NIKOLAI’s POV Nakaupo ako sa loob ng sasakyan, nabibingi ako sa sobrang katahimikan sa loob. Pero ang t***k ng puso ko parang bagyo. Tahimik pero ang hininga ko ay tila ba hinahabol iyong habol na nakakapanuyo ng lalamunan. “She didn’t even say ‘stay. Hindi man lang niya ako pinilit.” Pinikit ko ang aking mata habang paulit-ulit kong naririnig ang sakit na naramdaman ni Mharimar, sa puntod ng tatay niya and it’s killing me. I am so f*****g scared. Paano kung malaman niya ang totoo, matatanggap pa kaya niya ako? “Bring me to my jet.” Utos ko sa tauhan ko tumango lang siya. Ilang minuto na sa kabilang parte na kami ng NAIA kung saan naka park ang lahat ng mga private jet. Mabilis akong umibis ng sasakyan at umakyat sa nakababa na ang hagdan. Malalaking hakbang ang ginawa hanggang sa maka

