AGENT MHARIMAR’s POV Hinablot ko ang braso ni Akeezsha sa gitna ng pag-igkas nito. Binalya ko malakas, ginamit ko ang aking buong bigat sa tubig laban sa kanya sabay-ikot. Mariing ang hawak-kamay ko sa kamay niya, galit-laban-galit, umiikot kaming dalawa parang nabubuhol na mga isda sa lambat. Nagka palitan kami ng puwesto. Malakas na sinipa niya sa tiyan ko. Nabilaukan ako sa alat tubig ng dagat. Pero sa pag baling ko, nakita ko ang isang lumang bakal na kahon sa ilalim, nakakadena sa poste ng pier, nilalamon ng lumot. Steel case. Marka ng isang crest na pamilyar sa akin—Rynbakov sigil. Ledger? Footage? Pirma? Ito ang totoo. Ito ang hinahanap nila. Ito ang dahilan kung bakit ako dinala dito. Bumulusok papunta sa akin si Nikolai at itinaas ako…nilagay ang kamay niya sa likod ng ulo

