHH
To: Steven
Sure ?
Kinaumagahan magana akong kumain at maagang pumasok. Nakapag review naman ako kagabi at ready na ako para sa exam. Parang lahat ng nababasa ko sa libro ay naka print sa utak ko. Excited na ako para sa friday! Yay!
" Oh? " Hinawakan ni Leah yung mukha ko.
" Hmm? " Kumunot yung noo ko sa ginawa niya.
" Ang totoo, bipolar ka ba? " Nilayo ko yung mukha niya at umupo.
" Ba't sobra ang ngiti mo? " Tanong ni Joana.
" May kodigo ka ano? " Dagdag ni Kissel na agad kong siniko.
" Kodigo agad? Di pwedeng masaya lang? "
" Teh, major major major major subject natin to? Major? Masaya ka? " Nagtatakang tanong ni Leah.
" I know pero... basta masaya ako. " Nginitian ko lang sila hanggang sa dumating yung proctor namin.
Pagdating ng bahay, naabutan kong naglalaro si Kyle sa sala.
" Hello, Kyle. "
" Lo, Te. " Sabi nito ng di tumitingin sa akin.
Umupo ako sa sofa at tinignan siyang nilalaro ang laruang sasakyan na binili nila Mama noong Lunes.
Tatayo na sana ako ng may makita ako sa braso ni Kyle. Agad ko siyang nilapitan at tinignan ng maigi ang kanyang braso.
" Saan to nanggaling, Kyle. " Tinuro ko yung pasa sa kanang braso niya.
Umiling ito at nag laro ulit.
" Next time, be careful pag naglalaro. Ok? " Tumango ito.
Medyo malikot kasing maglaro si Kyle kaya mula bata ay hindi na siya nawawalan ng pasa lalo na sa tuhod at binti nito.
Thursday na! At bukas na yung date! Hindi ko nakita sina Steven, Newt at Brent. Hindi narin siya nag text at ayaw ko naman siyang guluhin sa text at baka hindi na matuloy bukas ang lakad namin.
Wala na akong exam bukas kaya makakapag beauty rest talaga ako. Matutulog ako mamaya ng 10 pm at gigising ng 10 am bukas para fresh yung mukha ko.
" Uwi kana? " Tanong ni Kissel habang nagliligpit ng gamit.
" May bibilhin pa ako sa mall. " Bibili ako ng bagong damit para naman gumanda ako sa paningin ni Steven at baka magustuhan na niya ako.
" Ano? Sama kami! " Hindi na ako sumagot ng hilahin na nila ako papuntang parking lot.
" Ano ba yung bibilhin mo? " Tanong ni Leah. Sa kanya ako sumabay dahil sa kanilang tatlo sa kanya lang ako may tiwala pag nagda-drive.
" Bagong damit at jeans. " Sabi ko.
" Bakit? " Tanong nito at mabilis akong binalingan.
" May date ako bukas! Ahhh! " Agad siyang nag preno kaya naman napahawak ako ng mahigpit sa seatbelt.
" Leah naman! May date ako bukas, di pwedeng may bukol o galos yung mukha ko. " Reklamo ko at inayos ang pag upo.
" Talaga? May date ka? Kanino? " Tanong nito.
" Kay Steven Ryle Montreal Saavedra. " Taas noo kong sabi.
" Weh? " Tumango ako at dun na nalaglag ang panga ni Leah.
" Ginayuma mo ano? " Sabi nito at tinawana ako.
" Sama mo. Syempre hindi no, sadyang maganda at mabait ako kaya lalabas kami bukas. " Matamis ko siyang nginitian.
" Kaya pala malapad ang ngiti mo. " Ngumiti lang ako.
Pagdating ng mall ay agad na ikwenento ni Leah ang sinabi ko kaya naman agad nila akong hinatak sa mamahaling boutique. Umiling ako dahil balak kong sa department store lang bumili.
" Once in a blue moon lang to kaya lasapin mo na. " Sabi ni Joana.
" Live your life to the fullest! " Dagdag pa ni Kissel.
Gusto ko sanang mag jeans kaso umayaw silang tatlo. Sila yung nag pili at ang ginawa ko ay ang magpalit ng sampung beses ng dress sa dressing room.
" Ayan! " Sigaw nilang tatlo ng lumabas ako ng dressing room.
" Ganda mo girl. " Sabi ni Kissel.
Isang simpleng white na dress yung napili nila. Walang tag kaya alam kong mahal yung dress.
" Baka hindi magkasya ang pera ko. " Bulong ko sa kanila ng ibigay nila ang dress sa isang sales lady.
" Ano kaba? Sagot na namin to at ang sapatos dahil masaya kami sa'yo. " Sabi ni Kissel.
" So proud of you. " Sabi ni Leah at niyakap ako.
" Good luck bukas. " Sabi ni Joana.
" Mag make up ka ha. " Sabi ni Leah at nilabas sa bag ang maliit niyang pouch na naglalaman ng make up niya.
Napangiwi ako. Grabe! Magsusuot ako ng mamahaling dress at maglalagy ng make up eh kakain lang naman kami ng burger. Baka tawanan lang ako nito ni Steven bukas at baka sabihin niyang patay na patay talaga ako sa kanya dahil naghanda ako ng todong todo.
Bahala na nga bukas!