" Maligo kana muna at mag palit baka lagnatin kapa niyan. " Sa sobra ko kasing pag adjust na wag lang mabasa yung bag ko ako naman yung nabasa.
" Opo. "
Mabilis akong naligo dahil giniginaw na ako. Matapos kung mag bihis ay nasa labas ng kwarto ko si Kyle naka tayo.
" Oh ? Tara na kakain na tayo. " Hinawakan ko ang kamay niya at pina upo sa hapag.
" Palagi kana lang ginagabi, Jed-jed. " Sabi ni Nanay ng maka upo ako.
" Nag iba na kasi yung schedule ko tapos maraming ginagawa sa school. "
Ang sabihin mo busy ka kay Steven !
" Ganun ba pag nasa mamahaling university ka ? " Tanong niya at nilagyan si Kyle ng ulam.
" Nay, hayaan mo na at malaki na yan. " Sabi naman ni Mama.
" Dapat palagi kang may payong o jacket. Maulan pa naman ngayon. " Sabi ni Mama.
" Opo. "
Pagkatapos ng hapunan ay ginawa ko na ang lahat ng assignments para bukas ay free na ako. Lalabhan ko pa ng maaga yung mga damit namin at tsaka magluluto pa ako para ibenta bukas sa construction site malapit lang dito sa amin.
" Ten pm na ? " Ni hindi pa ako tapos. Hay !
Kinuha ko yung cellphone ko sa kama at naisipang itext si Steven.
To: Steven Saavedra
Salamat pala kanina ha tsaka wag mong kalimutan ang date natin bukas ng hapon. ? Goodnight.
Eleven pm na nang natulog ako. Napanaginipan ko pang hindi raw ako sinipot sa date ni Steven. Langya, pati ba naman sa panaginip ayaw niya parin akong i-date.
" Jade ! Gising na at aalis na ako. " Napatingin ako sa orasan at five am na.
Medyo madilim pa sa labas pero ganitong oras nagluluto si Mama ng puto para ilako mamaya at pagkatpos ay pupunta na siya ng market para mag benta ng karneng manok at mga gulay. Meron kami kasing stall dun na inuupahan lang namin.
Paglabas ng kwarto ay dalawang basket ng maruruming damit ang naghihintay sa akin hindi pa kasama yung mga damit at uniform ko.
" Kaya ko to. " Kahit na kulang ako sa tulog at pagod ako ay hindi na ako nag aksaya ng oras.
Matapos maluto ay tinulungan ko si Mama na ilagay sa plastic ang puto. Nagkape siya samantalang ako ay puto at tubig lang. Hindi kasi ako umiinom ng kape dahil may ulcer ako at isa pa grabe yung palpitation ng puso ko. Bandang six umalis si Mama ng bahay at ako at nagsimula ng maglaba.
Una kung nilabhan lahat ng puting damit at ang uniform ko. Sinunod ang natitirang mga damit. Matapos kung masampay ang mga damit ay pumasok ako ng bahay at uminom ng tubig. Pagtingin ko sa orasan ay seven thirty na at nakita kung nagkakape na si Nanay at si Kyle naman ay umiinom ng kanyang gatas.
" Ako ng ang magluluto ng mga ulam, Jed-jed. "
" Ako na po, Nay at malapit na rin naman akong matapos. " Marami kasing lulutuin at isa pa walang magbabantay kay Kyle.
Kinuha ko muna ang karne'ng baboy at manok. Hinanda ko na rin ang mga rekados para pagakatapos kung maglaba ay agad akong makapag luto.
Habang binabanlawan ang natitirang mga shorts at pants ay tinawag ako ni Nanay.
" Po ? " Sigaw ko.
" May naghahanap sa'yo. "
Ha ? Baka sina Joana. Tumayo ako at pumasok ng bahay. Muntik na akong matumba ng makita kung sino yung naghahanap sa akin.
Agad akong napatingin sa orasan at nine am pa lang. Inayos ko muna ang magulo kung buhok at binaba ng kaunti yung shorts ko. Dang ! Mabuti na lang at nag bra ako. Jusme !
" A-ang aga mo yata? At p-panu mo nalaman ang bahay namin ? " Tinignan ko siya at naka jogging attire ito. Hawak niya sa kanang kamay niya ang kanyang cellphone.
" I texted you. " Maikling sabi niya.
" Maupo ka munan, iho. " Sabi ni Nanay ng makitang naka tayo lang kaming dalawa.
" Ah maupo ka muna. Pasensya na at may ginagawa pa kasi ako hindi ko nakita yung text mo. "
" Kape ka muna, iho. Meron rin kaming puto dito na niluto ng Mama ni Jed-jed. " Napapikit ako ng marinig ang palayaw ko. Ba't ang aga niya ? At for the first time tinext niya ako ? Wahhh !
" Thank you. " Tipid siyang ngumiti kay Nanay at si Kyle naman ay agad na lumapit sa kanya.
" Uhm. Kapatid ko pala si Kyle. Kyle, be nice ok ? " Tumango ang kapatid ko at nakangiting umupo sa tabi ng bisita.
" Ah ! Sandali lang ha magsasampay na muna ako. " Tumakbo ako sa labas at pinigilang tumili.
OWEMGEEE ! Nandito siya sa bahay ! Ahhhhh !
Pagkatapos kung magsampay ay nahihiyang pumasok ako ng bahay. Pinuntahan ko siya sa sala at nakitang nakikipag usap siya sa kapatid ko. Si Nanay naman ay nasa kusina at naghihiwa ng mga gulay.
" Sorry ha akala ko kasi ayaw mo hindi kana kasi nagtext kahapon. "
" Nah, it's allright. " It's allright daw !
" Ba't ka pala napa aga ? " Umupo ako sa kabilang sofa at naka tingin lang si Kyle sa amin.
" Wala lang. " Tipid niyang sagot at binalingan ang kapatid ko.
" Uhmm. Ano kasi... Ah... Steven kasi kita mo naman na hindi kami kayaman kaya pwedeng sa hapon na lang ? Magbebenta pa kasi ako ng ulam sa site. " Napalunok ako. Baka umayaw na to at walang date na mangyayari.
" I'll just wait. Nandito naman yung kapatid mo. " Hala ! Anong nakain nito ? Ba't bumait?
" Talaga ?! " Masayang tanong ko. Tinaasan niya lang ako ng kilay.
" Dito kana lang magtanghalian total magluluto narin lang naman ako. Sandali lang to. " Kumaripas agad ako ng kusina at mabilisang nag hiwa ng karne ng baboy at manok.
" Nay ako na dito. "
" Sino yun Jed-jed ? " Takang tanong niya.
" Uhmm. K-kaklase ko po may gagawin kaming project. "
" Ganun ba ? Sige, bilisan mo na diyan at ng makagawa na kayo ng project. " Iniwan rin ako ni Nanay sa kusina.
Nagluto ako ng sinigang na baboy, pork and chicken adobo, menudo at pritong isda. Natapos kung lahat bandang tanghali kaya naman binilisan ko ang pag lagay nito sa plastic.
Mabilis rin akong naligo at nag ayos para makapunta na ng site. Nilagay ko sa basket ang mga ulam at kinuha ko yung maliit kung bag para lagyan ng pera.
" Steven, hintayin mo na lang ako dito at babalik rin ako agad. " Tumayo siya at nilapitan ako.
" I'll just go with you. " Napa nga nga ako sa sinabi niya.
" R-really? Ano ? Mainit dun tsaka baka mainip ka lang. "
Tinignan niya lang ako kaya wala na akong nagawa. Isasama ko na lang ang isang to.
" Nay, babalik rin kami agad. Dito kami kakain. Kyle, wag pasaway ha. " Tumango si Kyle at tahimik lang na naupo sa sofa.
Shoot ! Hindi pa naliligo yun !
Kukunin ko na sana ang dalawang basket ng bitbitin ito ni Steven.
" Ako na. " Nakakahiya naman.
" Ako na. " At nauna pa siyang lumabas ng bahay.
Maingay sa labas. May mga batang naglalaro dahil sabado ngayon. Ang mga chismosa ay naka kalat rin at maraming tambay ang nasa tindahan sa tapat ng bahay namin.
" Aba, Jade ! Boyfriend mo ? " Sigaw ni Aleng Sayla na nagsasampay sa tapat ng kanilang bahay.
" Hindi po ! " Agad kung sagot. Patay ! Tyak na pagkakaguluhan itong si Steven.
" Kagwapong bata. Mayaman yan siguro ano ? Siya pala yung sinasabi ni Toni na naghahanap sa'yo. " Tumawa ang ibang taong nakarinig.
" Kaklase ko po siya Aleng Sayla. "
" Let's go ? Ang ingay dito. " Mahinang sabi ni Steven at naunang maglakad.
" Teka ! Mag ta-tricycle tayo papuntang site. " Agad siyang napabaling sa akin.
" What ? "
" Oh ! Andyan na ang tricycle. Hali ka dito. " Pinalagay ko sa likod ang dalawang basket at naupo kami sa unahan.
Nahigit ang hininga ko ng maramdaman ang braso niya sa braso ko. Sobrang close namin na konti na lang ay maririnig na niya ang heartbeat ko.
" Sa site po manung. " Limang minuto lang ang byahe at agad kaming nakarating.
" Ito po ang bayad. " Binigyan ko siya ng 20 pesos at nabigla ako ng nag abot ng pera si Steven.
" Nakabayad na ako. " Kinuha niya ang bente sa kamay ni Kuya at binalik sa akin. Yung 100 naman niya ay binigay kay Manung driver.
" Just keep the change. " Nginitian siya ng driver at siya na ang nag bitbit ng basket.
" Anong nakain mo ? " Hindi ko na napigilan na tanungin siya.
" Wala and I'm hungry. "
" Hala ! Sana dun kana lang sa bahay at naka kain kapa dun. " Inirapan niya lang ako.
" So ? Where to ? Ang init. " Reklamo niya.
Kinuha ko ang payong sa bag at pinayungan siya. Ito talagang mayaman na to minsan na nga lang magpainit nagrereklamo pa.
" Sabi na kasing mainit dito. " Naglakad pa kami hanggang sa narating namin ang maingay na construction site.
" D-dito? " Napahinto pa siya at kitang kita sa mukha niya na naiinitan na siya. Pawis na rin ang noo at leeg niya.
" Yep. Mabilis lang to. Aalis rin tayo. "
" This place is so hot. " Sabi niya kahit na pinapayungan ko na siya.
Sa susunod kasi sumunod ka sa sasabihin ko kung ayaw mong mag reklamo. Sarap kurutin ng mayamang to !