" Tahan na, Kyle. " Kinuha ko yung panyo ko sa bag at pinunasan ang luha niya.
" Ma! Mama, want Mama. " Sabi niya at muntik na niyang mabitawan ang hawak niyang balloon.
" Sige. Tahan na. "
" You want me to buy you uhmm doughnut? Ice cream? C-cake? " Nag squat si Steven sa harap ni Kyle at hinawakan ito sa kamay.
Tumigil sa pag-iyak ang kapatid ko at tinignan ng mabuti si Steven. Mabilis na tumango ang kapatid ko at tumayo.
" Wag na, Steven uuwi na lang kami. " Hindi ko na sila napigilan ng hatakin ni Kyle si Steven.
Sinundan ko na lang sila dahil naka ngiti na ngayon ang kapatid ko.
Hahanapin ko talaga ang mga batang yun at tuturuan ng leksyon. Ang lakas nilang pagsabihan ng ganun ang kapatid ko? Bakit, sila ba ang nagpapakain sa kapatid ko para sabihan nila ng masama?
Nakakainis!
Pumasok sila ni Steven sa dunkin kaya pumasok rin ako. Marami-rami rin ang tao dahil linggo at malapit lang sa simbahan. Pumunta sila ng counter at kitang kita ko ang pagkamangha sa mata ng kapatid ko.
Hindi ko kasi siya dinadala sa mga ganito dahil hindi siya pwedeng kumain ng maraming tsokolate at isa pa marami ang kakainin niya at wala akong budget.
" Pili kana. " Sabi ni Steven at binuhat pa si Kyle para makapili ng maayos.
" Steven, isang donut lang. " Mukhang hindi narinig ni Steven ang sinabi ko dahil um-oo lang ito sa mga tinuturo ng kapatid ko.
Nanlaki ang mata ko ng dalawang box ang binigay ng babae kay Steven. Ang daming donuts!
" Coffee? Pineapple juice? " Biglang tanong niya sa akin.
" Ha? Ano... P-pineapple juice na lang. " Sinikmura ako kagabi dahil sa kape at napagalitan pa ni Mama dahil gabing gabi na ako naka uwi. Akala niya kong napano na ako kaya kurot ang natanggap ko mula sa kanya.
" Hanap ka ng mauupuan. Ako na bahala dito. " Napatango na lang ako at naghanap ng bakanteng upuan.
Nasa gitna ang available na mesa kaya dun ako umupo at hinintay silang dalawa. Malaki ang ngiti ni Kyle habang hawak ang isang box papunta sa akin.
" Te, look. " Pinakita niya sa akin ang box ng donut at umupo ito sa tapat kong upuan.
" Dito ka sa tabi ko Kyle. " Umiling ito at kumuha agad ng donut.
" You like it? " Tanong ni Steven ng dumating siya.
Tumango ang kapatid ko na punong puno ng pagkain ang bibig.
Umupo ito sa tabi ni Kyle at tinali niya ang balloon ng kapatid ko sa upuan niya. Binigay niya sa akin ang pineapple juice at binuksan ang isang bottled water para kay Kyle.
Uminom siya ng kape at nakangiting nakatitig lang sa kapatid ko.
" Salamat ha. Magkano lahat to? Babayaran na lang kita. " Kinuha ko yung wallet sa bag at mag lalabas na sana ng pera ng pigilan niya ako. Aabot kaya ng 1000 to? Hala! 200 lang ang pera ko dito.
" No. My treat. " Sabi nito at kumain na rin siya ng donut.
" Salamat. Magiging hyper na yan dahil kumain na naman ng may chocolate. " Hindi pa ako nakakagat sa donut ko panglima na ni Kyle at puro chocolate pa talaga ang kinakain niya.
" He likes it. " Kumento ni Steven na aliw na aliw sa kapatid ko.
" Na saan na pala ang mga kapatid at pinsan mo? "
" Ah sht. " Bulong nito at dali daling kinuha ang cellphone sa bulsa ng pants niya.
" Hello. " Bigla niyang nilayo ang cellphone sa tenga niya at pumikit ito.
" Yeah, yeah. I'm sorry princess. " Napatigil ako sa narinig ko.
Princess? Meron siyang girlfriend?
Ouch ha! Harap harapan?
" Susunod ako...... I promise........ I'll bring donuts later. Your fav food...... Yeah. "
Ibinalik ko kaagad ang donut na kakainin ko pa sana. Paborito pala ito ng Princess niya at mag de-date sila.
" Love you. Bye. "
Love you? Double ouch!
Nawalan na ako ng gana. Kaya pala dinala niya kami dito kasi bibili siya ng donuts para sa Princess niya.
" You don't like it? ". Tanong nito ng makitang ibinalik ko ang donut sa box. Binulsa niya agad ang kanyang cellphone.
" Gusto pero... ano.... busog pa ako. " Pero ang totoo gustong gusto ko ng kumain dahil gutom na ako kaya uminom na lang ako juice.
" Kyle, tama na yan. " Marami na siyang nakain at pag nalaman to ni Mama pagagalitan kaming dalawa lalo na ako.
Kinuha ko yung towel niya sa bag. Pupunasan ko na sana ang bibig Kyle nung kunin ni Steven ang towel at siya ang nagpunas.
Siomai! Para kaming mag asawa dito at anak namin si Kyle.
Pinagtitinginan na rin kami ng mga tao lalo na ang babae sa counter.
" That's enough, Kyle. " Pinainom niya pa ito ng tubig at pinunasan ang kamay ng bata.
Napainom na lang ako ng pineapple juice.
" Dalhin mo na lang to ang sobra sa inyo. " Sabi ni Steven at kumuha siya ng plastic sa counter.
" Wag na. " Ang dami pang natira at pagnakita to ni mama lagot ako.
" I insist. " Binigay niya sa akin ang plastic na may lamang dalawang box ng donut.
" Nako, salamat talaga Steven. "
" Wala yun. Sandali lang. " Pumunta ulit siya ng counter at pagbalik niya may dala na siyang dalawang box.
Right! For princess.
" You happy little buddy? " Tanong niya kay Kyle ng palabas na kami ng dunkin.
" Yes! S-sa...lamat. " Hinawakan pa ni Kyle sa kamay si Steven ng sabihin niya yun.
Nag squat si Steven para kurutin ang mukha ng kapatid ko.
" You're always welcome. " Tumayo itong nakangiti at hinarap ako.
" Hatid ko na kayo. "
" Hala! Wag na. Mag je-jeep na lang kami at baka hinahanap ka na dun. " Ng princess mo.
" No. Wait here. Kunin ko lang ang kotse. " Aayaw pa sana ako ng mabilis itong umalis at iniwan kami sa labas ng dunkin.
" Te, uwi. " Hinatak ako ni Kyle.
" Wait. Hatid tayo ni Kuya Steven. " Kitang kita ko ang paglaki ng mata ng kapatid ko at nagtatalon ito.
" Yey! " Napangiti na lang ako.
Mukhang gustong gusto rin ng kapatid ko si Steven.
Maya maya ay may kotseng tumigil sa harap namin. Lumabas ang poging si Steven at pinagbuksan pa kami ng pinto.
Naunang pumasok si Kyle at siya mismo nag ayos ng seatbelt nito. Susunod na sana ako ng sitahin ako ni Steven.
" I'm not your driver. Sa harap ka. " Pumasok na lang ako at inayos ang seatbelt.
" Wow! " Sabi ni Kyle ng paandarin na ni Steven ang kotse.
" You're brother is so adorable. " Sabi niyang nakangiti.
Parang nag bago ngayon si Steven. Palagi nia siyang naka ngiti at hindi na siya nakasimangot. Ngayong araw palagi ng nakalabas ang ngipin niya sa kakangiti sa kapatid ko. Mukha bang clown si Kyle?
" Mahilig ka sa bata? " Kanina kasi may karga itong bata.
" I really hate kids before because most them are stubborn and brat pero nung nanganak si Ate Summer dun na ako nahilig. " Kaya pala aliw na aliw siya sa kapatid ko.
Malapit na kami sa bahay ng tumunog ang cellphone niya. Ngumiwi ito ng sagutin niya ang tawag at ni-loudspeak kasi nagda-drive siya.
" Where the hell are you? " Yun agad ang bungad ng tumawag sa kanya.
Nanlaki ang mata ko dahil medyo galit ang boses nito at mabuti na lang tahimik lang si Kyle sa likod. Nakatingin lang ito sa labas ng bintana hawak ang kanyang balloon.
" I'm on my way. " Sagot ni Steven.
" Five minutes, Steven. She's throwing tantrums at nagpipigil na lang ang asawa ko na wag itong paluin. " Nakarinig ako ng sigaw at napangiwi si Steven.
Hala! Napagalitan pa siya ng dahil sa amin.
" Yes, kuya. "
" Daddy! Is that Tito Sungit? "
Tito sungit? Bagay.
" Yes, Dale. Tito is on his way na kaya wag ka ng umiyak baka papaluin ka na ni Mommy mamaya. "
Awkward......
" Tito Sungit! I've been waiting here for like 30 minutes and you're still not here. Nag promise ka na tuturuan mo ako ng soccer! " Sigaw ng bata at narinig ko ang mahinang mura ni Sander.
" Yes, princess. I'm coming. " Sagot nito.
Princess? Yung princess kanina? Yung binilhan niya ng donuts?
" Ok. Bye! " Sabi ng bata at namatay ang tawag.
" Hala, sorry! Naabala kapa namin may pupuntahan ka pala. "
" It's ok. She's always like that. Sa hapon pa naman kami aalis. " Tumango ako.
Nang nasa kanto na kami ay nagpasalamat ako ulit ganun din si Kyle sa kanya.
Bipolar kaya itong si Steven? Bakit ang bait niya ngayon? Hmmm...