AGENT MHARIMAR’s POV Madaling araw na. Hindi ko na alam kung ilang oras na akong nakaupo rito. Hindi rin ako makatulog. Parang bawat pitik ng segundo, dumadagundong sa tenga ko. Parang sirang plaka ang paghingi sa akin ni Nikolai ng tawad, bago pa man dumating ang mga kaibigan ko, at si General Maximus. Nakaupo ako sa tabi ng kama ni Nikolai, nakasandal sa upuan, hawak ang tasa ng kape na matagal nang lumamig. Pinagmamasdan ko lang siya ang pag-angat at pagbaba ng dibdib niya. Ang oxygen mask, ang mga tubo, at ang puting benda sa ulo niya. Sobrang tahimik. Halos nakalimutan ko na ring huminga nang bigla siyang kumilos. Umangat ang kamay niya, mabagal, parang mabigat na bato. Nagmulat siya ng mata. Mabagal, parang hirap. Pero sigurado ako gising siya. Kanina noong umalis General Maximu

