bc

THE SECRET ADMIRER (Tagalog)

book_age16+
1.6K
FOLLOW
8.0K
READ
billionaire
fated
friends to lovers
kickass heroine
brave
sweet
bxg
office/work place
first love
Writing Academy
like
intro-logo
Blurb

Gaya ng karamihan ay hindi nakaligtas si Anna mula sa isang mapanakit na cycle ng pag-iibigan. Nagmahal. Binuntis. Iniwan. Sa kagustuhang makabangon muli, gumawa siya ng paraan upang muling makapag-aral at nakilala niya sa unibersidad si Omar Alvarez. Pinagtagpo silang dalawa bilang magkaibigan ngunit humantong sa pag-iibigan. Kaya lang ay takot silang aminin ang kanilang tunay na nararamdaman hanggang sa muling bumalik ang mga taong nanakit sa kanilang dalawa.

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
Sa probinsya namin, bawal ang pasaway, bawal bigyan ng kahihiyan ang mga magulang, bawal ang tatamad-tamad, at ang pinaka-bawal ay ang makipagnobyo habang nag-aaral pa. Araw-araw kong naririnig mula kay Tatay ang linyang 'yon. May mga panahon na tinatakpan ko na lang ang aking taynga dahil naririndi na ako sa kanyang mga bilin sa akin. Oo nga at nakakapagod pakinggan ang paulit-ulit na pangaral ng aking ama, pero wala nang mas hihigit pa kay Nanay. Kasi, hindi lang naman ako ang pagsasabihan niya, pati na rin si Tatay. Hanep naman talaga ang aking nag-iisang ina, eh. Hindi napapagod sa gawain nito kada umaga, na tuwing naglilinis ng bakuran, ay patuloy rin ang pagputak ng bibig nito. Para itong inahin na pinagtaksilan ng kanyang tandang, putak ng putak.  "Ma, shhhhhh. Nakakahiya sa mga kapitbahay," isang umaga ay sinita ko siya dahil napansin ko ang aking crush na papalapit na sa bahay namin. 'Yong bahay kasi namin na yero ang bubung at plywood naman ang dingding ay walang gate. Hindi naman kasi uso ang maglagay ng gate sa lugar namin.  "Aba'y dapat lang na mahiya ka sa pinagagawa mo! Ang bata-bata mo pa ngunit wala kang ibang inatupag kundi ang magbasa ng mga pocketbook! Kung hindi pa nabanggit ni Peryang sa akin na may utang ka sa kanya, hindi ko pa malalaman!" Sigaw nito. "Pero Ma, tres singkwenta lang naman ang utang ko sa kanya. At bakit ko pa kailangang sabihin sayo eh kaya ko namang bayaran 'yon," hindi na ako nakatiis at sinagot siya. "At saan ka naman kukuha ng pambayad, aber? Kung alam mo lang kung gaano kahirap kumita ng pera, tapos, gagamitin mo lang sa mga walang kwentang bagay! Sabihin mo nga sa akin kung ano ang matutunan mo diyan sa mga pocketbook na nirerentahan mo mula kay  Peryang? Sagot!" umuusok na ang kanyang ilong, kaya humanda na akong umalis mula sa kanyang harapan at baka ihagis niya pa sa aking ang hawak niyang walis-tingting. "Basta meron. Hindi mo lang maintindihan dahil hindi ka maka-relate," sabi ko at nagmamadaling lumabas ng bahay upang makasabay sa paglalakad si Eugene. Nilapitan ko si Itay na abala sa pagpapakain ng aming mga alagang manok. "Tay, alis na po ako ha. Ikaw na lang po ang magsabi kay Inay, alam mo naman, busy pa siya eh."  "Ewan ko sa inyong dalawa, lagi na lang kayong nagtatalo. Basta wag na wag mong kalimutan ang mga bilin ko sayo, bawal makipag-nobyo habang nag-aaral ka pa, lalong-lalo na kay Eugene." "Itay naman, sus, alam mo namang crush ko lang si Eugene, eh. At hanggang doon lang iyon. Ibahin mo ako, Tay. Ano naman ang mapapala ko kay Eugene kung kami ang magkatuluyan? Eh di, forever na rin akong maging mahirap?" Totoo ang sinabi ko kay Itay. Gaya namin, pagsasaka at pangingisda lang din ang hanapbuhay nina Eugene. At di hamak na mas mahirap pa ang lalaki kaysa sa akin dahil marami itong mga kapatid. Samantalang ako ay nag-iisa lang. Ganunpaman, nagtataglay ng kagwapuhan ang binata na nagpapatibok ng aking puso. "Naku, bata ka. Huwag kang manghusga ng kapwa, hindi natin alam kung ano ang magiging kapalaran ng batang 'yon." "Shhhh, parating na si Eugene Tay, bye bye. Ay oo nga pala, dagdagan mo naman ang baon ko Tay, please? Huwang kang tumanggi kasi alam kong ibininta mo kahapon ang ilan sa mga manok natin." Kinagat ko ang aking labi habang hinihintay na dukutin ng Itay ang kanyang pitaka. Kumuha ito ng bente-pesos at ibinigay sa akin.  "Sobrang-sobra na yan para sa snacks mo, ibili mo rin ng makakain mamaya si Eugene." Actually, iyon din naman ang gagawin ko kahit hindi pa ako pagsabihin ng Tatay. "Good morning, Eugene. Sabay na tayo?"  As usual, hindi ako sinagot ni Eugene. Ikinibit lang ang balikat nito at mas lalong binilisan ang paglalakad. Nagkukumahog akong habulin siya. "Ang bilis mo namang maglakad, may humahabol ba sayo?" "Meron. Ikaw." Sagot ni Eugene. "Grabe ka naman. Para sumabay lang sayo, magagalit ka na kaagad." Hindi ko inasahan ang malamig na pagtrato ni Eugene sa akin. Noong biyernes, nakikipagkwentuhan pa naman ito sa akin habang pupunta kami sa school. Dalawang araw lang nakalipas at bigla ng nagbago ang binata. Bakit kaya? "Ana, hindi ka ba napapagod sa ginagawa mo?" "What do you mean, Eugene?" Maarte kong sagot sa kanya. "Hetong ginagawa mo. Araw-araw, nag-aabang ka sa akin at sasabay papuntang school. Tuloy, inakala ng mga kaklase natin na magkasintahan tayo!" Medyo may bahid ng galit ang kanyang boses kaya naalarma na ako kung ano ang pinagpuputok ng butse ng lalaki. "So what? Mali naman ang akala nila. " Pero lihim akong natuwa at ganun  pala ang akala ng aming mga kaklase, eh di mabuti.  "Dahil sa maling akala nila, hindi na ako pinansin ni Paula. Ni hindi na nga siya nagreply sa mga text ko!" Aba, aba, aba! At si Paulang malandi lang pala ang dahilan kung bakit bad mood ang aking crush. At nagdrama pa ang bruha! Kumbaga, nagseselos ito? Ha, sinong niloko nito? At ito namang si Eugene, gwapo sana tatanga-tanga naman. Hindi ba nito napapansin na pinaglaruan lang siya ni Paula? "Alam mo, masyado kang OA sa totoo lang. Pinagtitripan ka lang naman nina Paula, eh. At naniwala ka naman na may gusto siya sayo? Gumising ka nga, Eugene! Hindi mo pa rin ba gets ang lahat?" "Na ano? Na ginagawa lang ito ni Paula dahil naiinggit siya sayo? Ikaw ang gumising, Ana. Bakit, ano ba ang meron ka na dapat kainggitan ni Paula? Kung matalino ka, matalino rin naman siya. Kung maganda ka, mas maganda naman siya sayo. Kung tutuusin, mas lamang pa nga si Paula sayo dahil nasa abroad ang mga magulang niya." "Eh di wow naman! Lumabas rin ang tunay mong ugali, mukha kang pera!" Dahil sa galit, itinulak ko si Eugene at mabilis na naglakad mag-isa papuntang eskwelahan.  Hanggang sa classroom namin, kumukulo pa rin ang aking dugo dahil sa sinabi ni Eugene kanina. Muli akong lumabas sa silid-aralan at nagtungo sa canteen. "Pabili nga ho ng ice candy," sabi ko kay Queenie, ang tindera. "Siguro ka bang ice candy ang bibilhin mo?" Tinanong ako ng tindera. "Hindi pa. Sa totoo lang, parang gusto kong kumain ng ice cream ngayon din." Inirapan lang ako ni Queenie habang ibinigay sa akin ang isang ice candy na mango float ang flavor. Inubos ko muna ang ice candy bago bumalik sa classroom namin.Naabutan kong nag-uusap sina Eugene at Paula sa labas. Hindi ko sila pinansin at dumiretso na ako sa aking upuan.  Bago nagsimula ang first subject namin, tumayo si Paula at nagsalita. "Guys, listen. Gusto ko lang malaman ng lahat na kami na ni Eugene!"  Wow,  naisip ko. Sila na kaagad? Ang bilis naman yata?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Spending Night With The Millionaire (TAGALOG-18+)

read
398.3K
bc

Mistaken Identity Tagalog Story

read
64.5K
bc

UNDERWEAR/MAFIA LORD SERIES 5/Completed

read
312.2K
bc

The Sex Web

read
134.0K
bc

The Billionaire's Forced Marriage |COMPLETED|

read
325.4K
bc

Falling for the Billionaire's Son: Dominic Ace Delavega

read
292.4K
bc

MAFIA SERIES 6: MY LORD

read
344.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook