Kabanata Tres-Pako

1596 Words
KEEP ME AS YOUR DARK NIGHTMARE ©2023 Kabanata Tres- Pako. "O Glade? Bakit parang ang laki ng problema mo? Dahil ba ito sa mga lesson ng klase mo?" Saad ni Pako na may dalang tinapay na nakabalot sa papel. Kanina pa siya lutang na lutang. Eh kasi naman ng sinabi nya sa mga kaibigan nya ang resulta ng dare sa kanya ay kinilig ang mga gaga at tinutukso pa talaga siya. "Hindi." "Edi ano? " Pagmumilit nito. "Basta." "Sige na, ano nga? " Umupo ito sa tabi nya at wala talagang kibo ang kakulitan sa kakatanong. "Basta nga eh. " "Chika mo na sa akin. Pagnagshare ka bibili ako ng sampu sa polvoron mo. " Pinanliitan nya ito ng mga mata. "Hindi ko niluto ang polvoron ko para kaawaan mo. Nabuo ito dahil gusto ito ng mga tao. Kaya kung gusto mo talaga ito bilhin mo ng patas." Masungit na saad niya. Napabuntong hininga na lamang si Pako at ibinigay sa kanya ang sampung piso. "Turingang kaibigan nga, bakit ang lalim ng iniisip mo?" Tanong nito habang kumukuha ng polvoron sa lalagyan ng paninda nya. "Sa kay lalim muntikan na akong malunod." Ani nito at nginuya-nuya ang tinanggihan nya na tinapay kanina ng alukin siya nito. "Kahit kailan ka talaga ang ingay mo. Hindi talaga matikop-tikop yang bibig mo. " "Ginawa itong bibig ko para makapagsalita ako at mahalikan mo. Hindi para tiklopin mo. Paano ko masasabi ko ang pinakamatamis kung panliligaw kung nakatikom ang bibig ko. " Pagbibiro nito sa dulo at pinakita pa talaga nito ang ngisi sa pisngi. "Che." "Sige ka, kapag hindi mo shinare sa akin, Ipagkakalat ko talaga sa buong nayon na ang damot-damot mo." Inismiran nya ito at umalis. "Oy, teka." Sumunod ito sa kanya. "Sige na. Hindi na talaga ako magtatanong. Mas masakit pa na makita na umalis ka sa harapan ko kesa sa chismis na masasagap ko. " "Kung gusto mo namang mag-ingay, Iadvertise mo itong paninda ko. " Kumunot ang noo nito. "Hindi ba kilala na ang polvoron mo? " "Kung alam ng lahat hindi sana ako nagpapagod sa paglalako, ano? " Ngumiti ito sa kanya. "Sige, panigurado ubos ito ora mismo! " Agad nito kinuha ang tray ng polvoron sa mga kamay nya. "Oiii, saan mo ito dadalhin? " Agad niya itong pinigilan. "Dadalhin ko sa section ko. " Pinaningkitan nya ito ng mga mata. "Sure ka na hindi mo itatakas? " "Kung magtatakas rin naman ako, hindi polvoron mo ang itatakas ko, kundi yang puso mo. " Nalaglag ang kanyang panga sa narinig at nasundan na lamang nya ng tingin ang tumatakbo na si pako papalayo sa kanya. At may bigla na lamang tumulak sa kanya ng bahagya. "Narinig ko iyon. Ayiiee. Nagpapacute pala sa iyo si Niel." Panunukso nito. "Walang ganon. Sadyang ganyan na ang ugali nong gago simula ng mga bata pa kami." "Hmmmn.. " Binigyan siya nito ng Hindi makapaniwalang tingin. "Ano? Iba ang ibinigay ng tingin mong yan ah. " "Defensive? " "Saan? " "Ayiiee, nakakakilig kayong dalawa. Ang sweet ni Niel sa iyo. " Tumayo ang balahibo nya sa nakuha nitong pahiwatig. "Kilabutan ka nga. Pinsan ko lang siya noh." "Pero alam naman natin na Hindi ka pinsan ng mga lalake sa nayon niyo. Except sa nilathala ni bathala na si David na walang kaalam-alam na pinsan ka lang sa papel ngunit Hindi sa dugo. Kaya nga kumikinang ang mga mata ni Niel sa iyo eh, kasi Hindi ka niya tinuturing na pinsan. " Umiling siya. "Tsk. Bahala ka nga. May pasok pa ako. Maiwan na kita." "Kita mo to, hoy, magkapareha lang kaya tayo ng schedule! " Hindi nya ito inabala pa na pansinin dahil nakuha nito ang atensyon nya sa mga sinabi nito. Sa lahat ng mga pinsan nya sa nayon, tanging si David lang ang walang alam tungkol sa tunay na pagkatao nya dahil puro trabaho at girlfriend at pamilya lamang ang inaatupag. O baka may alam nga si David ngunit wala lang itong pakialam dahil ang turing lang naman sa kanya ay nakakabatang pinsan. Hanggang pinsan lang. 'Bakit ba kasi ako umasa?' Napabuga na lamang siya ng hangin at tinahak ang daan ng klassroom nya. "NIEL? KAKOMPETENSYA KA NA BA NI Glade ngayon sa pagbebenta ng polvoron? " Naitanong ni Tessa ng makita nya si Niel na nagbebenta ng mga polvoron sa mga kaklase nya. "Hindi noh. Tinutulungan ko lang siya." Napatingin sa pinto si Tessa at sa kilid ni Niel. "Hindi mo siya kasama? " "May klase pa iyon. Kaya ako na ang nag-abala na ipaubos ito." Pinagkibitan nya ito ng mga kamay. "Wala kang iniisip na masama?" Inilagay ni Niel sa bulsa ng polo nya ang kinita nya at pinaningkitan ito ng mga mata. "Ma'am, sa gwapo kong ito naisipan mo talaga na gagawa ako ng masama? " "Malamang." Napakurap ito sa narinig. "Kahit kailan wala akong gagawing masama sa babaeng gusto ko. " Napansinin nito ang bahagyang pagbago nya ng ekspresyon. "Talaga lang? " "Baka ikaw ——meron. Hindi ba alam mo na hindi magpinsan si Glade at nobyo mo, baka nagseselos ka sa malapit na ugnayan nila." Pumait ang ekspresyon nya. "Bawiin mo yang sinabi mo. " Inismiran lamang siya nito. "Aalis na ako, kung Hindi ka din naman bibili, inubos mo lang ang oras ko." Napakuyom siya ng mga kamay. "Sandali." "Susuntukin mo ko?" "Ang gaspang talaga ng ugali mo. " Nainis na sambit nito. "Yan ang pananaw mo, at pananaw ko rin sa iyo, ang plastic mo. " Iniwan siya nitong naiinis, napakagat siya ng labi upang maibsan ang inis nya. Plastic? Ang kapal ng gagong iyon. May dadaan sana sa kanyang tabi ng agad nya itong pinigilan. "Ikaw! " Lamang nito ang naiinis na emosyon nya. "P-po? " Natakot ito. Sinuri nya ang ito mula ulo hanggang paa. "Hindi ba magkaklase tayo? " "P-po? " May kinuha siya sa kanyang bulsa, ang kanyang wallet at inilabas nya ang sekwenta pesos na papel at ibinigay. "Ibili mo ito lahat ng polvoron sa lalakeng umalis lang kanina. Siguruduin mo na naubos mo lahat ang dala nyang paninda." "P-ero" Tututol pa sana ito ngunit na nya ito pinagpatuloy oa sa pagsasalita. "Kilala mo ko, Kaya alam mo rin kung ano ang mangyayari sa iyo kapag Hindi mo sinunod ang utos ko." Nagpatinaod ito na pilitan na sinunod ang utos nya. **** "SALAMAT." Ngumiti sa kanya si Pako. "Walang anuman. Basta para sa iyo. " Ibinilang nya ang kinita nito