NIKOLAI’s POV Nagdesisyon akong mag-scout. Kasama si Bogs, dahan-dahan kaming gumapang papalapit sa bakod, habang si Migo ay nanatili sa likod para i-monitor ang feed ng drone. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Ilang dasal na ang nagawa ko para sa kaligtasan ni Mharimar. Narinig namin ang mahihinang usapan ng mga guwardiya. “Boss said the girl is more valuable alive. Make sure nobody messes this up.” Parang binuhusan ako ng malamig na tubig. Girl. They’re talking about her. Pero bago ko pa magawang makalapit nang husto, biglang nagliwanag ang paligid. May floodlights na biglang bumukas, at sabay-sabay na sumigaw ang mga guwardiya! “WE’VE GOT COMPANY!” Sunod-sunod ang putok ng baril. Agad akong tumakbo pabalik sa SUV, sabay ganti rin ng putok pabalik. “Cover fire!” Malakas na sigaw ni

