CHAPTER 7: PASPASAN

1341 Words
CHECK UP ni Orah sa ospital, 'di siya nilulubayan ni Khal. Kahit na anong pilit niyang kumbinsihin ang binata na 'wag na siyang alalahanin, hindi pa rin ito nagtinag. Pinagtitinginan tuloy sila ng mga tao at mayroong iba na nagbubulungan pa. Akalain pang si Khal ang ama ng kanyang pinagbubuntis. "Kuya Khal, okay na ako dito. Umuwi ka na. Walang nagbabantay kay nanay," pangungumbinsi pang taboy ni Orah. "Nasa bahay si tatay. Mas maganda na samahan kita. Paano kung kakailanganin mo ang tulong ko? Wala ako cellphone, Orah. Ipapalipad mo sa hangin ang mensahe mo." Napakamot si Orah ng kanyang ulo. Napakibit na lang siya ng kanyang balikat at hinayaan ang binata sa gustong mangyari. "Orah.. May pasyente ba ditong Orah?" tawag ng nurse. "Ako po si Orah." Sabay taas ng kamay niya. Tumayo siya at nilapitan ang nurse. "Tatay, doon na po muna kayo maghintay sa labas," saad ni nurse kay Khal. Hindi napansin ni Orah na sumunod pala ang binata sa kanya. Malawak na ngumiti si Khal. Inilang hakbang niya si Orah at ipinulupot ang kamay sa beywang nito. "Sasamahan ko ang misis ko sa loob. Gusto kong makita ang baby namin sa monitor kapag nai-ultrasound." Sabi niya na kinabig pa palapit si Orah sa kanya. Sinakyan ang sinabi ng nurse. Naihilig ni Orah ang kanyang ulo na napaamang na nakatingin kay Khal. "Ano bang pinagsasabi nito ni Kuya Khal?" Untag niya sa isip. Napakurap- kurap siya ng kanyang mata. "Sige po. Dito po tayo sa loob," nakangiti nang sabi ng babaeng nurse. Iginiya ni Khal si Orah papasok sa loob ng clinic, marahan pang humaplos ang isang kamay niya sa tiyan ng dalaga. Napaigtad naman si Orah sa ginawa niya. "Magandang umaga po, doktora," bati ni Orah sa doktor. Sinalubong siya nito ng matamis sa labi. "Orah... magandang umaga naman sa'yo." Napabaling ng tingin si doktora sa kanyang tabi. "Kasama mo pala si Khal." Napalingon si Orah kay Khal na nagtatanong ang kanyang tingin. Magkakilala pala si doktora at si Khal. Akala niya ay sa palengke lamang matunog ang pangalan ng binata. "Kumusta po, doktora?" "Mabuti naman. Maupo kayong dalawa," sagot nito at paanyaya. Tumalima sina Orah at Khal. "Excited na ba kayong makita ang anak n'yo?" Nagkatinginan sina Khal at Orah. Babarahin na sana ni Orah si doktora nang unahan siya ng binata. "Opo, doc. Sa katunayan nga po hindi ako nakatulog kagabi sa kaiisip sa baby namin ni Orah," sagot ni Khal na hinawakan pa ang kamay ng dalaga. Babawiin sana ni Orah ang kanyang kamay nang mas hinigpitan ng binata ang pagkakahawak sa kanya. Napaismid na lang si Orah sa tinuran ni Khal. Pinanindigan ang pagsisinungaling na ama ng kanyang dinadala. "Okay. Ipapahanda ko lang ang machine at tatawagin ko na lang kayong dalawa." Tumayo si doktora Nang makaalis si doktora ay binawi ni Orah ang kamay sa pagkakahawak ni Khal. Napatingin ang binata sa kanya na sinusuri ang kanyang ekspresyon. "Kuya Khal, bakit mo sinabi 'yon?" "Anong problema do'n? Kung sinabi ko man 'yon. Walang namang masama, di ba?" Balik na mga tanong ni Khal. Wala namang masama dahil totoong excited siyang makita anak ni Orah. Marahas na napabuntong hininga si Orah. Hindi ata siya mananalo sa sarado ang isip. Ang kulit kasi ni Khal. Puwede namang hindi na niya dugtungan ang sinabi ng nurse at ni doktora? Bakit kailangan pang sakyan at ituloy ang pagsisinungaling? "Eh, 'di naman ikaw ang ama ng baby ko. Nakakahiya kung may ibang makarinig at ayokong samantalahin ang kabaitan mo, Kuya Khal." Natahimik si Khal. Nasaktan siya sa sinabi ng dalaga. Wala siyang masamang intensyon sa pagsagot sa kanila. At hindi niya inaako ang anak ni Orah. Ang sa kanya lamang ay gusto niyang makatulong para hindi siya uriratin ng iba tungkol sa ama ng kanyang dinadala. "Pero, iyon lang ba talaga, Khal?" Kastigo ng sariling isip. "Halina kayong dalawa," tawag ni doktora, dahilan upang mapahinto sila at sabay na mapalingon. Inalok ni Khal ang kanyang kamay kay Orah, ngunit umiwas ito. Napilitang sundan na lamang ni Khal ang dalaga habang