CMB 2

1475 Words
Sinuri ko talaga kung totoong pangalan ko ang nakita ko at baka nagkamali lang ako kasi maharot ako pero totoo talaga! Seriously? Steven Ryle Saavedra? My gosh! "Awww, ang swerte naman nitong... Sino ba itong si Alyana Jade Silva? Si Steven ang makakadate niya." Narinig ko iyong katabi ko at napangiti agad ako. Mainggit kayo guys. "Oo nga pero mas maswerte itong si Ivonny Artamesa kasi si Stephen Ryan Saavedra ang kadate niya." "Search natin sila sa facebook." At dun na ako nataranta. Agad kong hinatak sina Leah at Joana palayo sa bulletin board. Kailangan ko nang i-deactivate yung f*******: ko at baka magkaroon ako ng haters dahil sa project na to. "Jade!" Kinurot agad ako ni Joana. "Aray!" Singhal ko. Napaka sadista talaga ng isang to. "Wahh! Ba't ang swerte mo? Si Steven yung sa'yo!" Sigaw ni Leah habang naglalakad kami sa hallway palabas ng university. "Pakibatukan nga ulit ako. Parang hindi parin kasi ako makapaniwala na siya ang ka-date ko. " Ngiti-ngiti ako habang naka kapit sa braso ni Leah. "Ang swerte mo!" Sabi ni Leah habang naka dantay naman ang ulo sa balikat ko. "Teka! Panu natin sila ma co-contact ni hindi nga natin kilala ang kapartner natin except sa'yo Jade." Tanong ni Joana kaya napahinto kami at nagkatinginan. Parang may umilaw sa ulo namin at sabay na bumalik sa office. Pagdating namin ay nagkakagulo parin ang mga tao. Ang ibang first year ay nagtataka kung bakit kami nagkakagulo. Ang mga fourth year naman ay parang alam na nila kaya hindi na sila nagtaka. Pumasok kami ng office at nakitang nagkakape si Miss Tin kasama ang iba pang teachers. "Good afternoon po." Tumayo si Miss Tin at naglakad papunta sa amin. "Yes darlings?" Nakangiting tanong niya. Napaka gaan talaga ng aura ni Miss Tin. Mga nasa 27 pa lang siya at parang walang problema dahil palaging nakangiti. "Magtatanong lang po sana kami Miss kung panu namin ma co-contact ang partner namin dahil hindi naman namin sila kilala." Sabi ni Leah. "Ah yun ba? Teka." Umupo muna kami sa sofa at hinintay si Miss Tin. Pagdating niya ay may folder na siyang dala at agad na naupo sa tabi namin. "Meron akong mga cellphone number niyo dito, nakuha ko dun sa information at ang ibibigay ko sa inyong number ay yung sa ka-date niyo lang. Bawal ibigay sa iba ha or else pag may nagreklamo sa aking pinamigay ang number niya automatic na zero sa activity." Paliwanag niya. Sabay kaming tumango at nararamdaman ko na ang lamig sa kamay ko. Pinagpapawisan na rin ako sa kadahilanang magkakaroon ako ng number niya. Yung feeling na parang lalabas na yung puso mo sa pinaghalong excitement at kaba. "Pass niyo sa akin ang name ng ka-date niyo sa papel at dun ko ilalagay yung number nila." Dali dali kaming kumuha ng papel at nilagay agad ang pangalan ni Steven. Napansin ko lang na pag pangalan ni Steven ang sinusulat ko sa papel nagiging maganda ang penmanship ko. Hehehe. Steven Ryle Saavedra. Yan, perfect! "Hi, Sir." Napatingin kami sa limang lalaking pumasok ng office at binati nila si Sir Paulo na nagkakape sa upuan nito. "Oh eto na. Goodluck ha at ang first date niyo ay this prelim. Yung second ay sa midterm and yung third ay para sa finals, maliwanag? " Nakangiting tanong ni Miss Tin. Tumango kami at agad na kinuha ang papel. Nagpaalam na kami sa kanya at naglakad na sa hallway. "This is it!" Sigaw ko at dahan dahan na binuksan ang papel. Nang makita ko ang numero niya ay parang nagkaroon ng flowers at rainbow yung papel. s**t! parang nanalo ako sa lotto. "Wow! May number kana ni Saavedra." Sabi ni Leah. Tumango ako at malapad na ngumiti habang tina-type ang number niya sa cellphone ko. Agad kong tinupi ang papel at nilagay sa paborito kong notebook. "Nandito na ang sundo ko. Una na ako sa inyo, bye." Nagbeso muna kami bago pumasok si Joana sa kanilang kotse. Si Leah naman ay nag grab dahil hindi siya masusundo ng Mommy niya ako naman ay naglakad pa sa kanto para makasakay ng jeep. Wala kasing jeep na dumadaan sa university tanging taxi at private cars lang ang pwedeng dumaan dun. Nang nasa kanto na ako ay nangatog ang tuhod ko nang makita kong nayoyosi sina Steven at ang dalawa niyang kaibigan sa isang tindahan. Medyo malayo ako sa kanila pero sobrang linaw ng mukha niya mula dito. Saktong pagtingin niya sa banda ko ay ang pagdating ng jeep. Agad na akong sumakay dahil medyo pagabi na at baka wala na dun ang nag-aalaga sa kapatid ko. Habang nasa jeep ay nagdadalawang isip pa ako kung magpapaload ako para i-text si Steven o hintayin na lang na siya ang maunang mag text. Sa sobrang pag-aalala hindi ko na namalayan na medyo lampas na pala ako sa kanto namin. "Mukhang ginabi ka yata Jade?" Tanong ni Manung Iskay, nag titinda sila ng kanyang asawa ng street foods dito lang sa labas ng bahay nila. "May project po kasi." Ngumiti ito at tsaka ako naglakad. Maraming bata ang naglalaro ng basketball ang ibang tambay naman ay nag vi-videoki na. Ganito kami sa aming baranggay. Maingay pag gabi at ang maganda saamin ay lahat kami dito nagtutulungan pag may problema. Magkakilala kaming lahat dito dahil na rin sa magkakalapit ang mga bahay. Hindi mo naman matatawag na squatter dahil malinis at maaliwalas naman ang compound namin. Marami pa namang puno at halaman. Yung mga tao dito ay karamihan may trabaho yun nga lang marami-rami kami dito. "Magandang gabi po, Nay." Nagmano ako kay Lola na naka-upo at nanunuod ng tv kasama ang kapatid kong si Kyle. "Hewow, ate." Masayang bati ng kapatid ko at hinalikan ako sa pisngi gaya ng kanyang nakagawian. He's actually 12 years old pero kung kumilos at magsalita parang seven years old.He was diagnosed with down syndrome kaya nga Special Education ang kinuha ko dahil gusto kong maging guro sa mga batang katulad ng kapatid ko. "Hello, baby." Ngumiti ito at pinat ang gilid ng upuan niya para maka upo ako dun. "Wala pa po si Mama, Nay?" "Nasa kusina na nagluluto. Bakit pala ginabi ka?" Tanong ni Nanay habang inaayos ang salamin sa mata niya. "May project po kasi." Tumango ito. Nag-unat muna ako bago tumayo at tumungo ng kwarto para magkapag palit damit. "Magandang gabi po." Bati ko kay Mama nang maabutan siyang nagluluto sa kusina. "Oh. Ba't ka ginabi?" "Project po." Hinanda ko ang lamesa at naglagay ng kubyertos. Kinuha ko narin ang sinaing at ang ulam na niluto ni Mama at nilagay sa mesa. "Kyle, Nay kain na po." Tawag ko sa kanilang dalawa. Mabilis na tumakbo si Kyle kaya muntik na itong mabangga sa pader. Tumawa ito ng bahagya at sinuntok ng mahina ang pader. "Baam yaaah! " Sigaw niya. "Kyle, that's enough. Let's eat." Tumayo ito ng maayos at umupo sa tabi ni Mama. Nilagyan ni Mama ang plato ni Kyle ng pagkain at masayang kinain naman iyon ng kapatid ko. "Yummy." Sabi niya kaya napatawa kaming tatlo. Sa bahay si Kyle lang ang dahilan kung bakit kahit hirap na sa buhay ay masaya pa rin kami. "I wav yow, Ma." Parang may humaplos sa puso ko ng sabihin iyon ni Kyle. Pagthankful kasi siya, sasabihan ka niya ng i love you kaya kahit na ganito siya ay mahal na mahal pa rin namin siya. "I love you too." Sabay halik ni Mama sa pisngi ni Kyle kaya napangiti ito ng todo na para bang nanalo siya ng house and lot. Matapos ang hapunan ay nag desisyon akong magpa load. Ite-text ko si Steven! "Oh may himala yata at magpapa-load ka. " Sabi ni Rea na nag babantay ng kanilang tindahan. Minsan lang kasi ako nagpapa-load wala naman kasi akong ka-text. "Wag ka nang mangulit at iload mo na dahil importante to" Natawa na lamang ito at hinintay ko munang pumasok ang load bago umalis pauwi. Baka iscam ako ni Rea eh. Pagkatapos kong magparegister ay agad akong nag tipa ng message. Hello, good evening. Ako pala si Alyana Jade Silva yung ka date mo sa Homeroom and Guidance. SENT Naghintay ako ng ilang minuto at wala paring sagot. Hindi pwedeng walang load yun eh napaka yaman kaya nila. Uhmm, pwede bang malaman kung kailan ka free para-mapag usapan natin yung activity? SENT Panay ang check ko sa phone habang nag-aaral ako sa isang major subject namin. Dalawang oras na kasi akong nag text pero walang reply. Sure ba si Miss Tin na kay Steven to? Kahit reply man lang sana na nagpapatunay na ikaw talaga si Steven ?. SENT Nag lagay pa ako ng smiley face dun ha. Limang minuto... Sampung minuto... Isang oras.. Tatlong oras na akong naghihintay at wala pa rin kaya nahiga na lang ako sa kama at natulog. SAYANG YUNG LOAD KO!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD