AGENT MHARIMAR’s POV ANG DAMI naming napag usapan ni mama, isa na doon ang pagkawala ni Mikaela. Parang bumaha ng isang balding luha ang ilang oras naming pag uusap. Puso sa puso. Ina sa anak at anak sa ina. Those words are uplifting. Iyong, gustong-gusto mong marinig kahit gaano pa kahirap ang misyon ko. Iyong mga salitang papawi sa takot at may isang liwanag na sasalubong sa akin at yayakapin ako. “Salamat ma’am ma,” ngumiti siya sa akin. Hilam ang luha sa kanyang mga mata. “Ikaw na lang ang meron ako Mharimar, sana mapatawad mo si mama sa lahat ng masasakit na salitang binitawan ko. Alam kong nasaktan, kita anak.” Kinuha ko ang kamay niya at niyakap iyon ng aking mga kamay at humarap sa kanya. Ngumiti ako habang patuloy na umiiyak. Wala eh, hindi ko mapigilan ang mga pasaway kong lu

