CMB 17

1437 Words
" Salamat. " Sabi ko kay Steven habang nakaupo kami sa grandstand. Hindi ko alam kong anong pumasok sa utak ni Steven at dinala niya ako sa soccer field ng Montreal pagkatapos naming uminom ng kape sa 7/11. " Wala yun. " Sabi niya habang nakatingin sa mga taong naglalaro ng soccer. Kahit gabi na nagpa-practice parin ang mga players dahil next week pagkatapos ng exam meron silang laro laban sa Almanza University at si Miss Kathniel Montreal, President ng university ay gustong gusto na manalo ang school laban sa Almanza kaya naman todo kayod ang mga players. Nakaupo lang ako sa tabi niya at parang baliw na nakatitig sa kanya. Grabe! Ang tangos ng ilong niya at ang haba ng kanyang pilik mata. Karamihan sa aming barangay na naninigarilyo ay ang iitim ang labi pero itong kay Steven pinkish. Bakit kaya? Dahil pinasuot niya sa akin ang sobrang bango niyang jacket ay kitang kita ko sa malapitan ang bumabakat niyang muscles sa kanyang itim na t-shirt. Napapanga-nga ako bawat kagat niya ng kanyang labi at pinigilan kong wag tumalon sa kilig ng makitang gumalaw ang adams apple niya kada lunok nito ng tubig. Damn! Ang sexy niya. " Soccer player karin diba? " Palagi ko siyang pinapanood noon kaso bigla siyang tumigil last year at walang nakaka alam kong bakit. " Yeah. " Simpleng sagot nito habang nakatingin parin sa mga naglalaro. Kitang kita sa mga mata niya ngayon kong gaanu niya kagusto ang soccer. " So, you like Messi? " Agad na nanlaki ang mata ko sa naitanong ko kay Steven. Hala! " Ha? " Pati siya nalito. Sa napanood ko kasing kdrama ang bidang babae yun din ang itinanong sa crush nitong doctor. Tsaka soccer player siya malamang kilala niya si Messi. " Ah.. Ano.. Y-yung soccer player. Oo yun! " Nauutal kong sabi at pasimpleng kinurot ang aking braso dahil sa kahihiyan. Kunot noo niya akong binalingan at napakagat na lang ako ng labi. Kulang na lang sabunutan ko ang sarili ko. " Ah! Yeah but I'm a big fan of Ronaldo. " Sagot nito at tumingin ulit sa mga naglalaro. " You like soccer? " Tanong pa nito pero hindi siya nakatingin sa akin. " Ha? Ano... Si Kyle yung kapatid ko mahilig manuod ng ganyan sa tv. " Yung totoo, Jade? Syempre si Messi lang ang kilala ko. " Ah. " Nagkibit balikat lang ito. Shoot! Muntikan na ako dun. Hindi naman niya malalaman na nagsisinungaling ako at tsaka hindi naman siguro nanunuod ng kdrama to. " Bakit ka pala tumigil? " Ang galing pa naman nitong maglaro. Tahimik lang ito at walang balak na sagutin ang tanong ko kaya nag isip na lang ako ng ibang topic. Sobrang personal siguro sa kanya ang rason at tsaka ngayon ko lang siya naka usap ng matino kaya hinay hinay muna. " Sino pala ang mga yun? Yung humahabol kanina. " " Natalo sa pustahan kaya nagalit. " Sagot nito at tumayo. " Ahh. " " It's late. " Tinignan nito ang kanyang mamahaling relo at binalingan ako. " Let's go. " Tumayo rin ako at sumunod lang sa kanya. Kahit na ayaw ko ng sumakay ng motor niya pinilit parin niya ako na ihatid sa bahay kaya sino ba ako para humindi? Kahit na namamasa ang kamay ko dahil sa takot hindi ko na lang pinansin dahil nakayakap ako kay Steven. Kinaumagahan maaga akong nagising dahil magsisimba kami ni Kyle ngayon. Sina Mama at Nanay naman ay busy sa market dahil linggo ngayon. Matapos kong paliguan si Kyle ay kumain muna kami dahil bawal siyang magutom. Mabilis kasi siyang magalit pag gutom. " Te. Want this. " Turo ni Kyle sa isang balloon ng papasok kami ni Kyle ng simbahan. " Mamaya na lang Kyle. I'll buy you one later. " Tumango ito at pumasok na kami ng simbahan. Nasa gitna kami umupo ni Kyle at tahimik lang ito habang nakatingin sa mga taong labas masok ng simbahan. Maingay ang mga babae sa tabi namin ni Kyle pero bigla silang natahimik ng may pumasok ng simbahan. Nagsitayuan ito at naglakad sa unahan kong saan nakita ko si Stephen. Tinignan ko kong sino ang nasa tabi nito at yung gwapong doctor na kapatid nila. Sa unahan nilang dalawa ay may dalawang matanda, Lolo at Lola siguro nila. Pabilis ng pabilis ang t***k ng puso ko ng makita ang Ate nila sa likod lng ni Stephen na may dalang batang babae at kasunod nito ang isang gwapong lalaki at magandang babae na may dalang baby. Napalunok ako ng makita si Sugar na pinsan nina Steven at sa likod niya ay ang gwapong si Steven na may kargang batang lalaki. Kumpleto ang Saavedra! Nakaw atensyon ang pamilya nila. Naka dress rin naman ako katulad nina Sugar pero iba talaga ang hakot ng pamilyang ito sa publiko dahil mapapalingon ka talaga sa kanila. Simple rin naman ang suot nila pero yung aura kasi nila pang mayaman talaga. Kahit nakatingin ka lang sa malayo masasabi mo talaga na mabango silang lahat. Juicecolored! Ang gwapo ni Steven ngayon at bagay sa kanya ang maging batang ama! Ayain ko na kaya siyang magpakasal? Hehe. " Te! " Napakurap ako ng sumigaw si Kyle sa tabi ko. " Want ter. " Kinuha ko sa bag ang tubig at pinainon ito sa kanya. Madalas hapon ang punta ko dito sa simbahan. Ngayon lang napaaga dahil magre-review ako mamaya. Di ko naman alam na umaga pala nagsisimba itong pamilyang Saavedra at dito pa sa simbahan kong saan ako nagsisimba kada linggo. Sa susunod maaga na talaga ako pupunta dito. Panay lang ang sulyap ko sa likod ni Steven habang nakikinig sa homily ni father. Nung nag peace be with you na ay dinumog talaga ng mga kababaihan sila ni Steven. Parang gusto ko sanang lumapit sa kanila pero hindi ko naman maiwanan ang kapatid ko at tsaka magmumukhang tanga lang ako dun kaya naman niyakap ko na lang si Kyle. Pagkatapos ng mass humingi ako ng pasensya sa Panginoon dahil sobrang distracted ako at hindi na nakinig ng mabuti. Paglabas ng simbahan ay agad akong hinatak ni Kyle kong saan nakita niya kanina ang nagbebenta ng balloons. Gusto ko pa sanang sundan sina Steven kaso magta-tantrums itong si Kyle pag hindi napagbigyan. " Wow! " Manghang sabi ni Kyle habang tulala sa ben10 niyang balloon. " You like it? " Tanong ko sa kanya at naupo kami sa bench dito sa park. " Yesss! " Sigaw nito at muntik ng mahulog ang dala nitong ice cream kaya natawa ako. Habang kumakain kami ni Kyle ay may dumaang mga batang palaboy at tumigil sila sa harap namin ni Kyle na hanggang ngayon ay nakangit dahil may balloon siya. " Wahahaha. May monggoloid! " Sigaw ng batang lalaki habang tinuturo si Kyle. Nagsitawanan silang lahat sa harap ko at si Kyle naman ay nagsimula ng umiyak dahil pinagtatawanan siya. " Abnormal! Abnormal! " Sigaw nila kaya naman napatayo na ako. Sa lahat ng ayaw ko ay ang tawaging monggoloid o abnormal ang kapatid ko. Nasasaktan ako pag may taong pinagtatawan si Kyle. Sumasakit ang puso ko makita na pinaglalaruan ang kapatid ko. Tinapon ko yung ice cream na hawak ko at lumapit sa mga bata. Kahit kakatapos ko lang magsimba wala na akong pakialam dahil kapatid ko na ang pinag uusapan dito. Pinanliitan ko sila ng mata at babasagin ko na sana ang mukha nila kahit bata pa sila ng may pumigil sa kamay kong nasa ere na. " Calm down. " Sabi nito at hinarap niya ang mga bata. Halong halo ang emosyon ko ngayon. Galit dahil tinukso ng mga palaboy ang kapatid ko at gulat dahil di ko akalain na magkikita kami ni Steven dito. " Mag sorry kayo ngayon. " Seryoso nitong sabi sa mga bata at mukhang natakot sila kaya nagsitakbuhan. Hahabulin ko na sana ng pigilan ulit ako ni Steven. Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. " Bitiwan mo ako, Steven. Dapat sa mga yun turuan ng leksyon. " Hinawi ko ang kamay niyang nasa siko ko pero dahil malakas siya kompara sa akin ay nagawa niya akong hatakin at pina upo sa tabi ni Kyle na umiiyak. Niyakap ako ni Kyle kaya naman niyakap ko rin siya habang nagpupunas ng luha. Saktan niyo lang ako wag lang ang kapatid ko dahil ayaw kong masaktan si Kyle. Ayokong makita siyang umiiyak dahil nasasaktan rin ako. Mahal na mahal ko ang kapatid ko at kayang kong manakit kahit bata para lang kay Kyle. Namalayan ko na lang na hinahaplos na ni Steven ang likod ko para huminahon ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD