PEACHY
HALOS ISANG LINGGO na rin akong pumapasok sa Toricelli National Highschool pero ni isang ebidensya ay wala pa akong mahanap. Matapos kasi akong mahuli ni Raegan na sinusundan siya ay sinubukan ko munang mag-lie low dahil baka paghinalaan niya ako. Hindi ko naman siya magawang iwasan dahil siya ang homeroom teacher namin.
Simula rin ng gabing iyon ay nahuhuli ko siyang nakatingin sa akin at madalas niya rin akong tawagin para sumagot sa mga tanong. Pero dahil mukhang wala siya ngayon dahil absent daw ay may pagkakataon akong maghanap ng mga bagay na makakatulong sa akin para patunayang may mali sa eskwelahan ito.
“Peachy!”
Napalingon ako sa tumawag sa akin at napangiti nang makita si Gillian. Siya ang naging malapit na kaibigan ko at mukhang siya rin ang matalik na kaibigan ni Kira.
“Oh, Gillian! Ang aga mo ah,” saad ko at napangiti nang humawak siya sa aking braso.
“Ikaw din, sabay na tayo?”
“H-Ha?” Tumikhim ako at ngumiwi. “Ano, kasi dadaan pa akong cr.”
Kumunot naman ang noo ni Gillian. “May banyo sa third floor, ano ka ba!”
“Ano, ayoko do'n, kasi... kasi... tama!” saad ko at lumapit kay Gillian para bumulong saka humawak sa aking tiyan. “Natatae ako.”
Mukha namang nagulat si Gillian at tumawa na para bang naiilang. Tumango na lamang siya at tinuro ang kabilang pasilyo ng building mula sa entrance.
“Nandoon ang banyo, pagkalampas mo sa teachers' office,” aniya at ngumiti.
“Sige, salamat,” saad ko at pinanood si Gillian paalis.
Nang makaalis na siya ay tumayo na ako ng tuwid at huminga nang malalim. Naglakad naman ako papunta sa tinuro niyang daan. Nang marating ko ang teachers' office ay tumingin muna ako sa paligid at hinawakan ang seradura.
“Ineng, walang tao diyan. Nasa conference meeting silang lahat,” saad ng matandang ginang na janitor ng school.
Tumango lamang ako at nilagpasan ang pinto saka hinintay ang matanda na umalis. Nang mawala na ito sa paningin ko ay dali-dali akong bumalik sa pinto ng teachers' office at pumasok sa loob.
“s**t! s**t! s**t!” sunod-sunod kong mura dahil halos limang minuto na lang ay umpisa na ng klase.
Inilibot ko ang mata ko at malalaki ang hakbang na lumapit sa mga lamesa ng mga teacher. Sinubukan kong buklatin ang mga naka-folder na mga papel pero wala akong makita. Pati ang mga drawer ay puro school supplies lang ang laman.
“Hindi, p'wede! Alam kong may nakatago dito,” sabi ko sa aking sarili at tumungo sa pwesto na sa tingin ko ay para sa head teacher dahil nag-iisa ito sa bandang harapan.
Isa-isa kong binuklat ang mga folder na naroon at nang mapansin ko ang isang libro na tila ba may nakaipit na bagay ay kinuha ko iyon at binuklat. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang isang polaroid picture na nasa loob ng ziplock na plastic. Nanginginig ang kamay kong kinuha iyon at tinitigan.
“K-Kira...”
Litrato iyon ni Kira, at base sa date na nakalagay sa baba ay kuha iyon ng araw na nagpatihulog siya. Hindi ko mapigilan ang pag-alsa ng galit sa bou kong katawan dahil sa aking nakikita.
“Sino, sino ang may kagagawan, please, tulungan mo ako, Kira,” parang nababaliw kong sabi sa aking sarili.
Napaigtad ako nang marinig ko ang mga boses na papalapit sa pinto ng teachers' office. Nataranta ako at mabilis na inikot ang aking mata at tumakbo sa dulong parte na table na malapit sa jalousie na bintana.
“Bwisit!” muli kong mura nang saktong pagtago ko sa ilalim ng table ay siya namang pagbukas ng pinto.
“Miss Hera, yung estudyante mong panay absent? Anong nangyari?”
“Hay, naku! Nagpa-part-time daw! Alam naman palang walang pera sa private school pa pumasok!”
“Wala ka sa estudyante ko! Binigyan ako ng designer bag! Tataasan ko ng kunti yung grades!”
“Buti ka pa, Miss Winny! Estudyante kong nerd na mahirap, ayaw magpatalo! Kailangan kong gawing top one yung alta kong estudyante e! Ikaw, Miss Angel?”
“Mababait ang estudyante ko at saka hindi sila baka para gatasan nang gatasan.”
Napaawang ang labi ko sa aking mga naririnig mula sa mga guro. Hindi ko lubos akalain na sa likod ng mga mukha nilang nakangiti palagi ay ganito pala ang mga ugali. Mabuti na lang at may isa pang mabait na teacher na si Miss Angel.
“Kj mo naman! Ikaw, Sir Raegan? Balita ko pasaway yung apo ng senate president ah! Medyo rebelde!”
Kumunot ang noo ko sa sinabi ng isang guro. Ngunit mas lalong kumunot ang noo ko nang may umupo sa table na pinagtataguan ko. Napalunok ako ng laway dahil bukod sa bandang harapan ng lalaki ang kaharap ko ay si Raegan pa ang lalaking iyon!
Napakamalas ko naman!
Hindi ko maiwasan ang titigan ang kaniyang bandang zipper at mapaawang ang labi dahil kahit nakaupo siya ay bakat na bakat ang kaniyang tinatago. Pakiramdam ko tuloy ay uminit at bigla na lang namuo ang pawis ko sa noo. Pinilig ko na lamang ang ulo ko at nag-iwas ng tingin.
“Our students are still teens, Miss Hera. Hindi natin maiiwasan ang ganoon lalo na at apo pa siya ng kilalang tao.”
Napataas naman ang kilay ko sa narinig kong sagot niya. Pero posible kasing nagpapanggap lang siyang mabuti pero ang totoo demonyo siya.
“Magsi-punta na kayo sa mga klase ninyo,” saad ng isang boses.
Isa-isa namang nagsialisan ang mga guro at nang umalis na rin si Raegan sa kinauupuan niya ay nakahinga ako nang maluwag. Naghintay pa ako ng ilang minuto at nang masiguro kong wala ng tao ay pawis na pawis akong lumabas ng ilalim ng table. Daig ko pa ata ang nag-jogging dahil sa pawis ko.
Huminga naman ako nang malalim at mabilis na lumabas ng teachers' office saka tumakbo papunta sa classroom.
“s**t! Late na ako!”
NAPAIGTAD AKO NANG tumunog ang bell ng last subject namin ngayong araw kaya agad akong tumayo nang sa gayon ay makauwi agad. Nilingon ko pa si Gillian para yayain umuwi pero nginitian niya lang ako nang alanaganin.
“Mauna ka na Peachy. M-may pupuntahan pa kasi ako,” aniya at bahagyang lumingon sa likod.
Kumunot naman ang noo ko at binaling ang tingin sa nilingon niyang tatlong lalaki na nakangisi. Sila ang the three idiot ng classroom dahil bukod sa sila ang troublemaker at bullies ay mga wala rin silang utak pagdating sa academic. Nagdadalawang-isip man ay tumango na lamang.
“Sige, ingat ka sa pag-uwi, Gillian,” saad ko na ikinatango na niya lamang.
Weird…
Naunang lumabas si Gillian ng classroom na inaakbayan ng isa sa three idiot na si Joseph. Kasama din nito ang dalawa pang lalaki na sina Donny at Mark. Ang tatlong babae na bullies din ay sumunod sa kanila. Hindi ko tuloy maiwasan ang magtaka dahil wala namang dahilan para sumama sa kanila si Gillian. Napabuntong-hininga na lamang ako at nagkibit-balikat saka lumabas ng classroom.
“If I were you, I will stop them.”
Napalingon ako sa nagsalita na si Nagasaki. Blanko ang ekspresyon ng mga mata niyang nakatitig sa akin.
“Bakit?”
Hindi niya ako sinagot at nagpatuloy sa paglalakad. Kumabog naman ang dibdib ko at mabilis na tumakbo palabas ng building. Hingal na hingal ako nang makita si Gillian na papasok ng van kasama si Joseph. Malalaki ang hakbang ko na lumapit saka pinigilan siya sa pagpasok ng van.
“Anak ng?!” bulalas ni Joseph at tinitigan ako nang matalim.
“Peachy?!” gulat na sabi naman ni Gillian.
“Ano sa tingin ninyo ang ginagawa niyo ha? Gusto niyo bang isumbong ko kayo sa school principal?” sigaw ko pero sa halip na matakot ay nagtawanan lamang silang tatlo pati na ang tatlong babae na nakaupo na sa loob ng van.
“Hoy, transferee, mag-ingat-ingat ka sa binabangga mo ha,”
Kumunot ang noo ko at akmang magsasalita muli nang bumitaw si Gillian sa pagkakahawak ko dahilan para lingunin ko siya. Hindi siya nakatingin sa akin bagkus ay nakayuko lamang. Mas lalong lumalim ang kunot ng noo ko nang lumapit siya kay Joseph at saka tumingin sa akin.
“S-Sige na, Peachy. U-Umuwi ka na,” anito at pumasok sa loob ng van.
Ngumisi lamang si Joseph at bahagyang ikinaway pa ang kamay saka niya tuluyang isinara ang pinto ng van. Nanlaki naman ang mga mata ko at akmang hahabulin iyon nang bigla na lang may sasakyan na huminto sa aking harapan at nang bumukas ang bintana nito ay mukha ng isa sa taong hindi ko inaasahan ang aking nakita.
Lagi na lang!
“Raegan—este Sir Raegan?”
“Peachy, anong ginagawa mo sa gitna ng daan?” inosente niyang tanong sa akin.
Kinagat ko naman ang ibabang labi ko at ibinaling ang tingin sa daan na binaybay ng van saka ko binalik ang tingin sa lalaking nasa loob ng kotse at salubong ang kilay. Huminga muna ako nang malalim saka walang sabi-sabing umikot papunta sa passenger’s seat saka kumatok. Nang subukan kong buksan ang pinto ay bumukas iyon kaya agad akong pumasok at naupo.
“Wait, what are you doing, Miss Gallego?”
“Follow the van,” utos ko dahilan para magsalubong ang kilay ni Raegan.
“I can’t. I have to see my brother—“
“Buhay ng estudyante mo ang nakasalalay dito kaya sumunod ka sa akin, Sir Raegan,” sagot ko at pinagdiin ang huling salita.
Bahagya lang siyang natawa at tumango-tango saka nilingon ako. “Woah! Okay, chill. Fasten your seatbelt, Miss Gallego.”
Tumango ako at sinunod ang sinabi niya. Agad naman niyang pinasibad ang kotse at sinundan ang van na sinakyan ni Gillian. Kahit alam kong kusa siyang sumama sa mga lalaking iyon ay alam ko pa rin na nasa panganib ang buhay niya at ayokong tumunganga lang. Napalingon naman ako kay Raegan na seryoso sa pagmamaneho. Hindi ko maiwasan ang mapatingin sa braso niya papunta sa kamay niyang mahigpit ang pagkakahawak sa manibela na halos maglabasan na ang mga ugat.
“S-Salamat at pasensya na—“
“You have nothing to apologize, Miss Gallego. Tulad ng sabi mo, buhay ng estudyante ko ang nakasalalay dito,” aniya at saglit akong nilingon na may ngiti sa labi. “Care to tell me everything? Para alam ko ang gyera na susugurin ko.”
Bigla naman kumabog ang dibdib ko nang malakas dahil sa ngiti na iyon kaya agad akong nag-iwas ng tingin. Wala sa sarili akong napahawak sa aking dibdib dahil hindi pa rin humihinto ang malakas na tambol ng puso ko. Huminga naman ako nang malalim saka tumikhim at umupo nang maayos. Ayokong isipin niya na tulad ako ng iba niyang estudyante na marupok pagdating sa mga poging teacher.
“S-Si Gillian,” paninimula ko at kinuyom ang aking kamao saka nilingon si Raegan na nasa daan na ang atensyon. “Nasa panganib si Gillian.”
Tumango lang siya at mas lalong bumilis ang kaniyang pagmamaneho. Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay para siyang si Clark Kent dahil sa sout niyang salamin at nagiging si superman kapag may panganib. O masyado lang ata akong nadadala sa sitwasyon.
ILANG ORAS din ang lumipas nang marating namin ang tila isang kalye na puno ng night club at motels. Inabot na kami ng dilim pero buhay na buhay ang street dahil sa mga ilaw at mahaharot na musika na galing sa mga clubs. Hininto ni Raegan ang kotse niya sa parking lot na mukhang para sa mga customer ng mga clubs at agad naman akong lumabas saka iginala ang aking mga mata.
“Nasaan ka na, Gillian…” bulong ko sa sarili ko.
“Wear this, Miss Gallego,” ani Raegan at inabot sa akin ang kaniyang coat.
“No thanks—“
“No, you wear this. You’re attracting predator with your school uniform,” aniya na seryoso ang reaksyon ng mukha.
Niyuko ko ang sarili ko at tumango saka kagat-labi na inabot ang coat niya saka sinout iyon. Ngumiti naman siya sa akin at nang magsimula siyang maglakad ay sumunod naman ako habang iginagala ang tingin, nagbabakasakaling masipatan si Gillian.
“Ayon!” sigaw ko at tinuro ang isa sa tatlong idiot na naglalakad papunta sa isang club habang may sigarilyo sa bibig.
Agad naman na sinundan iyon ni Raegan at sabay kaming pumasok sa loob ng club. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang kabuuan ng lugar na pinasok namin. Kulay pula ang ilaw at malakas ang maharot na musika. Binabalot ng amoy ng sigarilyo at alak ang paligid at kahit saan ka tumingin ay may nag-iinuman. Sa gitna naman ay may isang babaeng sumasayaw at nang lumingon ako sa bandang dulo ay doon ko nakita si Gillian.
“Gillian…” saad ko at akmang lalapit nang hawakan ako sa braso ni Raegan para pigilin. Matalim ang tinging pinukol ko sa kaniya nang lumingon ako.
“Let me, Miss Gallego,” aniya at binitawan ako.
Lumapit siya sa table kung saan ay tumayo na ang lalaki at si Gillian. Mukhang dito na mangyayari ang dadalhin siya sa motel at hihingi ng tulong kanila Joseph saka nila peperahan ang lalaking customer. Nang makalapit si Raegan sa kanila ay natigilan si Gillian pati na ang lalaking kasama nito na sa tingin ko ay nasa mid-thirties. Hindi naman ako nakatiis kaya lumapit na rin ako.
“Gillian, umuwi na tayo,” saad ko at hinawakan siya sa braso.
“Hey, b***h! What the hell do you think you’re doing? This girl is mine,” saad ng lalaki at hinila palapit si Gillian.
Akmang sasagot ako nang hawakan ako muli ni Raegan sa braso at iginiya papunta sa kaniyang likuran. Tinitigan ko naman siya na puno ng pagtataka dahil kung tratuhin niya ako ay para akong mahinang babae. I’m a black belter—oh, right. Estudyante nga pala ako sa paningin niya.
“I think we had a misunderstanding, Sir. Iyang babaeng kasama ninyo ay menor de edad at oras na malaman ng pulis ang gagawin mo ay paniguradong makukulong ka,” mahinanong saad ni Raegan.
Ganito ba talaga ang lalaking ‘to? He is calm as f**k?
“P’wede ba, huwag mo akong pinagloloko,” natatawang sabi ng lalaki at hinawakan si Gillian sa bewang. “This girl is mine tonight. Kung gusto mo, sa ‘yo siya pagkatapos ko—“
Hindi ko na pinatapos ang kaniyang sinasabi dahil mabilis kong pinalipad ang paa ko sa kaniyang pisngi dahilan para mapaigik ang lalaki. Mabuti na lang at may jogging pants ako sa ilalim ng palda kaya hindi ako masisilipan sa ginawa kong pagsipa. Agad kong hinawakan si Gillian sa braso na gulat na gulat saka ko siya inilayo sa lalaki.
“What the f**k?!” sigaw ng lalaki na sapo ang namumulang pisngi. “Bouncer!”
“Holy cow! That was unexpected,” bulalas ni Raegan na napapailing. “Girls, I need you to get out—“
“Ano? Pero bakit—“
“Just get out, Peachy, and wait for me outside,” saad ni Raegan. Bigla namang tumambol ang dibdib ko nang bigkasin niya ang aking pangalan.
Napatingin naman ako sa paligid kung saan ay palapit nang palapit ang mga lalaking naglalakihan ang katawan. May nakasulat din na bouncer sa damit nila kaya agad kong napagtanto na sila ang dahilan kaya pinapalabas kami ni Raegan.
“Let’s go, Gillian,” saad ko at hinila siya papunta sa pinto ng club.
“P-Peachy, y-you came! Thank you,” umiiyak na sabi ni Gillian.
Nginitian ko lang siya at huminto sa bandang entrance. Napapalibutan si Raegan ng mga lalaki at hindi ko mapigilan ang mag-aalala. Bigla naman nanlaki ang mata ko nang paluin si Raegan ng bote sa likod ng ulo ng isang lalaki. Kitang-kita ko ang pagtulo ng dugo sa bandang likod ng kaniyang tainga dahilan para manikip ang dibdib ko sa hindi ko maipaliwanag na dahilan.
Raegan…
“Peachy, halika na,” hila sa akin ni Gillian palabas.
Napapakurap ako na tumango habang hindi inaalis ang tingin kay Raegan na nakatayo lamang. Bago kami tuluyang makalabas ni Gillian ng club ay nakita ko pang tinanggal ni Raegan ang kaniyang sout na salamin.
Is he going to be okay? Alone?