Kinabukasan usap usapan na sa Montreal ang nangyari kahapon sa kanila ni Steven, Brent at Newt. Maraming dismayado at takot sa kanila ngayon.
Napag alaman ko rin na pinapunta sila kanina sa office of the president. Ang sabi nila ay pinsan raw nina Steven sina Miss Kathniel Montreal kaya alam kong hindi siya basta basta na mapa alis sa university lalo ng magsisimula na sila ng internship pagkatapos ng prelim exam at higit sa lahat graduating na sila.
" Katakot ang nangyari kahapon no? " Rinig kong sabi ni Celine na naka upo sa unahan ko.
" Oo nga. Katakot talaga ang Steven na yan. " Kumento ng kaibigan niyang si Lucy.
" Mabuti na lang at hindi gangster ang kakambal niyang si Stephen. " Napailing silang dalawa at natahimik ng pumasok si Miss Tan.
Ganun na ba kasama ang tingin nila kay Steven? Ni hindi naman nila kilala si Steven eh kong makapang husga kala mo ang babait.
" Hoy! Ok ka lang? " Tanong ni Leah habang naglalakad.
" Ok lang. "
" Ang tamlay mo. May lagnat ka? " Kinapa ni Joana ang noo ko.
" Wala ka namang lagnat. Meron ka? " Tanong niya ulit. Umiling ako.
Nang nasa lobby ay nagpaalam na ako sa kanilang tatlo. Lumabas ako ng main gate at matamlay na naglakad papuntang kanto.
Pag naalala ko yung tatlong natitirang exam sumasakit na ang ulo ko. Dagdagan pa ang mga negatibong sinasabi ng mga taga Montreal kay Steven. Parang ako yung nasasaktan para sa kanya.
Habang naglalakad ay nakita ko si Steven na nakatayo sa gilid ng kotse niyang naka park malapit kong saan ako nag aantay ng jeep.
Agad ko siyang nilapitan at kitang may tinatawagan siya. Ng makalapit ay agad niyang binaba ang cellphone ng makita ako. Meron siyang band aid sa noo na natatakpan ng kaunti ng kanyang buhok. May pasa rin siya sa right cheek niya at maliit na cut sa kanyang labi. Kumunot ang noo niya at bumuntong hininga.
" Uwi kana? " Ngiting tanong ko sa kanya.
" Uwi kana. " Sabi nito at pumasok ng kanyang sasakyan.
Mabilis akong lumapit sa kanyang kotse at pumasok sa front seat. Tinaasan niya ako ng kilay ng makapasok ako.
" Start na ng internship niyo next week diba? " Tumango ito at pinaandar ang sasakyan.
" Date tayo. " Napa preno siya kaya muntik na akong tumilapon.
" What the! " Sabi nito at tinignan akong magkasalubong ang kilay.
" Date. Friendly date lang. Treat ko, promise hindi ka magsisisi! " Napa iling ito at hindi na sumagot.
" Liko sa kaliwa. " Masama niya akong tinignan pero sinunod niya naman.
Balak ko siyang dalhin sa tapat ng school kong saan ako nag tapos ng high school. Maraming nagbebenta ng fish ball at barbeque dun masasarap pa.
" Kanan. " Bumuntong hininga siya kaya napangiti ako.
" Dun ka mag park. " Turo ko malapit sa malaking puno.
Tinignan ko yung relo at 5:30 na. Tiyak na marami na ang nabebenta nito. Excited akong lumabas ng kotse niya dala ng wallet ko. Mabuti na lang ang pinadalhan ako ng allowance kaya may laman na itong wallet ko.
" Lika! " Hinawakan ko siya sa kamay at dinala kina Sweetheart.
Tahimik siyang sumunod sa akin. Amoy na amoy ko na yung fish ball at usok mula sa barbeque.
" Tita Sweetheart! " Sigaw ko kay Tita Sweetheart ng makalapit ako. Maraming high school at college students ang naka pila sa kanilang fish ball stand.
" Jade! Ang tagal mo ng di nakapunta dito. " Sabi niya at tinawag ang kanyang mister.
Sweetheart ang tawag ng kanilang mga suki. Sweetheart kasi ang tawagan nila kaya sweetheart narin ang tawag namin sa kanila.
" Sweetheart nandito si Jade. " Ng makita ako ni Tito Sweetheart ay ngumiti ito.
" Aba! May dalang pogi si Jade, Sweetheart. " Sabi ni Tito Sweetheart.
Nahiya ako ng lahat ng pumipila ay napatingin sa amin at karamihan sa kanila nakatingin kay Steven.
" Tito, kaibigan ko si Steven. Steven si Tito at Tita Sweetheart. " Ngumisi ako at pilit na ngumiti si Steven.
" Benteng fish ball, forty pesos na kwek kwek, fifty na fries at dalawang gulaman. " Tumango si Tita Sweetheart.
" Gusto mong may cheese yung fries mo o ketchup lang? " Tanong ko kay Steven na nakatayo lang sa gilid ko.
" Ketchup. "
" Tita, ketchup lang sa fries ha. Bili muna ako ng isaw. " Tumango lang si Tita.
" Tara dun, Steven. " Turo ko sa nagbebenta ng isaw.
" Kumakain ka ng isaw? Betamax? Tocino? " Todo iling naman siya.
" Hindi naman siguro sasakit ang tyan mo no? " Tanong ko.
" I will not eat that. " Sabi nito at humalukipkip.
" Hindi ka naman siguro mamamatay pag nag try ka. Sige na, minsan lang ako mang treat ayaw mo pa. " Sabi ko at kumuha ng isaw, betamax, tocino at paa ng manok.
" Magkanon po lahat Kuya? Padagdag po ng dalawang hotdog at dalawang tinapay. " Grabe! Namiss ko to!
" Gutom ka ba? Ang dami niyan? " Tanong ni Steven. Tumango ako at ngumiti.
" 150 lahat. " Kumuha ako sa wallet ng 150 at binigay kay Kuya.
Nang naluto na ay bumalik kami kina Sweetheart. Kumuha ako ng 140 at binigay kay Tita Sweetheart.
" Salamat po. "
" Balik ka ulit dito Jade. " Nag thumbs up ako at nagpaalam sa kanila.
" Dun tayo. " Turo ko kay Steven.
Lumapit kami sa isang bench malapit sa malaking puno. Napagitnaan namin ang mga pagkain at sobrang excited na akong kumain.
" Hay! Heaven! " Sabi ko ng sumubo ako ng isaw pagkatapos ay fish ball.
Tinignan ko si Steven at ngumiwi ito. Kumuha ako ng isaw at nilagay sa kamay nito.
" Try mo. Alam kong iniisip mo. Minsan lang to. " Sabi ko at sumubo ng kwek kwek.
Grabe ilang taon rin akong hindi nakabalik dito. Miss ko na yung amoy ng mga pagkain at ingay ng mga tao dito.
" Sarap diba. " Sabi ko ng maisubo na niya ang isaw.
Hindi ito sumagot pero madali niyang inubos ang isang stick ng isaw at uminom ng gulaman.
" Ito fries tapos kwek kwek. Kain lang ng kain. " Kumuha ito ng fries at dinip sa ketchup.
" Grabe! Hindi na ako nito maghahapunan. " Sabi ko habang ngumunguya ng betamax.
" Hindi kita uubusan kaya hinay hinay lang. " Sabi nito na nakangiti na ngayon.
" Eh kasi sobrang namiss ko to. " Sabi ko at uminom ng gulaman.
Nung high school ako palagi kaming kumakain ng mga kaibigan ko ng mga ganito pagkatapos ng klase. Ang kaibigan kong si Langging sumama na sa mama niyang nasa Japan si Rosa naman ay dun na nag aral sa probinsya kasama ang kanyang mga kapatid. Miss ko na ang dalawang yun tsaka wala na akong number nila kaya ilang taon ko narin silang hindi na contact.
" Try mo to. " Agad siyang umiling ng bigay ko sa kanya ang betamax.
" Huh? Masarap kaya to. "
" No. Ok na ko dito. " Turo niya sa fries at kwek kwek.
Panay lang ang daldal ko kay Steven habang siya naman ay tahimik lang na inuubos ang pagkain. Hindi talaga siya kumain ng betamax, tocino at paa ng manok kaya ako yung nag ubos.
" Thanks for the treat. " Ngumiti ito ng papalabas na ako ng kotse niya.
" Wala yun. Next time? " Ngumiti lang ito at tumango.
" Goodnight, Steven. "
" Goodnight, Jade. "