Kinabukasan ay maaga akong nag antay sa gate 2 kung saan palagi kong nakikita na pumapasok ang sasakyan ni Steven. Kagabi ay tinadtad ko siya ng text pero parang ang mga daliri ko naman ata ang natadtad. Ganun ba kahirap magreply ang isang Steven Saavedra? Iphone pa naman ang cellphone niya.
Mamayang 8:30 pa ang klase ko kaya meron pa akong isa't kalahating oras para makausap siya. Nilalamig na nga ako ngayon gayong wala pa siya panu pa kaya paghinarap ko na siya? Siguro matutunaw ako.
Marami ng sasakyan at motor ang pumasok pero wala pa siya. Ang alam ko 8:30 rin ang klase niya. Napahinto ako sa pag iisip nang magvibrate ang cellphone ko. Agad ko itong kinuha baka si Steven na to!
Malaki pa ang ngiti ko habang binubuksan ang cellphone pero unti-unti rin akong napasimangot dahil si Kisses pala ang nagtext. Gusto kong pumadyak sa inis, kainis!
Napabuntong hininga na lang ako at saktong pagtingin ko ng gate ay pagpasok naman ng kotse ni Steven. Ayan na! Sinundan ko ang kotse hanggang sa nagpark ito hindi kalayuan.
Pinagpapawisan na ako kahit hindi naman mainit dahil sa mga puno. Kanina nilalamig ako ngayon naiinitan naman. Ano ba naman yan? Ganun ba ako ka apektado sa lalaking to? Nasa gilid na ako ng kotse niya nang bigla itong bumukas at dahil nasa gilid lang ako ay natumba ako dahil sa lakas nang pagbukas niya. Besh, ang lakas niya ah.
Tumama ang pinto ng kotse niya sa dibdib ko at napa-upo ako sa semento. Nakakahiya at tsaka naka skirt pa naman ako.
"s**t!" Mahina niyang usal nang mapagtantong may natamaan siya. Bulag ba siya o hindi talaga ako kapansin-pansin para hindi niya makita?
Narinig ko ang pag sara niya ng pinto ng kotse at lumapit ito sa akin na nakakunot ang noo.
"What the f**k, man? " Aray naman, tinawag pa akong man! Masakit na nga ang dibdib at balakang ko sinaktan niya rin ang feelings ko.
"I just want to talk to you at babae po ako." Sabi ko habang naka-upo parin at sapong-sapo ang dibdib kong masakit.
"Tsss, whatever." Aniya at nanlaki ang mata ko nang tumalikod ito at nagsimulang maglakad papalayo sa akin.
"T-teka lang naman." Tumayo rin ako at pinagpagan ang skirt bago tumakbo papunta sa kanya.
Maraming students ang nagkalat sa hallway kaya nahirapan akong abutan siya. Mabilis pa naman ang lakad niya. Nakita ko siyang nag swipe ng ID niya kaya naman dali-dali akong tumabi sa kanya.
"Ah, Steven ako to si Jade." Hingal kong pakilala sa kanya. Ang ibang estudyante na nasa likod namin ay nakataas ang kilay habang tinitignan ako.
Hindi ako tinapunan ng tingin ni Steven at diretso lang itong nag lakad kaya agad din akong sumunod.
"Steven, wait." Habol ko pero parang bingi ito.
Nahawakan ko ang siko niya na kaagad naman niyang binawi. Napahinto ito at agad akong hinarap. Seryoso ang mukha nito na ikinatakot ko at ang ibang estudyante naman ay natigilan din.
"Don't touch me." Nagsitayuan ang balahibo ko sa sinabi niya.
"Iyong sa HomGui kas...."
"The hell I care? Just stop following me." Angil niya at tinalikuran na ako.
Napahiya ako dun ah. Nilibot ko ang paningin ko at nakita kong tinatawanan na ako ng mga taong nakakita. Napalunok ako nang maramdaman ang luha na gustong kumawala sa mata ko.
Nanlumo ako habang naglalakad papuntang Education building at napatili nang may dumantay na braso sa balikat ko.
"Chill, Jade." Sabini Lucas.
Hinampas ko siya ng bag ko pero tumawa lang ito. Inismiran ko agad siya at hinawi ang braso niyang nasa balikat ko parin.
"Kita mo'ng nag e-emo ako eh."
"Ang cute mo talaga, Jade." Sabi niya habang tumatawa.
"Lucas alam ko na crush mo ako pero wag namang pahalata masyado." Inirapan ko siya.
"Feeling mo rin no?" Natatawang tanong niya.
Bata pa lang ay magkakilala na kami ni Lucas. Isang senador ang papa niya at doctor naman ang mama niya kaya kilala itong si Lucas Jamie Ejercito dito sa University.
"Aminin na kasi." Ginulo niya lang ang buhok ko at hinatid ako sa classroom.
"Sino ang ka date ni Lucas?" Tanong ni Joana habang nag di-discuss si Ms. Sanchez.
"Hindi ko alam." Bulong ko. Kahit na kasi matanda na si Miss ay naririnig niya pagnagsasalita ka sa klase niya. Parang may lahing aswang kasi si Miss.
"Ang swerte nung girl." Nguso niya.
Bigla kaming napa-upo nang maayos ni Joana nang tumaas ang kilay ni Ms. Sanchez sa amin ni Joana.
Patay!
"So, how's your novel? Ipu-publish na ba natin? " Tanong niya kaya ang iba naming kaklase ay tahimik na tumatawa.
"We're sorry Miss." Sabay naming sabi ni Joana.
"Next time pagnakita ko pa kayong nag-uusap lalabas na kayo sa klase ko." Nang tumalikod ito ay inirapan siya ni Joana.
Nagsulat si Kisses sa isang papel at pinasa sa akin.
Kailan niyo i pu-publish yung novel niyo ? ?
Nilukot ko ang papel at binato ito sa mukha niyang naka-ngising aso. Pagkatapos ng dalawang oras na klase ay nauna akong lumabas. Nakakainis talaga yung prof na yun. Konting ingay magagalit, sabagay ganyan naman talaga ang mga babaeng matanda na wala paring asawa.
"Goodluck sa quiz." Sabi ni Leah nang pumasok kami sa next subject namin.
Lunch time ay sa canteen kami kumain. Marami ng students nang pumasok kami. Nahirapan pa kaming maghanap ng upuan mabuti na lang at kakatapos lang kumain ng limang babae.
"Uy si Stephen oh." Turo ni Leah.
"Gwapo niya no?" Sabi naman ni Joana na todo ang ngiti.
"Mas gwapo si Steven no." Sabi ko naman.
"Tseh! Anong gwapo dun eh palaging nakabusangot parati pang may band aid dahil nakikipag away." Sabi ni Leah bago sumubo ng kanin.
"Oo nga tapos si Stephen naman palangiti." Sabi ni Kisses.
"Everything about Steven Ryle Saavedra screams danger." Dagdag ni Kisses.
"Alam niyo itong si Stephen kasi mana yan sa pinsan niyang si Sander na playboy kaya kahit saan ngiti nang ngiti parang nang-aakit. Pwede nga rin siyang tumakbong president sa dami ng kakilala niya." Sabi ko.
Totoo naman eh pero napakamanloloko ng isang yun ang daming babae pero most of his girls ay nasa ibang university never siyang nagkaroon ng girlfriend dito sa school para siguro iwas gulo.
"Ay, Jade iba na talaga ang tama mo sa gangster na yan!" Tawa nina Leah at Joana.
Umiling na lang ako at kumain nang umalingawngaw ang boses ni Stephen sa canteen.
"Brother!" Sigaw niya at napa-tingin ako sa pintuan nang pumasok si Steven kasama ang tatlong kaibigan niya.
Tinignan kong mabuti si Steven at inirapan niya ang kanyang kambal. Lumapit si Stephen sa kanya at tinapik ang kanyang likod. Hindi ko na narinig ang pinaguusapan nila dahil sa ingay at tsaka medyo malayo sila sa amin.
"Aray!" Daing ko ng hampasin ako ni Kisses ng kutsara sa noo.
"Earth to Jade." Bahagya ko siyang tinulak.
"Pag ako nakahampas sa'yo ng kutsara iiyak ka talaga." Ngumiti lang ito at tsaka niyakap ako.
Kita mo na? Ang galing din maglambing ng isang to .
Minadali ko ang pagkain nang makitang palabas na si Steven. Kailangan ko siyang masundan para maka-usap ito tungkol sa date. Ayaw kong ma fail sa HomGui.
Gusto mo lang kasi ma date si Steven, pa fail-fail kapa diyan!
"Oh saan ka?" Tanong ni Leah nang tumayo na ako.
"May kakausapin lang, text niyo ko pag nasa room na kayo ha." Hindi ko na hinintay ang sagot nila at kumaripas na nang takbo.
Paglabas ko ay nakita ko silang tatlo na naglalakad papunta sa building nila. Tumakbo ako sa harap nila at hinarangan sila.
"T-teka!" Nilagay ko muna sa dibdib ko ang kamay ko para maayos ang paghinga. Hiningal ako dun ah.
"Uhmm... You need something, Miss?" Tanong ni Newt.
"Siya." Turo ko kay Steven na matalim akong tinignan.
"Uhm... Ako si Jade ang ka-date niya sa HomGui." Pagpapakilala ko.
Kumunot ang noo ko nang humagalpak ng tawa si Brent at Newt si Steven naman ay naka tayo lang sa gitna ng dalawa.
"Alam mo Miss, itong si Steven kasi ida-drop na raw ang HomGui. Hahaha." Tawa ni Brent.
"Ha? Hindi pwede!" Sigaw ko na ikinatawa nina Brent at Newt. Paano na ang grades ko? Ang LOVE LIFE ko? HINDI!
"Sorry, Miss." Sabi ni Brent na tumatawa pa rin at tinalikuran na nila ako.
Hindi pwede! Aaraw-arawin kitang Steven ka ng malaman mo.