Chapter 1

2318 Words
PEACHY PANAY ang tapik ko ng aking daliri sa lamesa habang hinihintay ang mga kaibigan kong sina Sasah at Gado na dapat ay alas-otso pa lang ay nandito na pero alas-diyes na ay wala pa rin. Hindi ko alam kung saang lupalop na naman ng kainan dumaan ang dalawang iyon para mag-take out ng pagkain. “Peachy girl!” Napaigtad ako nang marinig ang malakas na sigaw ni Sasah sa entrance ng gym kaya dali-dali ko silang pinagbuksan ng pinto. Nang makapasok ay agad nilang binigay sa akin ang brown envelope at naglakad papuntang kusina. Tama nga ako dahil may take-out na naman silang isang bucket ng ftied chicken. “Girl, wala ka pa ring estudyante?” tanong ni Gado. My gay friend who works as a government employee. Medyo chubby siya pero balbas sarado. “May nakita ka ba? 'Di ba wala?” naiinis kong sagot dahil kanina ko pa talaga sila hinihintay. “Ang sungit naman. Kumain ka na ba?” tanong naman ni Sasah na naglapag ng dalang pagkain sa mesa. She is my friend who is working as a waitress in a nightclub. Umiling lang ako at naupo sa dining area saka itinuon ang atensyon sa envelope. Alam kong mali itong gagawin ko pero wala na akong ibang naiisip. Huminga muna ako nang malalim at kinuha ang laman ng envelope saka tinitigan iton nang mataman. “Peachy Gallego, eighteen years old,” basa ko sa birth certificate na hawak ko. Mga pekeng dokumento na kakailanganin ko para sa plano kong pagpasok sa Toricelli National Highschool ang laman ng envelope. Huminga ako nang malalim at dumako ang tingin sa larawan ni Kira na nasa altar katabi ng mga kandila. Hindi ko mapigilan ang pagbigat ng dibdib ko nang muling maalala si Kira. Kung sana lang hinayaan ko na lang siyang matulog nang araw na iyon ay hindi sana siya nawala sa akin. “Peachy,” malungkot na tawag sa akin ni Sasah. “Hmm?” sagot ko at malungkot na ngumiti. “Wala kang sinaing?” Matalim kong tinitigan si Sasah dahil akala ko ay nag-aalala siya sa akin. Ngumiwi lang siya at bumalik sa kusina saka nagsaing sa rice cooker. Muli kong ibinaling ang tingin ko sa larawan ni Kira at napasinghot. Hindi ko napansin na tumulo na pala ang mga luha ko dahil sa pag-iisip. It’s been a year since Kira died and I can’t still move on with my life. I’m stuck. Hindi ako makakapagpatuloy sa buhay hangga’t hindi ko nabibigyan ng hustisya ang pagkawala ni pamangkin ko. “Peachy, seryoso ka ba talaga sa plano mo? Paano kung mabuko ka? Alam mo, maghanap na lang tayo ng totoong police na makakatulong sa atin,” nag-aalalang suhestiyon ni Gado. “I second emotion, Peachy,” dagdag ni Sasah. “I second that motion kasi 'yon, Sas! Ayan na naman tayo sa english mo e,” ani Gado na nagpapaypay pa. “Judgerist ka! Syempre, emosyonal ako e, kaya kaya emotion!” sagot naman ni Sasah. Huminga naman ako nang malalim at napapailing na lamang dahil sa pagbabangayan nila. Mukha man silang laging nag-aaway, pero sila ang mga kaibigan kong kahit ata sa kulungan sasamahan ako. “Huwag na kayo mag-aalala,” singit ko sa pagbabardagulan nilang dalawa. “Tutulungan ako ni Officer Monzon para hindi ako mabuko. He offered me help and when I suggested my plan, he agreed,” sagot ko at mariing kinuyom ang aking kamao. "Kailangan kong makuha ang hustisya para kay Kira kahit na