ngunit napakunot ang noo nya. "Bakit ang labis-labis ng binigay mo? Dalawang daan lang ang ibinigay ko ah. Hindi kaya nasali ang baon mo? " Ibinigat nya agad ang sobra nito sa perang dala nito. "Kompleto sa wallet ko ang pera ko. Wala akong baon na nasali sa mga binibilang mo. Sadyang yan talaga ang kinita mo. May panghuli na kustomer na bibili sana ng singkwenta kaso, iilan na lang ang natira, susuklian ko sana siya kaso kumaripas ng takbo matapos makuha ang polvoron sa mga kamay ko. " "Ibalik mo itong sobra sa kanya," "Tiyak wala na iyon sa school sa mga oras na ito. Kanina pang umaga nagsiuwian ang mga studyante sa third year. " "Basta ibalik mo ang sobra bukas." Agad Itong sumaludo sa kanya. "At dahil sa naubos mo ang paninda ko, ililibre na lang kita nga fishball kay aling Emma. " Lumawak ang ngiti nito at sumunod sa kanya. Maraming nagsisibilihan sa tindahan ni aling Emma at matatagalan pa sana sila kung hindi sumingit itong si Pako at nagpapapiling gwapo na bumibili. At parang umeepekto naman sa mga bumibili dahil sumisikdo ang mga puso nito. Napailing na lang siya. Napatingin siya sa buong paligid habang nagtutusok ng fishball si Pako. Napakunot ang noo nya ng may nakita siya sa loob ng dekableng tindahan ni Manong Rocell. Nakatalikod lang ito ngunit kilala nya ang bulto nito. "David? Anong ginagawa nya sa loob?" May isang stick na may sampung fishball ang lumantad sa harapan nya at natakpan nito ang taong tinatanaw nya kanina. "Kung makatingin ka sa kanya parang nobyang nahuli ang nobyo ah! " Panunukso sa kanya ni Pako. Mukhang napansin rin nito si David. "Wag ka ngang magbiro ng ganyang Pako! Hindi na yan nakakatawa. Kilabutan ka nga. " Umakto siyang nandidiri sa sinabi nito at iniwas ang tingin sa papalayong bulto ni David. Natawa lang sa kanya si Pako at ibinigay sa kanya ang Fishball. Tinanggap nya ito at lumamon. "Hindi ba si David iyon?" Narinig nyang usal ni Pako habang punong-puno ang bibig. "Lunukin mo na ngayang nasa bibig mo." Naiinis na usal nya ngunit matigas ang ulo ni Pako, sa halip na sundin sya ay nagsalita pa ito habang tinuturo ang direksyon ni David. Napatingin sya sa pwesto ni David at ganon na lamang nawala ang panlasa nya ng lunukin nya ang fishball nang makita nya kung sino ang kasama nito. Si Tessa. "Tsk. Kahit kailan talaga, iba ang aura nya kapag si David ang kasama. Sobrang plastic. " Narinig nyang usal ni Pako sa kanyang tabi. Si Tessa, ang tanging Nobya ni David. Ang tanging anak ng mayaman na si Don Ramon na pumatol kay David. Ang tanging taong may alam sa tunay na pagkatao nya at ang masaklap, ang taong nakapagpatibok sa puso ng taong lihim na hinahangaan nya. "Bakit ang taas-taas ng dugo mo sa kanya? Mabait naman si maam Tessa. " Pinaningkitan siya ng mga mata ni Pako. "Mabait kung sa inyong dalawa, pero sa kagaya ko na kasing lebel nya ang buhay, pinagsakluban kami ng langit at lupa sa inis. Hinding-hindi talaga aayon ang dugo ko sa kaplastikan nya."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD