AGENT MHARIMAR’s POV NANG BUMALIK ang malay ko, halos wala akong maaninag dahil sa sobrang dilim. Mabaho ang loob ng kwartong kinalalagyan ko. Amoy langis at pulbura na umaalingasa mula sa mga baril ng mga taong nakapaligid sa akin. Mahigpit ang tali sa aking mga kamay, at ang piring na nakatakip sa mga mata ko ay sobrang higpit at ramdam ko ang hapdi sa aking balat. Hindi ko alam kung gaano kami katagal sa byahe, pero ramdam ko na nasa secluded area ako. Na kahit sumigaw ako ay walang makakarinig sa akin. Nanginginig ang katawan ko. Pilit kong pinipigil ang aking luha, pero kusa itong tumutulo. Ramdam ko ang mga kamay ng dalawang lalaki sa magkabilang gilid ko ay parang bakal na nakadikit, handang pigilan ang kahit anong galaw ko. Ang isa sa kanila, dumukot ng sigarilyo at nagsindi. Nar