kalabanin ko pa ang isa sa anak ng pinakamayamang pamilya sa pilipinas." "Hindi basta-basta ang Calientes, Peachy," nag-aalalang sagot sa akin ni Sasah. “Alam mo bang langgam lang tayo sa paningin nila.” “Alam ko, pero hindi ako p'wedeng maupo at kalimutan ang lahat, at saka, masakit ang kagat ng langgam.” “Teka? Paano ka pala mag-e-enroll? Sinong sasama sa 'yo?” tanong naman ni Gado na may fried chicken sa bunganga. Kinagat ko ang aking ibabang labi at nginisihan si Sasah at Gado na nahulog pa ang chicken mula sa kaniyang bibig. Si Sasah naman ay nanlalaki ang mata at sunod-sunod ang pag-iling. Hindi ko pa man sinasabi ang gusto kong mangyari ay mukhang naiintindihan na nila iyon. Friends connection nga naman. “Kayo ang magiging mga magulang ko,” suhestiyon ko. “No way!” saad ni Gado at napatayo pa saka itinuro ang sarili at si Sasah. “Ayokong maging asawa ‘yan! Kahit fake, kahit nga sa imagination, never pumasok sa isip ko! Mas mukha pa nga siyang lalaki kaysa sa akin!” I rolled my eyes. “Gado—“ “Hoy, Gado! Feeling mo naman, na-imagine kong maging asawa ka! Jusko, mas malambot ka pa kesa sa putotoy ng ex kong 2 inches!” sagot naman ni Sasah na masama ang tingin kay Gado. “Puta! May ex ka?!” bulalas ni Gado pero agad naman siyang inambahan ni Sasah ng suntok. “Tumigil nga kayong dalawa,” natatawa kong awat sa kanilang. Napapailing na lang ako sa pag-aaway na naman nilang dalawa na kinasanay ko na rin dahil halos araw-araw nila akong pinupuntahan simula nang mawala si Kira. Akala siguro nila ay magpapakalugmok ako sa lungkot na ginawa ko naman ng isang linggo lang. Hindi ko hahayaan na mabaon sa limot ang nangyari. “Please, guys. Para sa pinakamamahal nating si Kira,” pakikiusap ko. “bigay ninyo na sa akin 'to.” Nagbago ang ekspresyon ng mukha nila dahil alam kong mahal din nila ang pamangkin ko. Kira gave them the happiness that they thought they would never feel. Kira never gets tired listening to all their rants. Lagi rin silang nakakatanggap ng regalo mula kay Kira kahit na maliit na okasyon. At higit sa lahat, si Kira ang nagparamdam sa kanila mayroon silang pamilyang p’wede nilang takbuhan sa oras ng gipitan. “Fine, gagawin ko ito para kay Kira kong mahal,” saad ni Sasah. “Kahit kapalit nito ang dangal ko.” “Wow sa dangal ah! Pero, okay sige. Para kay Kira,” sang-ayon ni Gado. Gumuhit naman ang ngiti sa labi ko at niyakap silang dalawa nang mahigpit. WALANG TIGIL SA malakas na kabog ang dibdib ko habang nakatayo sa harap ng gate ng Toricelli National Highschool. Marami ang estudyante na pumapasok na sa loob, may magkakasamang naglalakad, may magkakaibigan na nagtutulakan, mayroon ding nagtatawanan at may mukhang magkasintahan. Hindi ko mapigilan ang pag-iinit ng sulok ng mga mata ko dahil sa sobrang lungkot. Halos hindi ko maigalaw ang aking mga paa para maglakad dahil tumatakbo sa aking isip ang mga maaaring dahilan ng pagkamatay ni Kira dahil kung titingnan ay mukhang maayos naman ang eskwelahan. “Anak, are you ready?” mapang-asar na tanong ni Gado sa barakong boses. I chuckled and nodded my head because, in reality, I am two years older than Gado and Sasah. I just looked like younger than my age, at mas lalo pa akong naging mukhang bata dahil sa uniform na sout ko. Mas pinalad lang talaga sila sa tangkad nang kaunti sa akin, pero base sa nakikita ko, halos kasing tangkad ko na rin ang ibang estudyante. “Let’s go, Peach,” saad ni Sasah na naunang pumasok sa gate. Tumango lang ako at sumunod sa kanilang dalawa ni Gado. Napailing ako at hinawakan ang tig-isa nilang kamay. Para silang allergic sa isa’t isa dahil halos isang dipa ang kanilang layo. Napatingin silang dalawa sa akin at napangiwi nang pagdikitin ko ang kanilang mga kamay. Nang makapasok kami sa loob ng building ay hindi ko mapigilan ang mamangha dahil sa ganda ng loob ng building. May mga estudyante akong nakakasalubong na ngumingiti sa akin dahilan para ngumiti rin ako. Huminto kami sa principal office at nang makapasok ay malapad na ngiti agad ang isinalubong sa amin ng principal at iba pang staff na nasa loob. “Mister and Misis Gallego! Maupo po kayo,” saad ng principal at pinaupo kami. Kumunot ang noo ko nang mapansin ang paglapit ng isang staff sa principal at bumulong dito. Dumako naman ang tingin sa akin ng principal na bakas ang gulat sa mukha. Ngumiti na lang ako dahilan para mapangiti din siya. Hindi nila ako p’wedeng makilala, pero hindi ko rin balak na palitan ang pangalan ko lalo na ang apelyido ko. Gusto kong makita ang kanilang mga reaksyon sa t’wing maririnig ang aking apelyido. “Thank you sa pagtanggap sa anak namin kahit late na kami nakapag-enroll, Miss Carson,” saad ni Sasah, “ito nga pala ang anak namin, Peachy Gallego—“ “Can I ask you something, Misis Gallego?” tanong ng principal. Nakangiti akong sinulyapan ni Sasah at ngumiti sa principal saka tumango. “Sure, Miss Carson.” “May dati na po ba kayong kapamilya na nag-aral dito?” Kumabog nang malakas ang dibdib ko dahil mukhang ang tinutukoy niya ay si Kira. Ngumiti si Sasah at umiling dahilan para makahinga ako nang maluwag. Matapos ang pag-uusap ay agad na kaming lumabas at naglakad papunta sa entrance ng school. Bago sila tuluyang umalis ay hinawakan ko silang dalawa sa kamay. “Tapos na. Ako na ang bahala simula dito,” saad ko at niyakap sila pareho. “Sigurado ka ba na kaya mo na, girl?” tanong naman ni Gado na bakas ang sobrang pag-aalala sa mukha. “Okay lang ako. Wish me luck,” saad ko. “We wish you safety, Girl,” sagot nila. Ngumiti ako at pinanood lamang silang dalawa na maglakad palayo. Huminga muna ako nang malalim at tiningnan ang hawak kong papel. Sa third floor ang room ko at dahil wala namang elevator dito ay wala akong ibang magagawa kundi ang mag-hagdan. Sa pagliko ko papunta sa hagdan ay siya naming pababa ng isang lalaki dahilan para magkabunguan kaming dalawa. “Ouch!” daing ko at napasalampak sa lapag. Nabitawan ko rin ang iba kong bitbit dahil sa lakas ng pagkabangga. “Oh! I’m sorry,” saad ng lalaki. Tinulungan niya akong tumayo at siya na rin ang pumulot ng mga nahulog kong gamit saka inabot sa akin. Napaawang naman ang aking labi nang tumambad sa akin ang mukha nang lalaking kaharap ko. “O-Okay lang po,” nauutal na sagot ko. The man in front of me is the school doctor based on what he is wearing. At inaamin ko, gwapo ang isang ‘to. He smiled at me. “Ngayon lang kita nakita dito. You’re a new student?” Tumango lang ako bilang sagot. Nakatitig ako sa gwapo niyang mukha at mabilis