Chapter 2

2090 Words
PEACHY NAKAUPO ako sa tabi ng bintana kaya kitang-kita ko ang labas kung saan ay may mga estudyante na sa tingin ko ay mga nage-ensayo ng sayaw. Mayroon ding mga naglalaro ng soccer at mayroon din naglalakad lamang. Napangiti ako nang maalala ang high school life ko noon na ganitong-ganito rin maliban sa may high technology gadgets na halos lahat ng estudyante. “Peachy?” Napaigtad ako nang marinig ang pagtawag sa akin ng katabi kong estudyante. Siya rin ang babaeng maikli ang buhok at may salamin. Ngumiti ako sa kaniya at humarap. Napansin ko naman ang ibang kaklase ko na nakaupo na sa table, may nagkukuwentuhan, may nagi-gitara, mayroon din naman tulog at ang mas malala ay ang mga bully sa likuran na pinagkakaisahan ang isang lalaking nakasalamin. “Ganito ba talaga sa eskwalahan ninyo?” hindi makapaniwalang tanong ko. Sa panahon ko kasi mababait ang mga estudyante dahil sa terror teacher na isang mali mo lang ay lumilipad na eraser o chalk ang bubungad sa ‘yo. Tumango lang ang babaeng may maikling buhok at naglahad ng kamay. “Hi! Ako si Gillian, Gillian Aquino.” Ngumiti rin ako pabalik at nakipag kamay. “Ako naman si Peachy Gallego.” Muli na naming nagbago ang reaksyon ng kaniyang mukha dahilan para kumunot ang noo ko. Tumikhim ako at nang akmang tatanungin siya kung bakit lagi siyang malungkot ay bigla namang may tatlong babaeng estudyante ang tumayo sa harapan namin at inikot ang upuan saka naupo. Base sa nakikita kong asta ay mukhang ito ang mga babaeng bully. “Hoy, Girl labo!” tawag ng nasa gitna kay Gillian, “pakilala mo naman kami sa bago mong frenny.” Inilipat ko ang tingin ko kay Gillian na tumango at parang takot na takot na iminuwestra ang kamay sa akin. “Peachy, siya nga pala si Lovie,” ani Gillian na itinuro ang nasa gitna na may mahabang wavy na buhok. “Ito naman si Thaira,” tukoy niya sa nasa kaliwa na tuwid naman buhok pero mahaba rin. “At si Millie,” turo naman niya sa nasa kanan na may shoulder-length naman. Tumango lang ako at naglahad ng kamay. “Ako si Peachy Gallego. Nice meeting you—“ Hindi ko natapos ang aking pagpapakilala nang ilagay ng babaeng si Lovie ang balat ng chewing gum niya sa kamay ko at pinagkrus ang hita. Kinuyom ko naman ang kamao ko at mariing tinikom ang aking labi. Huminga rin ako ng malalim upang pakalmahin ang aking sarili dahil bukod sa bata lang ito ay baka mabalibag ko silang tatlo nang sabay-sabay. “Pakitapon ng basura,” aniya at tumayo saka naglakad pabalik sa pwesto nito kanina. “Akala ko pa naman okay, boring ka rin pala tulad ng isang Gallego.” Kumunot ang noo ko at tumayo nang tuwid. Mula sa peripheral vision ko ay nakita kong natigilan sila pati narin ang ibang mga kaklase ko. Mariin ang pagkuyom ko sa aking kamao dahil sa pag-usbong ng galit sa aking puso. Dahan-dahan akong lumingon sa babaeng si Lovie at kitang-kita ko ang gulat sa kaniyang mukha. Nakipagtitigan ako sa kaniya at ganoon rin siya sa akin habang nakataas ang kilay. Naramdaman ko naman ang paghawak ni Gillian sa braso ko dahilan para lingunin ko siya. “Peachy, hayaan mo na. Masasanay ka din,” pabulong niyang sabi. Napabuntong-hininga ako at tumango na lamang saka naupo muli. Napadako naman ang tingin ko sa bagong dating na teacher dahil ang homeroom teacher namin na si Raegan ay agad pinatawag ng principal. “Hi, students! Anong mayroon?” tanong ng babaeng teacher na ngayon ay nakatayo sa gitna. “Mukhang may bago kayong kaklase, ah?” saad ng guro at ngumiti. “By the way, magandang umaga sa inyong lahat!” “Mas maganda ka sa umaga, Miss Andres,” bola ng isang lalaking estudyante. Napapailing na lang ang guro at nginitian ang estudyante. “Binobola mo na naman ako Mister Lorenzo.” Hindi ko naman mapigilan ang mapailing dahil mukhang siya ang klase ng guro na gustong-gusto kapag pinupuri ng kaniyang mga estudyante. Maganda siya, pati ang hubog ng kaniyang katawan ay maganda rin. Ang kaniyang sout na skirt ay masyadong maikli at kita ang puno ng kaniyang dibdib. Guro ba talaga ang isang ‘to? “So, everyone! Since, ngayon ang first day of class. Magpapakilala muna ako. Ako si Miss Lilith Andres, your General Biology teacher,” pakilala niya sa kaniyang sarili. Inilibot nito ang tingin at huminto sa akin. Ngumiti siya at iwinuwestra ang kamay para patayuin at palapitin ako sa kaniya. Wala naman akong nagawa at lumapit sa kaniya. Hinawakan niya ako sa balikat at napangiwi ako nang maramdaman ko ang kaniyang dibdib na dumidikit sa aking likuran. “She already introduced herself kanina, Miss Andres,” saad naman ni Lovie na mataray ang tingin sa kin. “But I don’t know her name yet, Miss Lovie Tuazon,” saad ng teacher at muling tumingin sa akin. “Go, Miss.” “I’m Peachy Gallego,” pakilala ko. “So, Miss Gallego. Ahm, what do you do? May hobby ka ba? Or talent?” I smirked. “I’m a taekwondo black belter, I can do arnis, and chako also. Marunong rin akong humawak ng espada at isa akong dating pitcher sa softball team namin noon.” Kita ko ang panlalaki ng mata ni Lovie at ng mga kasama niya na mukhang nagulat sa mga sinabi ko. Hindi ko gustong magyabang pero kailangan kong gawin ngayon para makaiwas sa pambu-bully nila. Ayokong mahati ang atensyon ko sa walang kwentang bagay. “W-Wow! You're so talented—” Hindi natuloy ng teacher ang kaniyang sinasabi nang mula sa likod ay nakita ko ang pagtayo ng isang lalaki at naglakad palapit sa akin. Matangkad siya at mukhang siya ang leader ng bullies kanina na walang ibang ginawa kundi matulog. Napaatras ako ng nasa harapan ko na siya habang nakapaloob ang dalawang kamay sa kaniyang bulsa at tinitigan ako nang mataman. “Ahm, Mister Nagasaki? May problema ba?” tanong ng guro sa kaniya. Umiling lang siya at sa halip na bumalik sa kaniyang kinauupuan ay dire-diretso siyang lumabas ng classroom. Kumunot naman ang noo ko dahil hinayaan lang siya ng guro na lumabas. Ganito ba talaga sa eskwelahan na ito? “Maupo kana, Miss Gallego.” Ha? Hindi niya ba nakitang lumabas ang estudyante niya? Tumango ako at naupo muli saka nakinig na lang sa guro. Ngunit sa hanggang matapos na lang ang subject ay wala naman akong natutunan dahil bukod sa pakikipagharutan sa mga lalaking estudyante sa likod ay panay lang ang kaniyang kwento ng kaniyang bakasyon. Natapos ang ilang subjects ay tumunog naman ang bell. Tumayo ako at napatingin sa mga kapwa ko estudyante. May nagliligpit ng gamit, may kumukuha ng walis at mayroon ding maaingay na nagbabalak na mag-videoke. Oras na ng uwian at halos alas-sais na rin ng hapon pero ni-katiting wala man lang akong nakuhang impormasyon maliban sa nalaman kong homeroom teacher ko si Raegan Calientes. “Peachy, uuwi ka na ba?” tanong sa akin ni Gillian. “Oo, ikaw?” tanong ko sa kaniya. “Uuwi na rin pero sa school bus ako sasakay, ikaw? Sabay na tayo—” “Hindi p'wede!” mabilis kong sagot ar napakurap. Bukod kasi sa dala ko naman ang scooter ko na naka-park sa convenience store malapit sa school at alam din ng bus driver ang bahay ko. Mabuti na nga lang at hindi ako namumukhaan ng ibang estudyante na nakakasama ni Kira sa school bus. “Bakit naman?” salubong na tanong ni Gillian. Nagsimula na kaming maglakad palabas ng room. “Ano, kasi... susunduin ako! Tama, susunduin ako ni Papa,” pagdadahilan ko at tumawa nang pagak. Nag-iba naman ang ekspresyon ng mukha niya na tila ba nalungkot. “Buti ka pa.” Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng awa sa sinabi niyang iyon. Hindi ko tuloy maiwasan ang magtaka dahil base sa nakikita ko ay mukha namang may kaya si Gillian pero bakit kaya mukha siyang malungkot. Nang makababa kami ng building ay kumaway lang ako sa kaniya at pinanood siyang sumakay ng school bus. Naglakad naman ako papunta sa gate at nang may dumaang kotse sa tabi ko ay agad akong napalingon. “Raegan Calientes,” I murmured as I saw him at the driver's seat. Kinagat ko ang aking ibabang labi at mabilis na tumakbo papunta sa aking scooter. Mabuti na lang talaga at naka-pajama ako sa ilalim ng paldang halos hanggang tuhod lang. Nang marating ko ang scooter ko ay agad kong sinout ng helmet at sinundan ang kotse ni Raegan. Wala akong balak na magtagal sa eskwelahan dahil ang main priority ko lang ay maghanap ng ebidensya at ang sundan ang lalaking iyon ay ang dapat kong gawin. Ilang minuto lang na pagsunod kay Raegan ay nakarating ako sa isang tila eskinita. Nakita ko rin ang kotse niya na nakaparada sa harap ng isang convenience store. “Nasaan na ang lalaki iyon?” tanong ko sa sarili ko at pumara din ilang metro ang layo sa kotse niya. Sinilip ko pa ang loob ng convenience store pero wala siya doon. Huminga muna ako nang malalim saka bumaba ng scooter at hinubad nag helmet saka inilagya sa compartment ng scooter ko. Naglakad ako papasok sa eskinita at mahigpit na hinawakan ang strap ng sout kong bag. Madilim sa gawing ito at tila ba tambayan ng mga mandurukot. “Miss, naliligaw ka ata.” Napalunok ako at natigilan sa paglalakad nang marinig ko ang nagsalita. Muli akong huminga nang malalim at tumayo nang tuwid saka dahan-dahan na nilingon ito. Hindi lang isa kundi nasa lima ang lalaking nakatayo sa aking harapan. “May hinahanap lang ako,” sagot ko at nagtaas ng kilay. “Hinahanap? Mali ka ata ng napunta bebe girl, dapat sa pulis,” sagot ng isa at namulsa na humakbang palapit. “Kilala niyo ba si Raegan Calientes? Tao niya ba kayo?” tanong ko. Raegan Calientes was a gangster, a leader of the gang. Kaya hindi malabo na hindi niya parin maiwan-iwan ang ganoon buhay. Ang manakit ng inosente, magnakaw at gumawa ng gulo. “Raegan, ano?” tanong ng nasa harapan na tumawa-tawa pa. “Raegan Calientes,” ulit ko. “Alam kong siya ang leader ninyong mga gangster—” “Gangster? Baliw ka ba? Ano? Makaluma? Hindi na uso iyon,” saad nito at mas lalong humakbang palapit. “At gangster? Ano kami, teenager?” Hindi ko alam kung bakit bigla akong nakaramdam ng panganib. Mas lalo pang bumilis ang t***k ng puso ko nang ilabas ng lalaki ang pocket knife nito at iniikot-ikot pa. Kung hindi sila gangster, ano sila? “M-Mukhang wala dito ang hinahanap ko. Sige,” saad ko at akmang lalagpasan sila nang hawakan ako sa braso ng lalaki para pigilin. “Saan ka pupunta? Sinabi ko bang tapos na tayo mag-usap?” anito at ngumisi na para bang aso. “Bitawan mo ako,” I warned him. This man didn't know what I'm capable of. Ngumisi lang siya at malakas akong ibinalya sa pader dahilan para mapa-igik ako. Mabilis akong naka-recover at matalim ang tinging pinupukol sa lalaki. Huminga ako nang malalim at hinubad ang sout kong bag saka iniikot-ikot ang aking kamao. “Tarantado ka ah,” saad ko at akmang susugod nang suntok nang may sumalo nang aking kamao. Kumunot ang noo ko at dumako ang tingin sa lalaking may gawa niyon. Napaawang ang labi ko nang makita si Raegan na siyang pumigil sa akin. Ibinaba niya ang kamay ko at pinulot ang aking bag saka binigay sa akin. “Miss Gallego, anong ginagawa mo dito?” tanong ni Raegan na hindi pinansin nag limang lalaki na salubong ang kilay sa kaniya. “H-Ha, a-ano, kasi...” Nakagat ko na lamang ang labi ko dahil hindi ko alam ang aking isasagot. Tumingin naman siya sa mga lalaki dahilan para hindi ko makita ang ekpresyon ng kaniyang mukha. Pero sapat na ang pamumutla ng limang lalaki at napaatras para malaman kong isa ngang leader ng gangster si Raegan. Nang tuluyang umalis ang mga lalaki ay binaling na ni Raegan ang tingin niya sa akin at ngumiti. “So, Miss Gallego, what are you doing here? Alam mo bang delikado sa lugar na 'to?” “M-May, may hinahanap lang ako,” pagdadahilan ko at umatras saka akmang maglalakad palayo nang bigla siyang magsalita muli dahilan para matigilan ako. “Sinusundan mo ba ako? Peachy Gallego?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD