AGENT MHARIMAR’s POV ILANG ORAS din kaming naglaro ni Mikaela. Ilang oras din akong sumulyap sa silid ni Mama kung lalabas siya pero wala. Hanggang nagpasya na akong umalis. Ang bigat sa dibdib ko na haharap ako sa misyon na iiwan ko ang pamilya, pero hindi ko alam kung tama pa ba ang pinaglalaban ko. “Bunso aalis na si Ate ha? Dadalaw rin ako sa puntod ni Papa.” Malamyos kong saad. Lumungkot man ang mukha niya pero ngumiti pa rin. Parang hindi dumaan sa sakit. Iyong ngiting inosente. Madalas gusto ko tanungin ang Diyos bakit si Mikaela pa. “Mag ingat ka lagi ate, tsaka sana tawagan mo ako lagi, para hindi kita masyadong mami-miss ha?” Pilit akong ngumiti, at tumango. Tumayo ako at kumatok sa pintuan sa silid ni mama. Marahan kong binuksan iyon. Ni kaluskos ng hangin ay wala akong

