CHAPTER 3- Lines that shouldn't be crossed

750 Words
May pakiramdam si Lia Monteverde na may sumusunod sa kanya. Hindi yung obvious na may yabag sa likod o aninong biglang lilitaw—kundi yung pakiramdam na may matang nakatutok sa kanya kahit saan siya magpunta. Sa campus. Sa hallway. Kahit sa cafeteria. At mas lalong lumalakas ang pakiramdam na iyon tuwing malapit si Professor Adrian Vale. Umupo si Lia sa gitnang mesa ng cafeteria, pilit na nagkukuwento kasama ang mga kaibigan, pero hindi mapakali ang isip niya. May ilang segundo na parang gumagaan ang pakiramdam niya—kapag alam niyang nasa paligid lang si Adrian. Pero kasunod noon, may biglang bigat. Bakit parang mas ligtas ako kapag nandiyan siya… pero mas delikado rin? “Uy,” bulong ng kaibigan niya, si Mara. “Tinitingnan ka na naman ni Prof. Vale.” “Ano?” mabilis na sagot ni Lia, pero hindi na niya kailangang lumingon. Ramdam na niya. Sa kabilang dulo ng cafeteria, nakatayo si Adrian, kausap ang isa pang professor—si Professor Elise Carter. Ngunit kahit nakangiti siya nang bahagya sa kausap, ang mga mata niya ay hindi maikakailang nakatuon kay Lia. At hindi iyon nakaligtas kay Elise. “You’re distracted,” sabi nito, mababa ang boses. “I’m fine,” sagot ni Adrian. Elise sinundan ang tingin niya. “She’s your student.” Tumahimik si Adrian. “That’s not denial,” dagdag ni Elise. “That’s avoidance.” Mula sa kinatatayuan niya, nakita ni Adrian ang isang lalaking dumaan malapit sa mesa ni Lia—hindi estudyante, hindi staff. Masyadong maingat ang kilos. Masyadong mapagmasid. Agad na tumigas ang panga ni Adrian. They’re getting closer. Sa hapon, habang papalabas si Lia ng classroom, may dumulas na papel sa loob ng bag niya. Napahinto siya. Binuksan niya ito. STOP ASKING QUESTIONS. NEXT TIME, WE WON’T MISS. Nanlamig ang mga daliri niya. “Lia.” Napalingon siya. Nakatayo si Adrian sa likuran niya, seryoso ang mukha. Isang tingin lang niya sa mukha ni Lia, alam na niyang may mali. “Show me,” utos niya—hindi bilang professor, kundi bilang isang taong sanay sa panganib. Nag-atubili si Lia, pero iniabot niya ang papel. Tahimik na binasa ni Adrian iyon. Walang emosyon ang mukha niya, pero sa loob-loob niya, may apoy na nag-aalab. Lucius. “Did anyone see you get this?” tanong niya. “Hindi,” sagot ni Lia. “But someone’s watching me. I know it.” Tumango si Adrian. “From now on, you don’t go anywhere alone.” Napakunot ang noo ni Lia. “Sir, you can’t just—” “Lia,” bigla niyang putol, unang beses niyang binanggit ang pangalan nito nang walang Miss Monteverde. “This is not a suggestion.” Nagtagpo ang mga mata nila. May galit sa tingin ni Adrian—pero mas nangingibabaw ang takot na pilit niyang tinatago. “Okay,” marahang sagot ni Lia. “But don’t lie to me anymore.” Wala siyang naisagot. Kinagabihan, mula sa isang gusali sa tapat ng dormitory ni Lia, may lalaking nakatayo sa dilim, hawak ang camera. “Confirmed,” sabi niya sa phone. “She’s under his protection now.” Sa kabilang linya, ngumiti si Lucius Kane. “Good,” sagot niya. “That means we’re doing something right.” Sa parehong oras, nasa kotse si Adrian, nakatingin sa monitor kung saan lumalabas ang live feed ng mga CCTV sa paligid ng dorm. “Add two more men,” utos niya kay Raven sa earpiece. “No uniforms. No patterns.” “You’re crossing lines,” babala ni Raven. “Those lines don’t matter,” sagot ni Adrian. “She does.” Kinabukasan, may bagong estudyanteng lumapit kay Lia sa hallway—isang babaeng masyadong pamilyar ang ngiti. “Hi,” sabi nito. “You’re Lia, right? I’m new.” Sa malayo, nakita iyon ni Adrian. At sa unang pagkakataon, may naramdaman siyang kakaiba. Selos. Hindi galit. Hindi takot. Selos—dahil may ibang masyadong malapit kay Lia. “Sir?” tawag ni Elise sa kanya. “You okay?” “Cancel my afternoon meeting,” malamig niyang sagot. “Something came up.” Habang naglalakad si Lia pauwi nang gabing iyon, may humarang sa kanya sa gilid ng kalsada. Isang sasakyan ang dahan-dahang bumagal. Bumukas ang pinto. Isang kamay ang umabot— At bago pa siya tuluyang mahila, may isang anino ang sumugod mula sa dilim. Isang putok ng baril ang umalingawngaw. Chaos was coming. At sa pagkakataong ito, hindi na ito babala. Ito na ang simula.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD