CMB 19

1512 Words
Sumasakit ang ulo ko pagkatapos ng exam. Sina Leah, Kissel at Joana ay hindi maipinta ang mukha. Yung exam namin sa isang major namin ay puro essay. Sumakit ang ulo at kamay ko dun. Parang nagsulat ako ng isang nobela dahil puno yung answer sheet ko. " Langya! Nanginginig yung kamay ko. " Sabi ni Joana habang minamasahe ang kamay. " Shift na tayo. " Sabi ni Kissel at umupo sa bench dito sa freedom park. " Sobrang tamad talaga ni Miss. Ni wala man lang multiple choice. " Sabi ni Leah. Tahimik lang ako dahil masakit yung ulo ko. Hindi rin kasi ako sure sa mga sagot ko dun. Malapit ng maubos yung brain cells ko. Ala cinco ng matapos ang exam ko ngayong araw. Meron pang lima na natitira at konti na lang bibigay na ang utak ko. " Ingat, Jade. " Sabi ni Kissel. Tumango ako sa kanila at dumiretso sa main gate. Nang nasa kanto na ako habang nag aabang ng jeep ay nakita ko na naman sila Steven na nagyoyosi sa tindahan. Lalapit sana ako ng may limang lalaki ang lumapit sa kanila. Nanlaki ang mata ko ng makita ang dala ng limang lalaki. " Hala! " Nagtago ako sa poste dahil natatakot ako sa gagawin ng limang lalaki kina Steven, Brent at Newt. Marami ring tao ang napahinto at napatingin sa kanila. Ang iba mabilis na tumakbo palayo. Hahampasin sana ng lalaking naka pula si Steven ng baseball bat ng sipain siya ni Steven sa private part nito kaya napa luhod agad ito. Sina Newt at Brent naman ay pilit na inaagaw ang baseball bat sa natitirang lalaki. Lunes na lunes nakikipag away na naman sila. Gustong gusto talaga nilang masira yung popoging mukha nila. Nagkagulo lalo ang mga tao at narinig ko ang sigawan nila lalo na ang may ari ng tindahan. Hinampas ni Steven ng kanyang bag ang mukha ng isang lalaki at agad na tinadyakan sa tagiliran nito. Ouch! Sakit nun! Napasinghap ako ng mahampas si Brent ng bat sa paa nito mabuti na lang at agad siyang tinulungan ni Newt. Pinagsusuntok ni Newt ang lalaking naka itim at tinadyakan naman ni Brent ang lalaking humampas sa kanya kaya tumilapon ito. Naagaw ni Steven yung bat sa lalaking naka dilaw at yumuko para maiwasan ang paghampas ng lalaking naka pula. Bakit walang tumutulong?! Hinagilap ko yung cellphone ko at hihingi sana ng tulong kaso wala na akong load kahit piso man lang. Pagtingin ko ulit sa kanila parang nag slowmo ang pangyayari. Nahampas ng lalaking naka itim si Steven ng bat sa likod nito kaya napaluhod siya. Ang mga tao ay napasigaw katulad ko. My gosh! Mabilis itong tumayo at pinaghahampas ang lumalapit sa kanya. Agad niya ring pinagsusuntok ang lalaking nakalapit sa kanya. Maya maya ay may dumating na mga pulis kaya napahinto silang lahat. Dun lang ako nakahinga ng maayos. Lahat sila sapilitan na pinapasok sa tatlong sasakyan ng police. Hindi na ako nagdalawang isip at sinundan sila. Sumakay ako ng taxi kahit na sakto na lang ang pera ko. Bukas ng hapon pa naman ang exam ko kaya may oras pa ako bukas ng umaga para mag aral. Pagdating ko sa police station ay rinig kong pinapagalitan sila ng isang police. Nakatayo silang walo at may bakas ng dugo sa kanilang damit. Kitang kita ang dugo sa puting uniform nina Steven, Brent at Newt. " Sinugod nila kami, chief. " Sabi ni Newt at tinuro ang limang lalaki na puro sugat ang mukha. Ang lalaking naka itim ni hindi na maibuka ang kaliwang mata. Ang naka pula naman ay dumudugo ang ilong ganun din ang naka dilaw. Ang dalawang nakaputi naman ay putok yung bibig at dumudugo ang ilong. Pumasok ako at agad na nanlaki ang mata ni Steven ng makita ako. Sina Brent at Newt naman ay nakatingin ng masama sa limang lalaki. " Pasok na yang walong yan. " Sabi ni chief at lahat sila ay pinagtulakan papasok ng maliit selda. " Makakalabas lang kayo diyan pag pumunta ang mga magulang niyo! Pasaway kayong mga bata kayo! " Sigaw ni Chief. " K-kuya. Pwede ko bang maka usap ang isa sa kanila. " Tanong ko sa isang police na naka tayo sa tabi ko at tinuro si Steven. " Ka ano ano ka ng mga yan? " Natakot ako sa kanya dahil parang biglang lumaki yung boses ng police. " Ka-kaibigan po. Nakita ko po kanina ang nangyari at wala po talaga silang kasalanan. Totoo po talaga, Sir. " Tinignan lang ako ng police at sinama sa labas ng selda. " 5 minutes. " Sabi nito at tumango ako. " What the fck do you think you're doing here?! " Bungad ni Steven ng makalapit ako sa kanila. " You should go home, Jade. " Sabi ni Newt na naka upo sa gilid. Nasa kabilang side naman ang lima at masama ang tingin kina Steven. " Nag alalala lang ako kasi nakita ko kayong nag aaway at dinala ng mga police dito. " " Go home. " Walang ganang sabi ni Steven at tinalikuran ako. " Sandali. Kunin mo to. " Binigay ko sa kanya yung panyo ko. Nagdalawang isip pa siya kong kukunin niya o hindi. Sa huli kinuha niya ito. " Punasan mo yung dugo sa bibig at kilay mo. " Naiiyak kong sabi sa kanya. " You should go home, Jade. Gabi na. " At tinalikuran ako. Nanghihina akong umupo sa labasan ng presinto. Halong halo ang nararamdaman ko ngayon. Sinilip ko yung wallet ko at ten pesos na lang ang laman nito. " Naman! Panu ako uuwi nito? Mula rito papuntang bahay kailangan kong sumakay ng dalawang beses. " Napa yuko na lang ako. Lord, tulongan mo po akong maka uwi. Napa ayos ako ng upo ng may dalawang magagarang sasakyan ang huminto sa tapat ng police station. Lumabas ang isang maganda at maputing babae na naka dress. Ng makita ko yung mukha ay nanlaki ang mata ko ng makilala kong sino ito. Kasama nito ang Kuya niyang doctor. Sa isang sasakyan lumabas ang kakambal ni Stephen na naka kunot ang noo. " Steven Saavedra. " Sabi ng Ate ni Steven at agad naman silang pinapasok sa kwarto kong nasaan ang chief. Dalawang beses pa akong tinapunan ng tingin ni Stephen at ng makilala ay agad siyang lumapit sa akin. " What the hell. Ba't nandito karin? Nasama ka ba sa away? " Umiling ako at umupo ito sa tabi ko. " Sinundan ko lang sila Steven dahil nakita ko yung nangyari kanina. " Tumango ito. " Dapat umuwi kana. Magagalit si Steven pagnakita ka niya dito. " Sabi nito. " Nagalit na nga siya. " Mapait akong ngumiti sa kanya. " Pag na settle na nina Kuya at Ate yung kay Steven hatid na kita. " Tumango ko. Salamat naman at makakauwi na ako! Thank you Lord! Maya maya ay lumabas sina Steven kasama ang Kuya nilang Doctor at ang Ate nila na magkasalubong ang kilay. " Isa pa Steven matatamaan kana talaga sa akin. " Narinig kong sabi ng Kuya niyang Doctor. " Pag nalaman to ni Lolo malalagot ka talaga sa kanya. Kahapon lang nandito kami dahil kay Sugar ngayon ikaw naman? Sino ang susunod?! " Inis na sabi ng kanilang Ate. " Let's go, Stephen. " Tumayo si Stephen at kinausap ang Ate niyang namumula ang mukha. " Kay Stephen ako sasabay. " Sabi ni Steven na masama ang tingin sa akin. " Ok. Sumunod kayo. " Tinuro pa ng Kuya nila silang dalawa. " Ok. " Sabi ni Stephen. Naunang umalis ang dalawa at sumunod kaming tatlo. " Ano bang pumasok sa ulo mo at sinundan mo pa kami Jade? " Inis na tanong ni Steven ng makasakay na kami ng kotse. " Nag alala lang naman ako Steven. " Bumuntong hininga ito sumandal sa upuan. " Punta mo na tayo ng Montreal. Kukunin ko yung kotse ko. " Sabi niya kay Stephen. " How 'bout Brent and Newt? " Tanong ni Stephen. " Papunta na sina Tito at Tita. " Sagot nito. Nang nasa parking lot na kami ng Montreal ay agad na bumaba si Steven. Nabigla ako ng buksan niya ang pinto sa tabi ko. " Labas. I'll drive you home. " Sabi nito. Nagpasalamat muna ako kay Stephen at nginitian lang ako. " Sorry. " Sabi ko ng maka upo ng ako sa kotse niya. " Next time pagnakita mo akong nakikipag away wag kang tumingin at umuwi ka agad. " Sabi nito at ramdam ko ang sakit na dinaramdam nito. " Masakit ba? " Turo ko sa likod niyang nahampas kanina ng baseball bat. " Kuya will check it later. " Sagot nito at diretso ang tingin sa kalsada. Nang nasa kanto ng kami ay nagpasalamat at nag sorry muna ako bago bumaba ng kotse niya. Tumango lang ito at agad na umalis. Kaya pala binansagang badboy itong si Steven sa Montreal. Palagi itong napapa away at kahit saang lugar may kaaway ito. Ganito ba ang gusto ko? Bakit ba ako nagkagusto sa isang badboy?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD