Maaga akong nagising dahil magluluto pa ako at papaliguan pa si Kyle. Hindi naman kasi kaya ni Nanay na paliguan si Kyle si Mama naman ay maaga pang naglako ng puto.
"Te, yaw ligo." Sabi niya na naiiyak na habang nakayakap sa bewang ko.
"Kyle, wag makulit." Sabi ko habang binabasa na siya ng tubig kaya pati ako basa na.
"Ayaw Kyle." Ayaw niya kasing maligo dahil takot siya sa tubig. Muntikan na kasi siyang malunod nung nagswimming kami noon sa dagat.
"Sige na. Mabilis lang to kagaya kahapon, okay?" Mabilis ko siyang pinaliguan para hindi na ako mabasa ng tuluyan. Matapos ko siyang paliguan ay nilagyan ko siya ng baby powder at pinasuotan ng paborito niyang t-shirt at shorts.
"Ate school?" Tanong niya nang makitang nagliligpit ako ng libro sa mesa.
Tumango ako at sinuklay muna ang buhok niya bago maligo. Tinignan ko siya at naging malungkot ang mukha nito.
"Don't worry, babalik naman agad si ate eh." Pag-alo ko sa kanya. Ngumiti ito at agad akong niyakap.
Ang sweet-sweet talaga ng batang to.
Matapos kong mag ayos ay sabay kaming nagalmusal ni Nanay, Kyle at Mama na kararating lang.
"May pera kapa ba diyan, Jade?" Tanong ni Mama habang nagliligpit nang pinagkainan.
"Meron pa naman po." Thursday pa lang naman ngayon kaya meron pa naman akong pera.
"Idagdag mo na to at baka marami kapang gastusin sa skwelahan ninyo." Binigyan niya ako ng 200.
"Salamat po, Ma. Mauna na po ako." Hinalikan ko si Mama sa pisngi at ganun din ang ginawa ko kay Nanay at Kyle.
Nang nasa jeep na ako ay naisipan ko na i-text ulit si Steven. Baka kasi maagang natulog yun kaya hindi nakapag reply.
Hi, It's me Jade. Sana makapag reply kana para magawa na natin yung activity.
SENT
Nakarating na ako sa school pero wala paring Steven Ryle Saavedra na nag reply. Konti na lang talaga at lalapitan ko na yun. Kailangan ko na kasing tapusin ang activity dahil marami pa akong projects na gagawin.
Nako! Gusto mo lang na mai-date si Steven eh. Mga palusot mo talaga Jade.
Nasa b****a na ako ng gate ng bumuhos ang malakas na ulan kaya naman medyo na basa ako. Nag swipe ako ng ID at naglakad papunta sa Education building nang matamaan ako ng basang payong ng isang babae.
"Hala, sorry po." Yumuko yung babae at mabilis na naglakad palayo.
Grabe. Ang swerte ko ngayong araw na to. Ang init-init nung paalis ako ng bahay at ngayon biglang bumuhos ang ulan.
Pagpasok ko ng classroom ay wala pa si Leah at Joana. Saan naman kaya ang dalawang yun?Nagpunas muna ako ng mukha at legs, skirt pa naman ang uniform naming mga babae dito. Nagsuklay ako at nag lagay ng powder at pabango para naman presentable ang mukha ko.
"Jade , ang swerte mo!" Sigaw ni Shenna na kaklase ko. Kararating niya lang at basa pa ang buhok niya.
"Huh?" Minamalas kaya ako ngayong araw.
"Nakita ko kahapon sa listahan na si Steven yung makaka-date mo. Yeeeh." At niyugyog pa niya ang balikat ko.
"Teka, nasasaktan ako."
"Oops, sorry." Sabi niya at naupo sa likod ko.
Tsss, anong swerte eh nabasa na nga ako ng ulan, na tamaan ng basang payong at higit sa lahat walang reply galing sa gwapong Saavedra na yun.
"Absent lang ako kahapon sinuwerte jud ka?" Manghang tanong ni Kissel. Umuwi kasi siya ng Cebu at kagabi lang dumating dahil birthday ng Lola niya.
"Di naman." Maikli kong sagot. Badtrip talaga ako nagyon.
"Sus, arte-arte! Pero samahan niyo ako maya ah. Hindi ko pa kasi nakita yung list tsaka di ko alam kun sino ka-date ko." Umupo na ito ng maayos sa tabi ko at nagsimula naman siyang mag drawing.
"Kisses, you're back! Chaka, namiss kita." At hinampas ni Joana si Kisses nang makita ito. Basa silang dalawa ni Leah at naupo rin sa tabi ko.
"Nasaan na pasalubong ko?" Tanong ni Leah.
"Nasa bag, maya na pag vacant." Ang cute talaga ni Kisses pagnagsasalita meron pa kasing bisaya na accent kahit nagtatagalog ito.
"Wew! Buti at hindi kami na late." Sabi ni Joana habang nagsusuklay.
"San ba kayo galing?" Nagtatakang tanong ko.
"Eh kasi nag text kagabi sa amin yung ka-date namin. Saktong parehos kaming inayang magkita kaya nag breakfast na lang kami sabay." Napa-irap ako ako sa kanila. Mabuti pa ang dalawang to todo effort pa yung ka date nila.
Natapos ang dalawang major subjects namin at parang lantang gulay kami na naglalakad papuntang cafeteria. Panu ba naman tig to-two hours kaya sumasakit na ang pwet at utak ko.
Pagpasok sa canteen ay marami ng tao at sobrang ingay. Ang iba nagtatawanan ang iba naman nagkakantahan na dahil tapos na silang kumain.
Nakahanap agad si Kisses ng upuan kaya naman nag order na muna kami ni Joana. Nasa pila kaming dalawa ng makita ko ang likod ni Steven kasama ang mga kaibigan niya palabas ng canteen.
Tsk, mamaya kana lang Saavedra at gutom na gutom pa ako. Pagka-upo namin sa table ay sina Leah at Kisses naman ang nag order. Pagbalik nila ay nagsimula na kaming kumain.
Napatingin ako sa kabilang table nang nagkantyawan sila. Dumating pala si Melissa ang University President. Kaklase siya ni Steven at sa tingin ko ay close sila dahil minsan ko na silang nakita sa library na magkasamang nag-aaral. Ang swerte naman ni Melissa, ano kaya ang feeling pag si Steven ang kasama mong nag re-review? Sure na mape-perfect ko ang test!
"Ay nako, Jade alam kong pinagpapantasyahan mo na naman si Steven pero pwede bang ubusin mo muna yang pagkain mo?" Puna ni Leah ng makitang tulala ako.
"Oo na. Para ka talagang nanay." Tumawa kaming tatlo nang mag sang-ayon si Kisses at Joana.
Pagkatapos naming kumain ay pumunta kami sa office para malaman ni Kisses anng ka-date niya. Tobias ang pangalan ng ka-date niya kaya tawang tawa si Joana nang mabasa ang pangalan ng lalaki.
"Ikaw talaga napaka judgemental mo." Saway ni Kisses na naiirita na kay Joana.
"Hahaha, Tobias ? Tobias Mayorga. Ang baho ng pangalan!" Tawa ni Joana habang kinukuha ni Kisses ang number nung lalaki. Paglabas namin ay muntikan na kaming mabangga ng isang lalaki na humahangos papasok ng office.
Literal na nalaglag ang panga naming apat nang makita ng mabuti ang mukha ng lalaki. Thick eyebrows, gray eyes, pointed nose, thin red lips and perfect jaw. Oh lala! Sabi na kasi sa inyo na marupok ako sa mga pogi.
"Oh, Tobias." Tawag ni Miss Tin at muntikan na kaming matumba lalo na si Joanna nang marinig ang pangalan niya.
Suminghap si Kisses at humagikhik sa tabi ko. Si Joana naman ay narinig ko na nagmura pati na rin si Leah. Kung hindi pa nag excuse si Tobias ay nakaharang parin kami sa pintuan.
"Nandito pala ang ka date mo, Kisses." Tawag ni Miss Tin kay Kisses at ang kaibigan ko naman ay parang biglang humaba ang buhok. Tumayo silang dalawa sa harap ni Miss Tin at at kaming tatlo naman ay naupo sa sofa at napa sana all.
"Bwisit! Ba't ang swerte ni Kisses?" Tanong ni Joana.
"Oh, yan na ang pinagtatawanan mo oh." Sabi naman ni Leah kaya napa nguso si Joana.
"Parang ngayon ko lang siya nakita." Kumento ni Joana.
"Sa laki ba naman ng University." Puna ni Leah.
"Sabagay." Tahimik naming hinihintay si Kisses nang may mga naka puting lalaki na pumasok.
"Si Newt at Brent oh." Bulong ni Leah.
Nahigit ang hininga ko nang makita ang kasunod na pumasok.
Naka white uniform din. Tall, not dark and very handsome. Mas gwapo pa kay Tobias! Si Steven syempre. Nakakunot ang perfect eyebrows niya habang nakapamulsa papasok ng office.
"Hello po Sir Adi." Bati ni Newt kay Sir.
Natameme kaming tatlo at higit sa lahat parang nabulol ako. Hoy Jade pagkakataon mo nang maka-usap itong si Saavedra. Tumayo ka na diyan!
"Do we really need to do this activity?" Tanong niya kay Sir Adi.
Oh my! Ganda ng boses niya. Grabe yung pintig ng puso ko and swear, I'm sweating bullets now.
"Yes, Saavedra." Nakangiting sagot ni Sir Adi.
"Uy, galaw galaw at baka ma stroke ikaw." Bulong ni Joana na natatawa kaya mahina ko siyang kinurot.
"Damn." Bulong niya na narinig ko at lumabas silang tatlo matapos magpaalam kay Sir Adi.
"Habulin mo." Tinulak pa ako ni Leah.
"Ayoko ko. Nakakahiya." Nahihiya talaga ako pag nasa malapit siya. Parang anytime eh matutunaw ako tsaka badtrip kasi siya baka suntukin ako.
"Bahala kana nga." Sabi naman ni Joana.
Nang matapos makipagusap ni Kisses kay Tobias ay naglakad kami papuntang AVR dahil dun yung sunod na klase namin. Nasa lobby kaming apat naglalakad nang makita ko na naglalakad sina Steven at Stpehen. Nakabusangot lang si Steven habang si Stephen naman ay ngit-ngiti lang habang nagsasalita. Kumakaway pa ito minsan sa mga taong kakilala niya.
"Bro, kinain ko yung cake ni Sugar at langya ginupit niya yung bago kung nike. Galing USA pa yun, bigay ni Ate Sweet." Narinig kong kwento ni Stephen nang dumaan sila sa gilid ko.
"Uy yung laway mo." Agad akong napa punas ng bibig nang sabihin iyon ni Kisses. Tinawanan nila akong tatlo kaya nauna akong pumasok sa kwarto.
Alas cinco ng hapon nang makalabas kami ng Education building. Nagunat pa si Joana at humikab naman si Leah nang maka alis na kami.
"Ay salamat at tapos na ang klase. I miss my bed." Sabi ni Leah.
"Joana." Agad kaming napatingin sa lalaking puro muscles. Tinawag niya si Joana at ang isa naman ay todo ang ngiti.
"Si Klent pala yung ka date ko." Pagpapakilala niya sa lalaki.
Narining ko na tumawa si Kisses kaya inirapan siya ni Joana.
"Mauna na kami, bye." Paalam niya at sabay sila ni boy muscles umalis.
"Kita niyo yung ka date niya? Kulang na lang kulayan siya ng green magkamukha na sila ni Hulk." Tumawa kaming tatlo habang naglalalad pauwi.
Nasa kanto na ako at naghihintay ng jeep nang makita ko ulit si Steven at ang mga kaibigan niya na nagyoyosi. Huminga muna ako ng malalim bago naglakas loob na puntahan sila.
Malapit na sana ako kaso lang bigla silang sumakay sa isang itim na kotse. Malas naman oh natalsikan pa ako ng kunting putik nang dumaan nang mabilis ang kotse na sinasakyan nila. Umulan pala kanina kaya medyo maputik at basa ang daan.
Maka-uwi na nga lang. Humanda ka Steven at tatadtarin kita ng text mamaya. Tignan natin kung hindi mo pa ako mapansin.