bc

Teacher Gangster

book_age18+
559
FOLLOW
7.6K
READ
possessive
kickass heroine
student
gangster
drama
bxg
mystery
highschool
school
teacher
like
intro-logo
Blurb

(Los Solteros De Calientes Series 4)

Great pretender hides deepest pain.

---

Kung ang magpanggap bilang isang estudyante ay ang tanging paraan ng dalawampu't anim na taong gulang na si Peachy Gallego upang mabigyan ng hustisya ang misteryosong pagkamatay ng kaniyang pamangkin sa mismong paaralan, ay hindi siya nagdalawang-isip na gawin ito kahit na alam niyang delikado.

Sa tulong naman ng dating gangster na ngayon ay isa na sa pinakamabait na guro na si Raegan Calientes ay matutuklasan ni Peachy ang totoong dahilan ng biglaang pagkamatay ng kaniyang pamangkin.

Ngunit paano kung ang mas madilim pang sekreto ng paaralan ang matuklasan nila?

Ilalagay ba nila sa panganib ang sariling mga buhay alang-alang sa mga estudyante? O mas pipiliin nilang iligtas ang mga sarili?

Pag-ibig ba ang magliligtas kay Peachy mula sa kalungkutan? O ito ang magiging sanhi upang mas lalo siyang malugmok?

chap-preview
Free preview
Prologue
HINDI ko maalis ang tingin ko sa aking pamangkin na si Kira habang mahimbing pang natutulog. Ilang araw ko ng napapansin na tanghali na siya kung magising na parang tamad na tamad at ayaw ng pumasok sa eskwelahan. Hindi ko tuloy mapigilang mag-aalala na baka may problema siyang ayaw sabihin sa akin. Napatingin ako sa hello kitty digital clock na nakapatong sa kaniyang table at napabuntong-hininga dahil alas siyete na. Maya-maya lang ay parating na ang school bus na susundo sa kaniya. “Kira?” marahang gising ko at inalog siya nang bahagya. “M-mommy,” daing niya at bumangon. “P’wede ba akong um-absent ngayong araw?” Kumunot ang noo ko at hinaplos ang kaniyang pisngi. “Kira, hindi ba may exam ka ngayon?” Nanlaki ang mata niya at napangiti dahil mukhang nakalimutan niya iyon. Napakamot lang siya sa batok at tumango na lang. Ngumiti na lang ako at lumabas ng kwarto saka naghanda ng almusal niya. Ilang minuto nang lumabas si Kira sa kwarto at sa halip na umupo para kumain ay dumiretso siya sa pinto kung saan ay ang daan papunta sa Dojo Gym. Sumunod ako sa kaniya at hinawakan siya sa balikat. “Kira, p’wede kang lumiban kung hindi maganda ang pakiramdam mo,” saad ko. Matapos niyang masout ang kaniyang sapatos ay humarap siya sa akin saka ngumiti nang matamis. “Mommy, papasok po ako. Paano ko masusungkit ang first honor kung a-absent ako kung kailan exam?” I sighed. “Okay ka lang ba?” “Oo naman po—“ “Kira, hindi ka man galing sa sinapupunan ko, pero bilang tita-mommy mo ay alam ko kung may problema ka,” saad ko at hinawakan siya sa magkabilang kamay. She sighed. “Mommy, okay lang po ako! Nakakapagod lang po ang P.E. namin,” paniniguro niya. Inalis niya ang kaniyang strawberry hairclip at inilagay iyon sa aking buhok. “Mommy, magbihis ka naman ng pangbabae, para magka-boyfriend ka na!” “Hindi ko kailangan ng jowa, Kira. Ikaw lang ang dahilan kung bakit ako nagsisikap. Ikaw ang pinakamamahal kong pamangkin,” sagot ko at hinawakan siya sa pisngi. “Umuwi ka agad ha, kakain tayo sa labas para sa ika-labingpitong kaarawan mo bukas.” “Really!” she exclaimed. I nodded and kissed her forehead. “Lagi kang mag-iingat, ha?” Sunod-sunod siyang tumango at humalik sa aking pisngi saka tumakbo palabas na ng Dojo Gym. Lumapit naman ako sa bintana kung saan kitang-kita ko si Kira na kumaway pa sa akin bago sumakay ng school bus. Napapailing akong ngumiti at napatingin sa itaas na parte ng gym kung saan nakasabit ang litrato ng mga magulang kong nagpatayo ng Dojo Training Center at ng mga magulang ni Kira na isa sa mga nagbigay ng parangal sa gym. Ang mga magulang ni Kira ay mga black belter pagdating sa taekwondo at martial arts. Hindi nga lang iyon naman ni Kira dahil mas gusto niya maging beauty queen. Why not? My niece got the looks, brain and class. She’s the smartest in her class and I’m so proud of her. Napabuntong-hininga ako at lumabas ng gym saka tumungo sa mailbox para kunin ang mga letter doon. Katulad pa rin ng mga nakaraang araw, wala pa ring bagong enroll na estyudyante sa Dojo Training Center. Ang laman ng mailbox ay puro loan repayment notice, water disconnection at over dues notice ng kuryente. “Hay nako,” reklamo ko na napapailing. Wala na atang may gustong matuto ng self defense ngayon dahil puro bodyguard na lang ang inaasahan. Pumasok na ako ng gym at nagsimulang maglinis kahit wala namang pumupunta dito. Ilang oras din ang ginugol ko sa paglilinis at nang matapos ay nag-ensayo na rin ako para kahit papaano ay maunat ang aking mga buto. Feeling ko kasi matanda na ako kahit twenty-six pa lang ako. “Tao po!” Natigil ako sa pagpa-practice nang marinig ang sigaw sa entrance ng gym. Napatingin pa ako sa wall clock at napakunot noo nang makitang halos lunch time na pala. Lumapit ako sa pinto saka binuksan iyon. Pulis? Anong ginagawa ng pulis dito? “Ano pong sadya nila?” tanong ko at tumingin sa paligid. “Ako po si Officer Monzon. Ikaw po ba ang guardian ni Kira Gallego?” Lalong lumalim ang kunot ng noo ko at dahan-dahan na tumango. Kumabog nang malakas ang aking dibdib dahil sa kaba na hindi ko maipaliwanag na dahilan. “P-pamangkin ko po siya.” “Huwag po sana kayong mabibigla pero, wala na po ang pamangkin niyo. Nagpatihulog po ito sa gusali ng eskwelahan at dead on arrival nang makarating sa ospital,” walang prenong sabi ng pulis. Natutop ko ang bibig ko at tila ba nabibingi sa balitang dala ng pulis na nasa aking harapan. Ang puso ko ay tila tumigil sa pagtibok kasunod ng panginginig ng aking mga kamay. Napailing ako at natawa na lamang. “Hindi iyan totoo, Sir. Kanina lang nag-uusap kami bago siya umalis,” saad ko at nilapitan ang pulis. “I’m sorry, Miss Gallego.” “H-Hindi p’wede, Sir. B-Birthday niya… niya bukas,” nauutal na saad ko hanggang sa tuluyang tumulo ang aking luha. “Kakain pa nga kami sa labas mamaya eh!” I can’t stop myself from crying so hard, slowly collapsing to the pavement. “Kira…” MALAKAS kong ibinagsak ang aking mga kamay sa harap ng lamesa ng pulis sa loob ng police station. Matalim ang tinging pinupukol ko sa lalaking tila tamad na tamad na nakatingin sa akin at napabuntong-hininga pa. “Bakit ganoon ang autopsy report?!” sigaw ko sa harapan nila. “Hindi ako naniniwala sa result at hihingi ako ng second opinion—” “Alam mo, Miss Gallego, nagpakamatay ang pamangkin mo kaya sa totoo lang, hindi naman na kailangan ng autopsy kasi obvious naman na ang dahilan—“ “Ako ang magdedesisyon niyon. At saka hindi gagawin ng pamangkin ko ang ganoong bagay kaya ipapa-autopsy ko ang katawan niya ulit. Mabait at takot sa diyos si Kira,” pagpupumilit ko habang mahigpit na kuyom ang kamao. Napaatras ako nang tumayo ang pulis at dinuro ako. “Miss Gallego, alam mo ba kung gaano kamahal ang magpa-second autopsy? Sa pagkakaalam ko ay baon ka rin sa utang ‘di ba?” “Gagawa ako ng paraan—“ “P’wes gumawa ka muna ng paraan at kapag may pera ka na, ako mismo ang sasama sa ‘yo para ipa-autopsy ulit ang pamangkin mo,” aniya at padabog na umalis sa kaniyang upuan. “Hay! Bwisit!” Natigilan ako at napayuko dahil totoo ang sinabi niya tungkol sa presyo ng autopsy. Bagsak ang balikat na lumabas ako ng police station at naupo sa gutter katabi ng aking scooter. Hindi ako naniniwala na magagawa ni Kira ang kitilin ang sarili dahil kilala ko siya. Ako ang nagpalaki sa kaniya, alam ko ang ugali niya. Alam ng Diyos na hindi magagawa ni Kira ang gumawa ng ganoon kabigat na kasalanan. Hindi ko napigilan ang pagtulo ng aking luha dahil sa pagkawala ng nag-iisang taong kakampi ko sa lahat. The pain will never leave me. Hindi ako papayag na hayaan na lang ang lahat at ibaon sa limot ang dahilan ng pagkawala ni Kira. Kung kailangan ako ang kumilos, gagawin ko kahit na ano pa ang maging kapalit niyon. “Miss Gallego?” Napaangat ako ng tingin at napatayo saka nagpunas ng luha. Kumunot ang noo ko nang makilala ang lalaking nakatayo sa aking harapan. Siya ang pulis na nagbalita sa akin sa nangyari kay Kira. “Officer,” sagot ko at tumikhim upang alisin ang bikig sa aking lalamunan. “P’wede ba tayong mag-usap?” “Para saan? Para ipamukha sa akin na mali ako?” Kinuyom ko ang kamao ko at mahigpit na hinawakan siya sa kaniyang damit. “Hindi nagpakamatay si Kira! Hindi siya—“ “I know, Miss Gallego.” Kumunot ang noo ko at binitawan siya. “Anong ibig mong sabihin?” Huminga siya nang malalim at mula sa bitbit niyang brown envelope ay inilabas niya ang dokumento kalakip ng isang litrato ng lalaki. Nakangiti ito at may sout na salamin dahilan para magmukha itong mabait. “Raegan Calientes,” basa ko sa pangalan ng lalaking nasa litrato. Ibinalik ko ang tingin sa pulis na seryosong nakatingin sa akin. “Anong mayroon sa lalaking ‘to?” “Raegan Calientes, isa sa mga guro sa Toricelli National Highschool,” aniya, “isa rin siyang dating leader ng gangster at sa tingin ko ay isa siya sa may kinalaman sa pagkamatay ng pamangkin mo.” Dahan-dahan ang pagkuyom ng aking kamao kasabay ng pagkalat ng galit sa aking puso. Napatingin akong muli sa litrato at tinitigan iyon nang matalim. Kung totoo nga na may kinalaman ang lalaking ito sa nangyari kay Kira ay hindi lang buto niya ang babaliin ko. “Officer, tulungan mo ako.” “Kakampi mo ako, Miss Gallego. Pero…” “Pero?” Tumikhim siya. “Isa si Calientes sa mga anak ng kilalang pamilya sa bansa. Hindi siya ganoon kadaling kalaban.” Lumapit ako kay Officer Mozon at nakipagtitigan sa kaniya nang mataman. “Walang mahirap na kalaban sa taong buo ang loob sa paghahanap ng hustisya, katulad ko,” saad ko at muling tinitigan ang litrato. Lintik lang ang walang ganti, Raegan Calientes.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
158.7K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
73.7K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
94.7K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.6K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.5K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook