AGENT MHARIMAR’s POV “H—hey,” namamalat na boses ni Nikolai at niyugyog ang balikan ko. “Nik?” Namamaos kong tawag sa kanya. Ang putla ng labi niya at tuyong-tuyo iyon. Mabilis akong tumayo at Nagsalin ng tubig sa baso. Inalalayan kung itaas ang headboard ng kama niya. Para makainom siya. Halos maubos niya ang isang baso. “Petals…” Tawag niya. “Shh…” Saway ko. Ayoko muna siyang magsalita. Kailangan niya pahinga. Pinunasan ko ang bibig niya. Hinuli niya ang kamay ko at lumapat doon ang labi niya. Agad akong nag iwas ng tingin. “Galit ka pa rin ba sa akin?” Tanong niya. Hindi ako sumagot, pero tumango ako. Umatras ako at humakbang papunta sa bintana. Wala na namang view doon pero feeling sa mga oras n ito iyon ang pinaka magandang tanawin sa paningin ko. Mahabang katahimikan ang

