" Isang pork adobo, Jade. " Sabi ni Mang Kanor.
Lahat ng trabahador dito ay suki na namin ni Nanay. Pag sabado at linggo ako ang nagbebenta sa kanila pag weekdays naman ay si Mama.
" Aba't may dala pang pogi itong si Jade. " Kantyaw ni Mang Lito habang nakatingin kay Steven.
Tahimik lang si Steven sa likod ko. Tumutulo ang kanyang pawis kaya naman binigay ko sa kanya ang bimpong dala ko.
" Boyprend mo ba yan Jade ? Baka magalit si Michelle niyan. " Sabi naman ni Mang Asor.
" Naku ! May gagawin lang po kaming activiy kaya hindi magagalit si Mama. " Nahihiyang sabi ko.
" Panu na si Bugrong? Tiyak na iiyak yun. " Sabi ni Junior at nag tawanan sila.
" Junior sabihin mo sa kaibigan mong may boyprend na itong si Jade. Hahaha. "
Napa iling na lang ako sa kanila habang binibigay ang order at bayad nila. Si Steven naman ay walang kibo pero sure akong may sasabihin na namang masama sa akin yan mamaya.
" Salamat po. Una na kami. " Tinukso muna nila ako bago tuluyang makalabas ng site.
" Uhmm. Punta muna tayo kay Mama diyan lang sa market tapos kakain tayo sa bahay at pwede na nating gawin ang activity. " Sabi ko habang naglalakad kami papuntang market. Malapit lang naman kaya hindi na kami sumakay ng tricycle.
" Ok. " Agad akong napatingin sa kanya. Kunot ang noo nito at tagatak ang pawis.
" Sorry ha. Nag paiwan kana lang sana sa bahay. "
" I said it's ok. " Ok. Tumahimik na lang ako kaysa magalit ito sa ingay ko.
Maingay ang market ng dumating kami ni Steven. Lahat ng tao ay abala sa pagtitinda at ang iba naman ay kumakain na ng tanghalian.
" Bigay ko lang ang pera kay Mama tapos kakain na tayo sa bahay. " Tumango lang ito at walang imik na sumunod sa akin papasok ng market.
Sanay na ako sa ingay at dami ng tao dito pero inaala ko si Steven baka first time niyang makapunta dito at kung ano pa ang masabi niya at umayaw sa date namin mamaya.
" Nay ! " Tawag ko ng nasa pwesto na kami ni Mama.
" Oh, Jade. Sandali lang. " May bumibili pa kasi sa kanya.
" Aba ! Si Jed-jed may boyprend na. " Sabi ni Mikay na nagtitinda rin.
" At pogi. Mayaman siguro yan. " Sabat naman ni Aleng Amparo Nanay ni Mikay.
" Pogi ! What your nem? " Nasapo ko ang noo ko sa english ni Mikay. Magkaklase kami nitong si Mikay noong elementary at ngayon hindi na sya nakapag college.
" Steven. " Maikling sagot niya at umisog ng kaunti palapit sa akin na para bang takot kay Mikay.
" Hala ! Panu na si Bugrong? You brik hes hart, Jed-jed. " Tinignan ko ng masama si Mikay at nag peace sign lang ito sa akin.
" Naubos ba lahat, Jade ? " Tanong ni Nanay nang wala ng bumibili.
" Opo. " Kinuha ko ang pera sa bag at binigay kay Mama.
" Ma, aalis ako ha may gagawin kami nitong kaklase ko. Project. " Sabi ko habang kinukurot ang kamay ko na nasa likod ko.
" Hello po. " Maingat na sabi ni Steven.
" Magagabihan kaba? " Tanong niya habang nakatingin kay Steven.
" Hindi naman siguro, Ma basta i-tetext ko kayo mamaya. "
" Sige. Mag ingat kayo. " Hinawakan ko na ang siko ni Steven para madali kaming maka alis ng market.
" Good vye, pogi. Mikay well mess yow. " Nagtiim bagang na lang ako habang papalabas ng market.
Saktong may tricycle sa labasan kaya agad rin kaming naka sakay. Mabuti na lang talaga at wala si Bugrong dun kanina sa market pag nagkataon tuluyan nang masisira ang araw ko.
" Ok la lang ? Sorry talaga ha. "
" I'm fine. " Naka tingin lang siya sa daan kaya naman malaya akong nakatingin sa kanya.
Thick eyebrows, dreamy eyes, pointed nose, thin kissable lips and strong jaw. Why so perfect, Steven ?
" We're here. " Hindi ko namalayan na nadito na pala kami ng bahay at nakita pa niya akong pinagpapantasyahan siya.
" He He He. Tara na sa loob. " Kinurot ko ang braso ko ng papasok na sa bahay.
Hoy Jade ! Tigilan mo ang pagpapantasya kay Steven !
" Oh. Kumain na kami ni Kyle gutom na kasi ang kapatid mo kaya nauna kami. " Sabi ni Nanay na nasa sala nanunuod ng tv.
" Nasaan si Kyle po? "
" Natutulog. "
" Halika Steven. " Ginaya ko siya sa mesa at kumuha ng pinggan, kutsara, tinidor at baso.
Sumandok siya ng kanin at kumuha ng chicken adobo. Nilagyan ko naman ng tubig ang baso niya. Kinabahan ako bigla ng sumubo siya.
" Ok lang ba ang lasa? " Nagalalang tanong ko.
" Yeah. " Mabuti naman.
" Ito pa ang pork baka gusto mo. " Nilapit ko sa kanya ang pork adobo.
" I don't eat pork. "
" Ah. Sorry. " Nagsimula narin akong kumain kahit na parang hindi na ako makalunok sa sobrang kilig.
Ikaw ba namang makasama ang ultimate crush mo na kumakain at sa bahay niyo pa ! Salamat Lord !
Hindi ako masyasong nakakain dahil panay ang nakaw tingin ko sa kanya. Galaw pangmayaman talag si Steven. Ang pag hawak niya ng kutsara, pagsubo at kahit pag inom ng tubig.
Emeged ! Hindi ko huhugasan ang basong yun ! Simula ngayon diyan na ako iinom ng tubig ! Grabe, mabuti pa ang kutsara at baso namin napaka swerte !
" Done ? " Napakurap ako ng biglang siyang tumingin at nag salita.
" Ah. He He He. Uhmm. Oo. Magbibihis lang ako ha. Madali lang to promise. "
" Ok. I'll wait outside. I mean sa kotse na lang. " Tumango ako at dali daling kinuha ang pinagkainan namin at nilagay sa sink.
Nang maka alis siya ng kusina ay tinago ko yung basong ginamit niya. Nakangiting nagtungo ako ng kwarto at kinuha sa cabinet ang plantsadong dress na bigay ni Mama nung birthday ko. Naglagay ako ng lipstick at pinaligo ko yung prefume na bigay ni Leah sa akin.
" Aba ! Bihis na bihis si Jed-jed sabi na nga ba't may date ka ano ? " Sabi ni Marimar ng nasa labas na ako ng bahay.
" Ang ganda natin ah. " Sabi naman ni Mang George.
" Matagal na ho. Hahaha. " Nagtawanan lang kami at ng makita ko sa may kanto ang kotse ni Steven ay nagpaalam na ako sa aming kapit bahay at mabilis na nagtungo sa nakaparada niyang kotse.
Nang makalapit ako ay binuksan niya ang pintuan mulas sa loob. Inatake agad ako ng kanyang pabango. Nag palit rin siya ng damit at naka jeans na siya ngayon. San kaya to nagpalit?
" Uh. San tayo? " Tanong ko ng umandar na ang kanyang sasakyan.
" Hotel. " Nanlaki ang mata ko at agad na pinag ekis ang braso sa dibdib ko.
" H-hotel? Hoy ! Hindi porket patay na patay ako sa'yo ay pagbibigyan kita. " Napahinto ang kanyang sasakyan at hinarap niya ako.
" What ? Ano bang pinagsasabi mo ? " Kunot noong tanong niya.