na nag-iwas ng tingin dahil sa hiya. Napatingin ito sa kaniyang wrist watch at kumunot ang noo saka muling tumingin sa akin. “I think, you should go. Male-late ka na sa first class,” saad niya at nang akmang aakyat ako ay muli niya akong tinawag. “Hey, Kid!” Natigilan ako at napalingon sa kaniya. Inilahad niya ang kaniyang kamay at ipinakita sa akin ang strawberry clip na galing kay Kira. Kinapa ko ang buhok ko at napansing wala doon iyon kaya dali-dali akong lumapit saka hinablot ang clip mula sa kaniya. Nahulog ko ata ito nang magkabunggo kami. “Salamat,” saad ko at mabilis na tumalikod at umakyat. Hingal na hingal ako nang marating ang ika-tatlong palapag ng paaralan. Sumakit yata ang aking bewang dahilan para suntok-suntukin ko iyon at bahagyang lumiyad. Twenty-six pa lang ako pero mukhang magiging problema ko ang palapag sa eskwelahan na ito. Nang sa tingin ko ay naka-adjust na ang aking balakang ay hinanap ko agad ang room ko. Nang huminto ako sa G-1 na section ay agad akong sinalakay ng kaba. Huminga ako nang malalim at humawak nang mahigpit sa strap ng aking backpack saka kumatok upang makuha ang atensyong ng teacher na nakatayo sa harap ng mga estudyante. Sabay-sabay silang napatingin sa akin at pati ang teacher na salubong ang kilay. “You must be the new student?” tanong sa akin ng teacher. “Come in and introduce yourself.” Naglakad ako papasok sa room at tumabi sa teacher. Kumakabog ang dibdib ko dahil sa kaba pero kailangan kong tatagan ang loob ko dahil nandito ako para kay Kira, para sa hustisya na ipinagkait sa kaniya ng eskwelahang ito. “Magandang umaga sa inyong lahat. Ako si Peachy Gallego—“ “Gallego?!” Dumako ang tingin ko sa isang babae na napatayo matapos marinig ang aking apelyido. Bakas sa mukha niya ang lungkot dahilan para kumunot ang aking noo. Mabilis din siyang nag-iwas ng tingin at naupo muli. Tumikhim naman ako at akmang muling magsasalita nang may kumatok sa pinto dahilan para mapatingin ako doon. Dahan-dahan na nanlaki ang mga mata ko nang bumungad ang lalaking maaaring dahilan ng pagkamatay ng pamangkin ko. Nakangiti siyang nakatayo sa tabi ng pinto habang nakapamulsa. Hindi ko rin maitatanggi na kung gwapo siya sa picture ay mas doble—hindi triple pa pala sa personal lalo na siguro kung tanggalin nito ang salamin. Napalunok ako nang laway at napaatras nang magsimulang humakbang ito palapit sa akin. Shit! “Everyone, listen! Since Mister Samuel resigned yesterday, your new homeroom teacher is here, so be good, students,” saad ng isang teacher na nasa tabi ko. May ibinulong pa ito sa bagong dating bago tuluyang umalis ng room habang kumakaway. Nakatitig lang ako sa lalaking ngayon ay tila tore na nakatayo sa aking tabi. Ang tangkad niya at hindi rin biro ang kaniyang body built dahil bumabakat sa kaniyang sleeves ang kaniyang mga biceps. Nang dumako naman sa akin ang kaniyang tingin at magtagpo ang aking mga mata ay hindi ko mapigilan ang paglukso ng puso ko dahilan para mabilis akong nag-iwas ng tingin. “Good morning everyone, I am your new homeroom teacher for this school-year,” pakilala nito na ikinalaki naman ng mga mata ko. “… I am Raegan Calientes, and it’s nice to see you all.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD