AGENT MHARIMAR’s POV Nananatili akong nakatayo sa gitna ng sala, hawak ang baril ilang beses kong inikot-ikot iyon. Simula pa kanina sa safehouse ni Nikolai hanggang byahe tahimik nakarating na lang kami dito sa mansion niya pero hindi pa rin siya nagsasalita. Ang buong katawan ko nanginginig, pero hindi ko alam kung dahil sa galit o sa sakit. Sa harap ko, malamig na tingin ni Nikolai sa akin na may tinatago; sa gilid, nakatayo si Akeezsha, nakapamewang, para bang siya ang reyna ng larong hindi ko maintindihan. Pakiramdam ko ako ang outsider sa kanilang dalawa. Parang may mabigat na nakadagan sa dibdib ko. Parang lumiliit ang mundo sa pagitan naming tatlo. Pakiramdam ko naninikip ang dibdib ko. Ilang beses nang humugot ng buntong hininga si Nikolai pero hindi parin siya nag sasalita. An