" S-sabi mo sa hotel tayo. " Inirapan niya ako at nag drive ulit.
" You're not sexy nor pretty so stop thinking about it. Kahit sa panaginip mo hindi ko gagawin yun. " Natameme ako sa sinabi niya.
Lumubog ako ng kaunti sa pagkaka upo at napalunok. Wow ! Napaka assumera ko pala ! Aish ! Nakakahiya.
Tahimik ang byahe namin papuntang hotel ni hindi man lang siya nagpa music. Bawat galaw niya ay nakikita ko talaga. Ang pag flex ng muscles niya pagliliko siya. Ang hininga niya na kaygandang pakinggan. Wahh ! Nabuang na ko !
Sobra ang pagkapit ko sa aking maliit na sling bag. Ikaw ba naman makasama ang super duper to the highest level crush mo sa kanyang sasakyan. Isusulat ko talaga ang araw na to sa diary ko.
Grabe ang traffic kaya naman inabot kami ng isang oras bago nakarating sa kanilang hotel. Sa labas palang ng hotel makikita talaga na maganda ang pangmayaman ito.
Pagpasok namin ay agad kaming binati ng isang magandang babae. Maganda ang kanyang ngiti at para bang nasiyahan na makita kami lalo na si Steven.
Naglalakihang chandeliers ang agad nabumungad sa akin. Sa di kalayuan ay may mga upuan at dun kami iginaya ng isa pang babae na maganda rin. Napatingin tuloy ako sa dress at sandals ko.
Pinaupo ako ng babae at naupo naman si Steven sa harap ko. May mga couples na kumakain sa iilang tables at meron ring parang isang pamilya dahil may kasama itong mga bata.
" Anong gagawin natin dito? " Tanong ko. Kakain lang namin ng tanghalian pero ang totoo ay gutom pa ako. Hindi kasi ako nakakain ng maayos kanina.
" Isn't it obvious? Syempre kakain. " Masungit niyang sagot.
" Hindi kaba nabusog kanina ? " Sunod kung tanong.
Tinignan niya lang ako at agad na nag tawag ng waiter. Wala akong may naintindihan sa kanyang sinasabi kaya natahimik na lang ako.
" Papel at ballpen na rin. "
" Ok po, Sir. "
Tahimik lang kaming dalawa hanggang sa tumunog ang cellphone ko.
From: Joana
Asan ka ?
To: Joana
Nandito ako sa hotel nina Steven.
From: Joana
Owmegeyd ! Anong ginagawa niyo ?
To: Joana
Wala.
Wala naman kasi eh. Nakatunganga lang kaming dalawa dito. Maya maya ay dumating ang waiter may dalang tubig, ballpen at papel.
" Oh. " Kinuha ko ang papel at ballpen.
" Ano to ? I mean anong gagawin ko dito ? " Nagtiim bagang ito at bumuntong hininga bago nag salita.
" Ilista mo na ang lahat ng dapat ilagay mo sa papel na yan para maipasa muna sa lunes. " Yung napakasaya kung puso parang na apakan ng limang libong kabayo sa sobrang sakit.
Ok na eh. Ang saya saya ko na kanina eh na nakalimutan ko kung ano ba talaga ang totoong ugali ni Steven. Pinigilan kung maluha kaya pasimple kung kinurot ang braso ko. Nagasimula na rin siyang magsulat sa kanyang papel.
" Oh. Picture na lang ang kulang. " Binigay niya sa akin ang papel na nasulatan na niya at tumawag ulit siya ng waiter at binigay ang iPhone niya.
" Kunan mo kami ng picture. " Lumunok ako at alanganing ngumiti nung nagbilang ang waiter.
" I'll just send you the pic. " Suminghot ako at pekeng ngumiti sa kanya.
" After this wag mo na akong kulitin. " At dun na nawasak ang puso ko.
Umasa ako na simula na ito ng pagiging magkaibigan namin pero sa kanya ginawa niya lang ito para tantanan ko siya. Ang sakit. Ang sakit palang umasa sa taong gustong gusto mo tapos siya naiirita sa presensya mo.