Kabanata Uno-David
I've been in love with her for 10 years, but I only gained her words of breaking up with me because of some random guy. But later on, nalaman ko na pinilit lamang siya ng mga magulang nya. And she is still in love with me, what else can I do? I couldn't waste our ten years just for her marriage. Yet, I didn't prepare beforehand to be her dark secret when I accidentally killed her husband.
"Your Freedom or Your Love, Choose David?" tanong sa akin ni Glade, isang Criminology Graduate ngunit pinili ang kompanya ng magulang nya kaysa sa pangarap nya na maging Pulis. At ngayon, sapilitang dumayo sa kulungan ko ng malaman nyang nakakulong ako sa salang pagpatay.
"I love her." narinig ko ang mapaklang reaksyon ni Glade sa inis.
"But loving her means being guilty with the crimes that you never made."
"I killed him," tunog ng pagkasa ng baril ang umugong sa buong paligid, at nakatutok sa akin ngayon ito.
"I know the truth. Don't f*****g lie on me, David. "
Tinignan ko siya sa mga mata, at nababasa ko ang kaseryosohan sa mga mata nya, kahit lumipas man ang ilang taon na hindi ko siya nakita, alam ko pa rin ang ibig sabihin ng mga tingin nya kahit pa nagbago na ang pananamit at estilo nya, siya pa rin ang kilala kong Glade sa nayon.
Kahit ilang beses pa akong magsinungaling sa kanya, alam kong hindi niya paniniwalaan ang pagsisinungaling ko. "Okay fine, Miss Roan. Pinapapili mo ko? Iputok mo. Pipiliin ko pang barilin mo ako, kesa aminin ang nais mo."
KEEP ME AS YOUR DARK NIGHTMARE ©2023
Kabanata Uno- David.
Ang estado ng tao ang madalas na nagiging pananaw ng mga tao sa nayon nila. Maliit lamang ito ngunit malawak at marami ang mapagkukunan ng pagkakakitaan rito. Subalit, Hindi nawawala rito ang pang-aalipin at pang-aalipusta ng mga tao sa isa't-isa.
"David?" Tawag niya Aling Maricel, ang ina ni David. Bitbit ni David ang sako ng copra na may singkwenta kilos. "Magtungo ka agad sa bahay at makapag-almusal ka man lang."
Hindi nasagot ni David ang kanyang ina dahil sa bigat ng dala niya. Humahangos sya sa layo ng pinagkunan nya ng copra. Gumising siya ng alas dos ng madaling araw kanina upang makapag'karyada' ng Copra ni Don Ruiz. Ang isa sa mayaman dito sa nayon nila.
Tumalikod sya sa sementong upuan at dahan-dahan na ibinaba ang katawan upang magkapantay ang sako na dala nya sa sahig ng upuan saka iniatras bahagya ang sarili upang matanggal sa ulo niya ang sakong pambuhat. "Tatlong balik mo na ito bata." Saad ni Don Faerdo. Isang negosyante sa nayon nila na bumibili ng copra.
Agad inasikaso ni Don Faerdo ang mga kopra na dala nila ng mga kasama nyang mga karyador. Mga ilang saglit lang habang hinahabol nya ang kanyang hininga ay lumapit si Don Faerdo sa kanilang mga karyador. "Mga bata magsikain muna kayo sa tindahan ni Faerdo. Ako na ang magbabayad. " Nakangiting saad sa kanila ni Don Ruiz.
Nagpatiuna na lamang silang mga karyador. Kumuha ng isang tinapay si David sa tindahan at nanghingi ng piso upang ipangsaksak sa water vending machine na nasa labas ng tindahan. Ang iba niyang mga kasamahan na karyador ay nagsiorderan ng tig tatatlong tinapay at nagsihulog ng limang piso sa coffee machine.
"Ano ka ba naman David? Kinukuripot mo ang sarili mo. Nag-order ka man lang ng marami, si Don Ruiz naman ang babayad. " Ngumiti lang sya ng tipid sa kasamahan nya na tumabi sa kanya. Mga bagong karyador ang mga kasama nya. Mga bagong sisiw sa pagbubuhat. Dahil ang mga kilalang karyador sa nayon nila ay hindi nagpresenta sa mga copra ni Don Ruiz.
"Ayos na ako rito. May inihanda rin naman si inay sa bahay. Doon ko na lang bubusugin ang sarili ko. "
"Ikaw bahala," Saad nito at inilamon sa bibig nito ang managing parte ng monay.
Sa mga batang ito, inaakala nila na mabait si Don Ruiz. Nabiktima na rin sya nito noon kasama ang mga dati niyang kasamahan. Kumain siya ng marami niyon pero sa huli ay sila pa rin ang pinagbayad at todo bawas pa sa kinita nila sa naging unang utang nila. Kaya ang naging resulta, napurnada ang kita nila.
"David, laro tayo mamaya sa Computer. May bagong palaro si kuya Jeffrey." Saad ni Yohan, umiling-iling siya nito. Wala pa sa oras niya ang pagkokompyuter. Marami pa siyang gagawin sa araw na ito. Tutulungan pa niya ang ina na manghuli ng tilapia sa pangisdaan nila.
"Kayo na lang. Marami pa akong gagawin. "
SA PAGKAUWI NIYA NAKASALUBONG NIYA ANG AMA NA BITBIT ANG sariling itak nito. Nakasuot na rin ito ang manipis na jacket at pambukid na pajama. May dala na rin itong maliit na bag. "Saan ka po itay?" Tanong niya sa ama.
"Kay Don Ruiz ako tutungo. Sa kanilang bukirin. Kailangan ng pagputul-putulin ang mahahabang damo roon. Kasama ko ang tiyo Roman mo. Alagaan mo ang ina at kapatid mo rito. "
Napatango siya sa ama. " Opo, itay. "
"Oh siya. Ako'y pupunta na. Yong bilin ko wag mong kalimutan." Sinundan niya ng tingin ang ama. Naaawa siya rito. Matanda na rin ang ama niya pero kumakayod pa rin ito upang makakain sila. Hindi gaanong malaki ang kita nila araw-araw, dagdagan pa na malaki manghingi ng buwis si Don Ruiz sa kanila sa pagpapatira sa kanila sa lupa nito. Ang buong nayon ay nasa pangangalaga ni Don Ruiz. At bawat bahay na nasa lupa nito ay hinihingian niya ng malaking buwis.
"Bulaga!" Napatalon siya sa gulat ng pagharap niya sa bahay nila ay si Tessa ang nakita niya. Nakangiti ito at suot ang mamahaling damit nito. Ngunit nakatsinelas ito ng luma pero halata naman na mamahalin rin.
Napangiti siya ng makita ito. "Kahit kailan ka talaga, Tessa. "
Lumapit sa kanya si Tessa at walang kahihiya man lang itong itaas ang sariling saya nito upang ipampunas sa pawis na nasa mukha ni David. Agad nanlaki ang mga mata ni David. Bigla niya itong pinigilan sa ginagawa nito. "Tessa, wag mong gawin iyan. Babae ka."
Napakunot noo si Tessa sa kanya. "Eh ano naman ngayon? Wala na ba akong karapatan na gawin ito sa nobyo ko? Naiilang ka ba sa akin, David? "
Napailing siya sa tinuran nito. Si Tessa ay nobya niya, dalawang taon na ang relasyon nila. " Hindi yan ang ibig ko. Ayaw kong mabastos ka ng mga tao rito. " Napangiti si Tessa sa sinambit niya. Agad siyang kinurot sa tagiliran nito. " Ayiiieee. Ang sweet naman ng boyfriend ko... Pero pinapawis ka eh. Wala akong dalang towel."
Napailing na lamang si David sa kanya at napangiti. "Nasa bakuran rin naman tayo ng bahay namin. Magpapalit lang ako ng damit. "
Napakamot na lamang si Tessa sa kanyang ulo. Mukhang ngayon pa nito napagtanto na nasa harap lamang siya ng bahay ng nobyo. Unang pumasok si David sa bahay. Susunod na sana si Tessa sa kanya sa loob ng humarang si David sa daanan nya. " Oiii, tumabi ka. Gusto kong pumasok."
Umiling-iling si David sa kanya. " Hindi dapat. Hindi maganda tingnan na pinapapasok ang nobyang babae sa bahay ng nobyo." Naparolyo ng mga mata si Tessa sa kanya.
"Napakaconservative mo talaga. Alam ko naman na wala kang masamang gagawin sa akin eh. Eh kahit nga ipilit ko ang sarili ko sa iyo, ay hindi mo pa rin sinasakyan. Palay na nga ang inihahain sa harapan mo hindi mo pa rin tatanggapin eh. Kaya sige na papasukin mo na ako. " Ngunit hindi natinag si David sa kanya. Tinuruan sya ng kanyang ina at ama na maging mabait na nobyo. Dapat niyang respetuhin ang babae. At dapat rin itatak sa isipan niya ang mga makalumang paniniwala ng mga matatanda sa relasyon.
Mahalaga ang kasal para sa kanya. "Hindi pa din ako sang-ayon sa gusto mo... Kaya kung maaari pagbigyan mo na ako." Umismid sa kanya si Tessa.
"Tsk. Palagi na lang kitang pinagbibigyan. Sige na nga. Pumasok ka na. And go. Dalhin mo na lang ang mga plato at kurbyertos mo rito. Gusto kong samahan kang kumain dito sa labas." Napangiti siya sa sinambit ng nobya. Kahit kailan talaga ang sweet-sweet nito.
Tinungo niya ang kwarto magkakapatid. Sumalubong sa kanya ang mga bagong nakatuping damit sa gilid ng higaan nila. "Hmmmnnn. Tiyak pinagod na naman ni inay ang mga kamay niya sa pagtutupi nito. "
Hinubad nya ang kanyang T-shirt, kukuha sana siya ng kamisen na damit ng biglang bumukas ang pinto at pumasok roon ang nakatwalya nyang babaeng pinsan na si Glade. Napatanga siya sa inasta nito dahil hindi man lang siya pinansin at bahagya pa siyang tinulak nang dumaan ito sa tabi niya. At kumuha ng isa sa mga damit niya.
"Ano ka ba naman, Glade? Kwarto namin magkapatid ito. " Napasampal na lamang sya ng mukha at agad na napatalikod ng ibinaba nito bigla ang tuwalyang nakapalibot sa katawan nito. "So? "
"Anong So? Mahiya ka nga. Babae ka at Lalake ako." Pinanliitan siya ng mga mata ni Glade habang sinusuot ang damit na napili nito. "Ang sabi ni Maam Tessa, Hindi ka naman pumapatol kahit may palay na sa harapan mo. At wag ka ngang mahiya, kung makapagtaboy ka parang Hindi mo na nakita ang bundok ko at hiwa ko noong mga bata pa tayo. " Usal ni Glade sa kanya.
"Mga bata pa tayo non, Glade. Ibang usapan na ngayon. " Napakunot noo si Glade sa sinabi niya. "Anong ibang usapan?" Tinignan ni Glade si David na nakatalikod sa kanya. "Oiii David, wag ka ngang mag-inarte, ang kaibahan lang ng ngayon at noon ay malaki na ang bundok ko kesa noon at itong hiwa ko siya pa nga ang nahihiya dahil tinatakpan niya ang sarili niya ng maraming buhok."
'Ang sakit mo talaga sa utak. ' na sabi na lamang ni David sa isipan niya. Naghanap si Glade sa maliit na bag na nakasukbit ng pantakip ng p********e nya. Napangiti siya ng makakita siya ng bagong laba na brief. Sinimot nya ito. Amoy surf fabcon nga.
"Tampalin mo nga yang bibig mo. Hindi na tama ang pinagsasalita. Respetuhin mo naman ang sarili mo." Dito nainis si Glade sa sinabi nya. Agad siya nitong nilapitan at pwersahang iniharap sa kanya. Malakas siya nitong itinulak na ikinasandal nya sa pinto at bahagyang nagkapantay ang mga height nila.
"Kung makapagsalita ka parang hindi kita pinsan ah. " Napalunok si David sa lapit nila sa isa't-isa. Hindi tama. Hindi tama ang sobrang lapit nila. " Wala naman akong ginagawang masama sa iyo, pero kung makapagsalita ka parang pokpok na ako. Hoy David. VIRGIN PA PO AKO! Ni isang lalake sa buhay ko wala pang nakakakuha nito." Wala ka naman nobyo at halos pinsan mo ang lahat na narito. Gusto yong sabihin ni David, pero ramdam niya ang paninigas ng katawan niya dahil sa init ng katawan na nanggagaling kay Glade.
Delikado siya nito. Para siyang nadadarang. " At higit sa lahat. Pinsan naman kita so ayos lang na gawin ko ito sa iyo. Hindi naman tayo talo. " Tinalikuran siya ni Glade at nagtungo ito sa mga nakatupi niyang mga damit kaya nagkaroon sya ng pagkakataon na alisin ang dayuhan na init na nararamdaman niya. Hindi tama ito.
"Ibig mo bang sabihin na naghuhubad ka rin sa mga lalake mong mga pinsan? " Pero ng marinig niya ang bagay na ito ay nagdilim ang paningin niya. Siguro dahil tinuruan siya ng mga magulang na dapat may respeto ang mga babae sa mga katawan nila. Hindi dapat nito ibinabalandara ang katawan sa mga lalake. Mukhang yon nga. Ngunit hindi siya sigurado dahil may ibang tumutukso sa kanya na Hindi nya pa makuha-kuha.
Hinintay nya ang sagot nito, ngunit imbes na makatanggap siya ng sagot sa tanong niya ay napalitan na lamang ito sa sumunod na sinabi ni Glade. " Surf fabcon gamit ng nanay mo? Ang bango kasi ng brief mo. At sinuot ko pala. " Napatakip na lamang siya ng mukha sa narinig at sa kahihiyan ng pinsan.
Bakit nararamdaman nya na wala na itong kapag-asa-pag-asa na magbago?