PEACHY
“SIR RAEGAN...” bigkas ko habang nakatitig sa lalaking palabas ng club.
Nang makalakas kami ni Gillian ay ilang minuto lang nang lumabas na rin siya habang pinupunasan ang kaniyang salamin at tila ba walang nangyari. Wala siyang bahid ng dugo sa damit o mukha maliban sa tama niya sa likod ng ulo. Ni hindi man lang nagusot ang damit niya at kahit ang buhok niya ay maayos pa rin.
Siguro ay nakipag-usap lamang siya nang masinsinan—
Hindi ko natapos ang aking iniisip nang sa pagyuko ko ay nakita ko ang kaniyang sapatos na may bahid ng dugo. Ang laylayan din ng kaniyang pants ay mantsa din. At isa lamang ang ibig sabihin niyon. He didn't used his fist to fight.
“Okay lang ba kayo?” tanong ni Raegan nang makalapit sa amin.
“Opo, Sir Raegan! Maraming salamat po,” mangiyak-ngiyak na sabi ni Gillian.
Napalunok naman ako ng laway at tumango. “S-Salamat—”
“No, worries. Estudyante ko kayo,” aniya ma may ngiti sa labi. Tila tumalon naman ang puso ko sa sinabi niya.
Tumikhim ako at nilingon si Gillian na mukhang lamig na lamig kaya hinubad ko ang coat ni Raegan na sout ko saka ipinatong sa kaniyang balikat. Binura ko pa ang lipstick niya gamit ang aking panyo. Nakatitig lang sa akin si Gillian kaya napabuntong-hininga ako at inayos na lamang ang magulo niyang buhok.
Iniisip ko pa lang na paano kung naging biktima si Kira ng ganito?
“Gillian, okay ka na ba?” tanong ko sa kaniya.
“Salamat, Peachy. Para kitang ate sa ginagawa mo!” saad niya at ngumiti saka tumingin kay Raegan. “Pasensya na po kayo, Sir, kailangan ko lang po kasi talaga ng pambayad ng tuition fee—”
“There are tons of work that pays well, Gillian,” nakahalukipkip naman na sabi ni Raegan. “Sino ang may pasimuno nito?”
Huminga nang malalim si Gillian at bakas sa mukha ang pag-aalinlangan. Napabuntong-hininga naman ako at akmang sasagot para sa kaniya nang bigla naming marinig ang pagtawag sa kaniyang pangalan.
“Hoy, Gillian! Ano pa bang ginagawa mo diyan sa labas—”
Hindi nito natuloy ang sinasabi nang lingunin namin siya. Si Donny ang nakatayo sa harapan namin na nanlalaki ang mga mata habang nakatitig particular na kay Raegan na hindi ko makita nag reaksyon ng mukha. Napaatras si Donny nang humakbang si Raegan at bigla na lang kumaripas ng takbo.
“That brat,” napapailing na saad ni Raegan na kalmado pa rin.
How? How can he stay calm?
“Bakit mo siya pinatakas?!” naiinis kong sabi.
He sighed. “Tomorrow, I'll talk to him and the rest of the students involved in this kind of wrong doings.”
“Ha? Talk?”
He nodded. “They are still my students, Miss Gallego, and I still want them to learn from their mistakes.” Nilingon niya naman si Gillian. “Where do you live? Ihahatid na kita—”
“Naku, hindi na po. O-okay lang po, mag... mag-ko-commute na lang po ako—”
“Sasamahan na kita, Gillian—”
“Huwag na, Peachy. Ano kasi... basta, huwag na,” mabilis niyang sagot. Mataman ko lang siyang tinitigan at tumango.
“Take this,” ani Raegan at may inabot na perang papel kay Gillian. “Get a cab and eat, okay?”
Tumango lang si Gillian at nagpasalamat kay Raegan na siya na ring tumawag ng cab. Hindi ko maiwasan titigan siya dahil sa halos isang linggo ko sa eskwelahan ni Kira ay wala akong nakitang kamuhi-muhi sa lalaking 'to. Ang totoo nga ay minsan napapaisip ako kung may kinalaman ba talaga siya sa pagkamatay ni Kira.
Nang dumating ang cab ni Gillian ay binalik niya sa akin ang coat saka kumaway. Napapailing pa ako dahil piniktyuran pa ni Raegan ang driver at plate number ng cab bago ito tuluyang pinaalis. Napabuntong-hininga naman ako at nilingon si Raegan na nakatingin din sa akin.
“Ikaw? Saan ka nakatira? Ihahatid na kita,” aniya na may tipid na ngiti sa labi.
“H-Ha?” sagot ko at napailing saka nag-iwas ng tingin. “H-Hindi na, tatawagan ko na lang si Gado—este, ang papa ko para magpasundo.”
“Are you sure—aw, that's hurt.”
Nanlaki ang mga mata ko na marahas na napalingon kay Raegan na nakangiwi habang hawak ang likod ng tainga. Mabilis akong lumapit sa kaniya at hinawakan ang kaniyang pisngi saka iginiya palapit sa akin nang sa gayon ay makita ko ang sugat niya.
“Dumudugo pa rin," saad ko at biglang natigilan. “Kailangan mong magpa-ospital.”
Napakurap ako at dahan-dahan na napatingin sa kamay kong nasa pisngi ni Raegan. Napalunok ako ng laway at nanlaki ang mga mata nang dumako sa akin ang kaniyang mga mata. Halos pulgada lamang ang layo ng mukha namin dahilan para biglang kumabog nang malakas ang dibdib ko.
“No, it's fine. Was it bad—”
Mabilis ko siyang binitawan dahilan para hindi niya matapos ang kaniyang tanong. Salubong ang kaniyang kilay dahil sa pagtataka kaya naman ay ngumiwi akon at nag-iwas ng tingin.
Hindi man lang ba siyang apektado sa pagkakalapit ng mukha namin? At teka nga, bakit naman kasi ganito ang nararamdam ko?
“D-Dito ka lang, may... may bibilhin lang ako sa convenience store—”
“I'll go with you,” mabilis niyang sabi dahilan para mapalingon ako sa kaniya. “This place is still not safe for you, so let me go with you.”
Inilibot ko ang tingin ko sa paligid at napangiwi dahil tama nga siya. Napabuntong-hininga na lamang ako at tumango saka nagsimulang maglakad. Agad naman na sumunod sa akin si Raegan.
“Peachy, can I say something to you?”
Kumunot ang noo ko at napalingon kay Raegan habang naglalakad kami. Tumango lamang ako at muling itinuon ang atensyon sa harap. Nag-type na rin ako ng message kay Gado para sunduin ako sa convenience store.
“Ano po 'yon, Sir?”
“Don't do it again,” aniya.
“Do what?”
“Attacking someone without thinking the consequences,” sagot niya dahilan para matigilan ako at muli siyang lingunin. “I know love can make you do reckless move, pero sana sa susunod. Pag-isipan mo ang mga gagawin mo dahil baka mas lalong masaktan si Gillian.”
Hindi ko alam kung saan ako magfo-focus sa mga sinabi niya. Sa pangaral niya o sa iniisip niyang tomboy ako at may gusto kay Gillian. Huminga ako nang malalim at nilapitan siya.
“Sir Raegan, naiintindihan ko po ang gusto ninyo iparating at huwag kayong mag-alala, hindi na mauulit,” sagot ko at nagtaas ng kilay. “At isa pa, babae ho ako. Kaibigan ko po si Gillian.”
Nanlaki naman ang mata niya sa narinig. Inirapan ko lang siya at nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa marating namin ang convenience store. Agad akong naghanap ng kailangan ko habang si Raegan ay naupo sa isa sa mga upuan.
Nang makapagbayad ay bumalik ako kay Raegan at inilapag sa harapan niya ang gasa at iba pang panggamot sa sugat.
“Para saan iyan—”
Hindi ko na pinatapos ang kaniyang sinasabi dahil hinawakan ko ang ulo niya at bahagyang pinayuko. Sinimulan kong linisin ang kaniyang sugat at napapangiwi pa ako dahil alam kong masakit iyon. Pero bakit tila hindi man lang siya nasasaktan. Nang matapos ay tinapalan ko kang ng gasa ang sugat niya.
“You shouldn't have to do this but thank you,” nakangiting sabi niya sa akin.
Tumango na lamang ako at mabilis na nag-iwas ng tingin dahil para akong nahihiya. Ilang minuto pa ay dumating ang kotse ni Gado kaya agad akong napatayo. Nakahinga naman ako nang maluwag dahil ang totoo ay para akong naso-suffocate dahil sa presensya ni Raegan.
“Mauna na ako, Sir, nandiyan na po ang papa ko. Salamat sa pagligtas kay Gillian,” matapos ko sabihin iyon ay hindi ko na siya hinayaan pang magsalita dahil dali-dali akong umalis agad saka sumakay ng passenger's seat.
“Okay ka lang girl? Anyare sa 'yo?” tanong ni Sasah na nasa backseat pala.
“Na-stress ako sa 'yong babae ka—teka? Si Raegan yumminess ba 'yon?” tanong ni Gado dahilan para pasimple ko siyang kurutin.
“Drive na, Gado. Bilis!” saad ko at napalingon pa kay Raegan na sinusundan ng tingin ang kotseng sinakyan ko. Mataman ang kaniyang titig at walang bahid ng ngiti ang labi.
He looks pretty scary...
“Anong mayroon? Nag bar kayo ni Raegan— Agay!”
Napangiwi si Gado dahil sa paghampas ko sa kaniyan. “Inom tayo.”
“Hindi p'wede,” sagot ni Sasah.
“Bakit naman?”
“Naka-school uniform ka, gaga!” natatawang sabi ni Gado.
“Bwisit—”
“But! Don't worry! Nakabili na ako ng beer! Arat sa gym mo!”
Napangiwi ako at napapailing na sinandal ang likod saka tumingin sa labas ng bintana ng kotse.
Hindi ako p'wedeng magtagal bilang estudyante ng eskwelahan. Kailangan ko ng hanapin ang mga ebidensyang magpapatunay na hindi nagpakamatay si Kira.