napapailing. "Humiga ka na, Orah," utos ni doktora nang may maamong tinig. "Khal, paki-alalayan ang misis mo." Ngumiti siya nang bahagya habang nakatingin sa binata. Agad namang inabot ni Khal ang kamay ni Orah, habang ang kabilang kamay niya'y marahang sumuporta sa beywang nito. Gusto mang magreklamo ni Orah, pero pansin niyang walang silbi ang kanyang pagtutol. Kaya hinayaan na lamang siyang alalayan ng binata. Nang maayos nang nakahiga si Orah, nilagyan ng doktora ng gel ang kanyang tiyan at maingat na inilapat ang transducer. Nang marinig nila ang ritmo ng tunog sa kanyang tiyan. "Naririnig mo ba ang heart beat ng baby mo, Orah?" Napangiti si Orah habang naluluha. Marahan siyang tumango kay doktora. Iba ang hatid na damdamin ng tunog ng pintig ng puso ng kanyang sanggol. May bumalot na saya sa kanyang dibdib. Iyong saya bilang isang ina. "Ayan na si baby." Anunsyo ni doktora. Sabay na napatingin sina Khal at Orah sa malaking screen na nasa unahan nila. Wala sa loob na napahawak si Khal sa kamay ni Orah. Mas humigpit pa ang hawak ng dalaga sa kanya habang ang mata ay nasa screen. "Congratulations sa inyong dalawa. Baby girl ang baby n'yo," masaya pang bati ni doktora kasabay ng pag-anunsyo ng gender ng sanggol na isisilang ni Orah. Lumuluhang natigilan si Orah nang bigla siyang niyakap ni Khal. "Babae ang magiging anak natin..." Para siyang naging tuod at hindi kaagad nakapag-react. Naramdaman naman ni Khal ang paninigas ng katawan ng dalaga. Pagkatingin niya sa dalaga ay titig na titig ito sa kanyang mukha. "Healthy ang baby n'yo. Basta ituloy mo lang ang pag-inom ng vitamins mo, Orah, at para sa baby mo." "Maraming salamat po, doktora," pasasalamat ni Orah na umaktong normal sa harapan nito. Kahit 'di na natigil ang ang pagtambol ng kanyang dibdib sa kaba. 'Di pinapansin ni Orah si Khal, simula 'nong makauwi sila ng bahay. "Khal, anong nangyayari kay buntis? Bakit ang tahimik?" Napapansing tanong ni Isagani sa anak. Napatingin siya sa puwesto ni Orah, nakaupo ito sa upuan habang may nginangatang mani. Nasa tabi ng dalaga ang kanyang nanay na sinusubuan ni Orah ng tinapay. "Galit po sa akin." Mahinang bulong niya na mas lumapit pa sa ama. Tumayo si Isagani at sinenyasan si Khal na pumunta sa labas ng bahay. Magkasunod ang mag-ama na lumabas. Pumunta sila sa katapat na tindahan. "Aling Maria, isang bilog nga. Samahan mo na ng chitcharon at suka. Pahiram na din ng baso," sabi ni Isagani sa tindera. Mahaba- habang kwentuhan ito kaya sasamahan na nila ng inumin. Naupo si Khal sa bakanteng upuan sa harapan ng tindahan. At nang maibigay kay Isagani ang binili ay inilapag niya ang bote. "Anong problema ninyong dalawa?" Panimulang tanong ni Isagani. Binuksan ang kanilang inumin at tinimpla. "Sinamahan ko sa ospital. Check up niya kanina. Nagalit, inaako ko raw ang anak niya." Nangingiti naman si Isagani sa narinig. Malakas niyang tinapik sa balikat ang anak. "Magaling ka talagang pumili, anak. Pero parang tagilid ka." "Ho? Bakit naman po tagilid?" "Naisip mo ba kapag dumating ang lalaking nakabuntis kay Orah?" Alanganin na umiling si Khal. "Kitam... sa akin walang problema kung nagugustuhan mo si Orah at magugustuhan ka din niya. Ang problema ay ang tatay ng dinadala niya. Paano kung isang araw dumating 'yon? Pagkatapos, sasabihin niya... sorry. Naku, baka biglang sumama 'yan. Iyon ang ama ng anak niya." Napasalin si Khal ng alak sa baso at tinungga. "Wala na po siyang karapatan sa mag-ina ko..." madidiing sabi ni Khal na ikinalapad ng ngiti ni Isagani. "Iyan ang anak ko. Bakuran mo na kaagad. Baka bumalik nga 'yon ungas na 'yon at maunahan ka pa. Aba'y malalayo ako sa apo ko. Hindi ako makakapayag nun." Tumango- tango si Khal sa sinabi ng tatay niya. 'Di rin ari sa kanya ang ganoon. Pagkatapos iwanan si Orah, babalik sa oras na makapanganak. Ano siya hilo? Gagawin niya ang lahat para maging kanya si Orah. Kung ayaw, daanin sa paspasan. "Uminom pa tayo!" Bulalas ni Isagani kay Khal.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD