KEEP ME AS YOUR DARK NIGHTMARE ©2023
Kabanata Dos-Tessa
Delikado siya nito. Para siyang nadadarang. " At higit sa lahat. Pinsan naman kita so ayos lang na gawin ko ito sa iyo. Hindi naman tayo talo. " Tinalikuran siya ni Glade at nagtungo ito sa mga nakatupi niyang mga damit kaya nagkaroon sya ng pagkakataon na alisin ang dayuhan na init na nararamdaman niya. Hindi tama ito.
"Ibig mo bang sabihin na naghuhubad ka rin sa mga lalake mong mga pinsan? " Pero ng marinig niya ang bagay na ito ay nagdilim ang paningin niya. Siguro dahil tinuruan siya ng mga magulang na dapat may respeto ang mga babae sa mga katawan nila. Hindi dapat nito ibinabalandara ang katawan sa mga lalake. Mukhang yon nga. Ngunit hindi siya sigurado dahil may ibang tumutukso sa kanya na Hindi nya pa makuha-kuha.
Hinintay nya ang sagot nito, ngunit imbes na makatanggap siya ng sagot sa tanong niya ay napalitan na lamang ito sa sumunod na sinabi ni Glade. " Surf fabcon gamit ng nanay mo? Ang bango kasi ng brief mo. At sinuot ko pala. " Napatakip na lamang siya ng mukha sa narinig at sa kahihiyan ng pinsan.
Bakit nararamdaman nya na wala na itong kapag-asa-pag-asa na magbago?
Inalis ni David ang pagtatakip niya ng mga kamay sa kanyang mukha at pinanood si Glade na mukhang nagdedebatihan pa sa isipan kung anong isusuot nito pambaba. Napahilot na lamang siya ng kanyang noo. Kailan ba mag-iisip matanda itong pinsan niya? Babae ito ngunit kung makaasta parang magkatropang lalake lamang sila. At kung makapasok ito sa kwarto niya parang gawain iyon ng isang babae. Humugot siya ang malalim na hininga saka nagtanong sa pinsan.
"Bakit ka ba narito sa kwarto ko pumasok? At bakit ka nasa loob ng bahay namin?" Tanong ni David kay Glade. Napakunot ng noo si Glade sa kanya. Hinarap niya si David.
"Natural nagbibihis ako." Maikli niyang turan. Hindi ba pumasok sa isipan ng pinsan niya na nagbibihis siya sa harapan niya? Agad-agad nakalimutan?
"Halata nga. Pero may sarili ka naman bahay ah. May sarili kang kwarto at banyo roon. Masagana ang tubig niyo galing sa gripo sa bahay niyo, pero sa lahat-lahat ng mga nabanggit ko, dito pa talaga sa bahay namin naligo? At sa kwarto ko pa talaga ikaw pangahas na pumasok."
Inismiran niya si David sa sinabi nito. Anong pangahas? Wala naman siyang ginagawang masama ah. Nanghihiram lang naman siya ng damit. Ano bang naging mali roon? Mali ba na akitin niya ang pinsan niya? Oooppps. Naligas yata. Baka matalo siya sa pustahan nito eh.
"Pinapaalis mo na ba ako?"
"Narito ka sa kwarto ko." Flat na pagkakasabi ni David sa kanya.
"So?" Pinagkunutan siya ng noo ni David.
"Anong so?"
"So ano nga? Ano naman sa iyo kung nasa kwarto mo ako? Oiii tol, kahit naman bagay tayong dalawa, hindi tayo talo." Sinubukan niyang biruin ito ngunit ang talim ng tingin na ibinibigay ni David sa kanya. 'Minsan talaga itong pinsan na to, ang hirap patawanin. '
Inilagay ni David ang kanyang mga kamay sa kanyang bewang at binigyan ng seryosong tingin ang pinsan. "Ang salbahe mo talaga, David." Nirolyohan na lamang siya ng mga mata ni David bago ito lumapit sa kaniya. Nakatingin lamang ito sa kaniya na ikinakaba niya.
"Oiii." Oo gusto niyang manalo sa pustahan nila magkakaibigan na pinsan, ngunit wala naman sa usapan na totohanan talaga. Oiii walang ganyanan! It is forbidden.
Ngunit hindi nagsalita si David sa kaniya, huminto ito sa kanyang harapan at dumukwang. Ang nararamdaman niyang kaba ay lalong nadagdagan at lumakas. 'Maawaing langit, binibiro ko lang naman tong conservative kong pinsan. Wag niyo naman seryosohin ito.'
Nagmamakaawa siya sa loob ng isipan niya. Kung makatingin kasi ang pinsan niya ay hindi niya mabasa kung ano ang gagawin nito. Dala na rin siguro ng kaba kaya walang kaideya-ideya ang utak niya sa mga oras na ito.
Subalit, nang dumukwang lalake at naramdaman niya ang hininga nito na tumatama sa balat niya. Nagmumukha siyang estatwa dahil hindi niya maigalaw ang sariling katawan.
Kumakabog ang puso niya sa sobrang lakas. Bakit ba naman kasi niya naisipan pa na pumasok sa kwarto nito at maghanap ng damit na isusuot? Pinagsabihan na siya ng tiya Maricel niya na sa lumang kabinet siya magtungo upang kumuha ng damit. Ngunit nang nakita niya ang mala-Ibarra na pinsan, na nahihinuha nya sa libro na isinulat ni Rizal, ay pumasok sa isipan niya na asarin ito.
Dese-nuebe na ang binata niyang pinsan ngunit wala pa ring epekto sa lalake ang modernong makabagong pag-iisip ng panahon. Naiiwan pa rin sa lalake ang karakter na ikinatha ni Rizal.
Ngunit ang kaba niya ay napalitan ng agarang pagtalikod nang umayos na ng tayo si David at agad na nagsuot ng damit. 'loko'. Hindi niya man lang naisip na nakahubad nga pala ito.
"Magsalawal ka na," nahihimigan ni Glade ang pagkairita nito. Lumabas na ito ng kwarto at iniwan siyang napatunganga. Ilang saglit lang napagtanto niya na nakalimutan niyang magsalawal, napababa siya ng tingin saka napatingin sa hawak ng kamay niya. "Ang loko ko talaga."
PAGKALABAS NI GLADE sa bahay ay todo ingos ang ginawa niya. Naiinis talaga siya. Bakit ba naman kasi siya pumayag sa pustahan na tuksuhin si David? Sa dami-dami ba kasi ng Dare na ibinigay sa kanya ay iyon pang akitin ang pinsan niya. Natalo kasi siya sa larong billiard ng mga kaibigan niya, at hindi niya rin naalala na naubos na pala ang kinse pesos na pinagpusta niya rito sa pagkatalo. Ayaw naman niya na mabaon sa utang na ganoon kalaki, kaya naghanap siya ng ibang paraan upang mabayaran ito. At ang lintik na kaibigan, ang naisip na kabayaran ay akitin ang pinsan niyang kinahuhumalingan ng mga dalagang babae dito sa nayon nila.
Siyempre, ang naging sagot niya doon sa kaibigan ay nakakalibot at nakakataas ng balahibo. Halos lahat ng babae sa nayon nila ay may gusto kay David, maski nga ang anak ni Don Ruiz na si Tessa ay nahumaling sa pinsan niya, maliban lang sa kanya. Aba malamang. Wala sa utak niya ang magkagusto sa pinsan-pinsanan niya. Pinsan at kuya na naging turing niya rito.
Kahit hindi sila totoong magpinsan, hindi niya naisipan na magkagusto rito. 'Never'.
"GLADE! " Napalingon siya sa taong tumawag sa kanya. Iyon ay si Tessa. Nakangiti ito sa kaniya. Ang porselana nitong katawan ay lumiliwanag dahil sa bagong sikat ng araw. Maputi rin ito at maganda, malayong-malayo sa kaniya na pinaglihi sa negra ng butihing araw ng bukid.
"Maam Tessa, Bakit?" Nilapitan niya ito, ngunit ang ekspresyon niya ay napalitan ng inis ng linguin nya ang kaharap ni Tessa. Siyempre, ang hinayupak niyang pinsan. Ang lolong nobyo ni Maam Tessa.
"Salohan mo naman kami ni David oh." Nanlaki ang kanyang mga mata at napatingin sa dalawa. Tahimik lang si David ngunit nababasa niya sa mukha nito na natutuwa ito sa sariling nobya. 'Mabilaukan ka sana.'
Subalit nang mapatingin siya sa maliit na mesa, napakagat dila na lamang siya ng sumalubong sa kanya ang isang plato ni David at tupperware na may laman na tuyo. Nagsubuan ba itong dalawa?
"Ah eh. Wag na. Inabala ko pa kayo." Tanggi niya. Ano bang gagamitin niyang plato? Kamay? Nagloloko ba itong dalawa? Pinagtritripan ba siya ng mga ito?
Tatalikuran niya sana ito nang biglang tumayo si Tessa sa pagkakaupo at hinalbot ang kamay niya at pinatabi siya nito. "Maam Tess—" Naputol ang pagsasalita niya nang sinubuan siya ni Tessa gamit ang mga kamay nito sa bibig.
"Masarap di ba?" Napilitan siyang nguyain ito at nilagok agad. Napilitan siyang ngumiti. Ano bang naisipan ni Tessa at sinubuan man lang siya? Hinarap niya si Tessa ngunit gusto niyang umalis na lang. Nakangiti kasi ang babae sa kanya ng sobrang laki.
"Glade, nabilaukan ka ba?" Rinig niya kay David. Ramdam niya na nag-aalala ito sa kanya. Bakit tila tumataas ang balahibo niya? Hindi niya makuha-kuha kung bakit.
Kumuha ng tubig si David sa loob ng bahay, Kaya naiwan silang dalawa ni Tessa. Ramdam niya ang pagkailang. Hindi dahil sa mayaman na anak si Tessa, kundi iba kasi ito kung makaasta sa kanya. Alam ba nito ang ginawa nya? Nagsumbong ba ang pinsan nuya sa pinagloloko niya kanina?.
'Wag naman sana.'
"Balita ko 100 pasado ang mga nakuha mong marka sa mga exam niyo? Ang galing mo." Natutuwang saad ng babae sa kanya. Ngunit ikinanlaki iyon nga kanyang mga mata.
May naging exam sila noong nakaraang linggo. At halos lahat ay naipasa niya, ngunit wala siyang pinagsabihan. Hindi rin pa naman ipinagsasabi ng mga teachers kung sino ang nakakapasa, hanggat Hindi pa ipinapasa sa Department nila. Ngunit paano nalaman ni Tessa? Dahil ba sa anak ito ni Don Ruiz?
Mukhang nabasa ni Tessa ang nasa isip niya dahil lumawak ang ngiti nito sa kanya. "Wag kang mag-alala, Hindi ko sasabihin sa kanya. Ang sa akin lang, proud na proud ako sa iyo."
"Anong pinag-uusapan niyo?" Dumating si David na may dala na isang basong tubig. Agad siyang napainom roon. "Dahan-dahan lang Glade. Baka mabilaukan ka." Saad ni David sa kanya.
Si Tessa ay napatingin sa kanya na puno ng pag-aalala ng tumama nga si David sa sinabi nito. Dahil sa pagmamadali niyang inumin ang tubig ay nabilaukan siya, napaubo siya. Hinaplos ni Tessa ang likod niya habang si David naman ay binigyan lamang siya na ng nag-aalala na tingin.
Nang naging maayos na siya ay bumalik na sa pagkakaupo si David sa upuan niya ngunit hindi naputol nito ang mga matang nakatingin sa kanya. "Namumutla ka yata, Glade?" Nag-aalalang tanong nito sa kanya.
Ngunit nginitian niya lamang ang pinsan. Nanginginig ang mga kamay. Hindi siya mapakali. Ngunit kailangan niyang maging maayos sa harapan ng pinsan dahil baka susugod ito agad kapag nalaman ang sekretong usapan ng pamilya ni Glade at ng pamilya nila Tessa.
Baka ikapahamak pa nito ng sobra, sa mata ni Don Ruiz.