Chapter 5

2032 Words
PEACHY ILANG MINUTO NA AKO tulala sa kisame kahit kanina pa ako gising dahil bukod sa nag-inom na naman kami nila Sasah at Gado kagabi ay nakakapagod pala talaga ng sobra ang pagiging estudyante. Now I understand why Kira wanted to spend more minutes on her bed before she goes to school. Nang bumangon ako ay napahawak pa ako sa aking ulo dahil bahagyang sumakit iyon dahil sa hangover. Naglakad ako papunta sa kusina para uminom ng aspirin at maligo. Wala akong pasok ngayon pero kailangan kong puntahan si Officer Monzon at sabihin sa kaniya ang nakita ko sa teacher’s office nang nakaraang araw. Matapos ko maligo ay simpleng white t-shirt at black leggings lamang ang sout ko na pinaresan ko ng running shoes. Nagsout din ako ng cap dahil isasabay ko na ang pagja-jogging ko dahil maaga pa naman. Pagkalabas ko sa gym ay nagsout lang ako ng earphone saka nagsimulang tumakbo nang marahan. Hindi naman ganoon kalayo ang coffee shop kung saan kami magkikita ni Officer mula sa gym. Habang tumatakbo ay may napansin akong kakaiba dahil tila ba may sumusunod sa akin kaya huminto ako at lumingon sa aking likuran. Nang wala akong makita ay nagkibit-balikat na lamang ako at muling tumakbo. Nang marating ko ang coffee shop ay agad kong nakita si officer at lumapit sa kaniya. “I ordered caramel macchiato for you, Miss Gallego,” saad ni Officer at inilapit sa akin ang kape. “Salamat.” “Anong pag-uusapan natin?” tanong niya sa akin at nakahalukipkip na sumandal sa kaniyang kinauupuan. To be honest, I don't have any idea why he is helping me to find the real reason of my niece's sudden death. Pero kung ano man iyon ay wala aking pakialam dahil ang important lang sa akin ay ang hustisya para kay Kira. I don't care if he has other agenda or he's just a concern loyal police officer. Huminga muna ako nang malalim at mataman na tinitigan si officer na naghihintay ng sagot ko. Ibinuka ko ang aking bibig at akmang magsasalita nang may makita akong pamilyar na mukha na papasok ng coffee shop. May kasama siyang babae na sa tingin ko ay kaedad ko lamang. Anong ginagawa ni Raegan dito? At bakit sa dinami-dami ng coffee shop sa boung mundo, bakit dito pa? Napalunok ako nang laway at bago pa man ako maka-iwas ng tingin ay nagtagpo na ang mga mata namin. Kumunot ang noo niya at nang mapadako ang tingin sa taong kasama ko sa table ay tila ba nagbago ang kaniyang reaksyon. Tila ba naging blanko ang emosyon ng mukha niya at kusa na siyang lumihis ng tingin. Problema niya? “Officer, tatawagan ko na lang po kayo ulit,” saad ko na muling itinuon ang atensyon kay Officer Monzon. “Naiintindihan ko, Miss Gallego,” pabulong niyang sabi at napabuntong-hininga. “Mag-iingat ka sa mga galaw mo dahil hindi basta-basta ang kinakalaban natin.” Tumango lang ako at nagpasalamat saka tumayo. Kinuha ko ang aking kape at naglakad papunta sa pinto. Napasulyap pa ako sa kinauupuan ni Raegan at mabilis na nag-iwas ng tingin nang makitang nakatingin din siya sa akin. Nang makalabas ako ng coffee shop ay nakahinga na ako nang maluwag at naglakad. “Miss Gallego...” Napaigtad ako nang marinig mula sa aking likuran ang pamilyar na boses na iyon. Napalunok ako ng laway at pasimpleng inayos ang aking buhok. Nang lingunin ko si Raegan ay nakangiti na siya sa akin. “Raegan—este, Sir! Kayo pala,” nakangiwi kong sabi. “Planning for a jog?” tanong niya. Napansin kong nakapang-jogging din pala siya. “O-Opo,” I answered awkwardly. “Can I join?” “Ha?” I blinked my eyes and winced when chuckled. “M-Malayo ang tinatakbo ko—” “Gaano kalayo?” tanong niya at mas lumapit sa akin. “A-Ano, mga... mga one thousand kilometers,” sagot ko at napangiwi dahil napaka-imposible niyon. He chuckled again which makes me a little annoyed. “Fastest one thousand kilometer run was finished in ten days based on world record, Miss Gallego,” aniya at humalukipkip. “Are you going to run in ten days? Should I mark you absent next week?” Ngumuwi ako at tumawa nang pagak. “Joke lang, Sir. Ikaw naman! Hindi ka mabiro. Tara?” Nang akmang tatalikod ako para magsimula sa pag-jog ay muli niya aking tinawag. “Miss Gallego, wait,” aniya at mas lumapit sa akin. “Your shoelace.” Nanlaki ang mga mata ko nang walang sabi-sabi siyang lumuhod gamit ang isang tuhod sa aking harapan at tinali ang aking shoelace. It's just one simple gesture but my heart suddenly feels like it exploded. I can't breath normally due to my heart beat pounding really hard. My cheeks were burning too! Bwisit! “Done,” aniya at tumayo na. Parang slow-motion ang pagtayo niya sa aking harapan. Inayos niya rin ang kaniyang salamin at ngumiti. Pakiramdam ko ay may sariling buhay ang labi ko na unti-unting ngumiti. Pero bago ko magawa iyon nang tuluyan ay mabilis kong dinakma ang labi ko para pigilin ang sarili saka tumalikod. “Are you okay? Your cheeks flushed,” aniya na sumunod sa akin. “M-Mainit kasi,” pagdadahilan ko at nagpatuloy sa pagtakbo. Naririnig ko ang mga yabag niya sa aking bandang likuran dahilan para makaramdam ako ng ilang. “How's Gillian? Is she okay?” he asked randomly. He is referring to what happened the day before yesterday. “Okay lang siya pero hindi maiwasan na i-bully siya nila Joseph, lalo na kapag wala ako para ipagtanggol siya," malumanay kong sabi. “Don't worry about the students involved to what happened. I already asked them to bring their parent on monday,” saad ni Sir Raegan dahilan para lingunin ko siya. “Salamat,” saad ko at napangiti. His action for what happened is genuinely makes me feel better for Gillian. “No, Miss Gallego,” aniya at ngumiti saka ginulo ang buhok ko na para bang isang bata. “Thank you. You're the reason why Gillian was saved from those assholes.” Napanguso ako na may kaunting ngiti dahil sa kaniyang sinabi. Dahil sa aking nararamdamang kakaiba ay muli kong itinuon ang atensyon ko sa daan at tumakbo. Nang marating namin ang park ay huminto muna ako at naupo sa isang bench. Napalingon pa ako sa paligid at napakibit-balikat dahil nawala bigla si Raegan. Nasaan kaya 'yon—teka? Bakit ko ba siya hinahanap? I took a deep sighed and rested my back against then backrest and close my eyes. Nang maramdaman kong may tumabi sa akin sa upuan ay nagmulat ako ng mata at agad sumalubong sa akin ang bottled water. Napakurap pa ako at nilingon ang nagbigay niyon. “Drink,” saad ni Raegan. Dahil medyo nauuhaw na rin ako ay kinuha ko na ang tubig at ininom. Napalingon pa ako kay Raegan na umiinon din. Hindi ko mapigilan ang titigan siya dahil sa bawat paglagok niya ng tubig ay gumagalaw ang kaniyang adam's apple. Mabilis aking nag-iwas ng tingin at dahil sa pagkataranta ay sunod-sunod akong naubo. Pakiramdam ko tuloy lumabas pa ang tubig sa aking bandang ilong. “Hey, are you okay?” tanong niya at nagbigay mg bimpo. Umiling naman ako at tumayo na saka akmang muling tatakbo nang may marinig kaming komosyon sa hindi kalayuan. Salubong ang kilay ko na napalingon kay Raegan na napatayo na rin at napadako ang tingin sa akin. Nang tumakbo ako papunta sa direksyon ng kaguluhan ay agad naman na sumunod si Raegan. “Anong mayroon—” hindi ko natuloy ang aking sinasabi nang makita ang isang binata na hubo't hubad na naglalakad habang umiiyak. Tinatakpan nito ang kaselanan sa harap at ang bandang likod ng binti nito ay halos magkulay ube na dahil sa pasa. Kaawa-awa ang itsura ng binata dahil bukod sa mukhang labag sa kalooban nito ang ginagawa ay mukha rin itong nerd na sentro ng mga bullies. “Mister Daniel Alegra?” Napalingon ako kay Raegan na salubong ang kilay. Kilala niya? “S-Sir Raegan!” bulalas ng binatang tinawag na Daniel. Bakas sa mukha nito na tila ba nakakita ng anghel. Hinubad ni Raegan ang sout na jacket saka lumapit sa binata at tinakpan ang kahubdan nito. Huminga naman ano nang malalim at lumapit na rin saka hinarap ang mga taong panay ang pictures. “Tama na po pagkuha ng litraro! P'wede po kayong kasuhan sa ginawa ninyo!” sigaw ko. “Shooo! Alis na!” Ilang minuto pa ay dumating naman ang kotse ng pulis. Sinakay doon ang binata at sumama naman si Raegan. Hindi ko rin alam kung bakit ako sumakay din. Tahimik lamang kami hanggang sa marating ang ospital at pina-confine ang binata dahil mukhang grabe ang pasa sa binti nito. “Sino iyon?” basag ko sa katahimikan. Naghihintay lamang kami ng resulta ng nangyari sa binata sa bandang waiting area. Salubong ang kilay niya akong nilingon. “Are you serious? He is one of your classmates.” Napakurap naman ako at nagsalubong ang kilay. “Seryoso? Pero, bakit hindi ko siya kilala—” “Siguro dahil bago ka pa lang at hindi mo pa kilala ang lahat. And besides, Daniel is a quiet person that you can't even hear him talk with someone else.” “Kung tahimik siya, bakit nangyari sa kaniya iyon?” Bigla namang sumeryoso ang mukha ni Raegan. “A fraternity.” “F-Fraternity?! May fraternity sa school?” bulalas ko at napatayo. Nilingon naman ako ni Raegan at akmang sasagot nang tawagin siya ng isang nurse para kausapin. Huminga na lamang ako at nang umalis siya ay muli akong naupo at naghintay. Ilang minuto pa ay wala sa sarili akong napatingin sa bandang labas ng hospital. “Teka, ano 'yon?” tanong ko sa sarili ko at napatayo habang nakatitig sa labas. May tatlong motorsiklo na may sakay na tig-dalawang lalaki ang naroroon. Naka-stand by lang sila na para bang may hinihintay. Huminga muna ako nang malalim at naglakad papunta sa labas. Dadaan lang ako sa kanilang harapan upang siguruhin na hindi sila nandito para kay Daniel Alegra. “Miss, excuse me!” tawag sa akin ng isang pasahero ng isa sa motorsiklo. Huminto naman ako at nilingon iyon. Naglakad siya palapit sa akin pero hindi ko magawang silipin ang kanilang mga mukha dahil hindi sila nagtatanggal ng helmet. “Bakit?” tanong ko. “May sinugod bang lalaki dito? Medyo kasing height mo lang at nasa seventeen years old,” tanong nito. Mariin kong naikuyom ang aking kamao dahil nakumpirma kong si Daniel nga ang hinahanap nila. Huminga ako nang malalim at mataman siyang tinitigan. “Wala,” maikli kong sagot at akmang tatalikuran siya para bumalik ng hospital nang bigla nitong hawakan ang aking braso. Kumabog ang dibdib ko at napalunok ng laway. Dahan-dahan ko rin nilingon ang taong nakahawak sa aking braso. Hindi ko nakikita ang mukha nito pero base sa higpit ng kaniyang mga daliri na halos bumaon sa balat ko ay alam kong galit siya at natataranta. “Nakita ka namin at kasama mo ang lalaking titser,” anito at mas humigpit ang pagkakahawak. Umigting ang panga ko at napayuko sa kaniyang kamay. Nakasout siya ng gloves pero kita ang mga daliri. Sa kaniyang ring finger ay nasipatan ko ang tila ulo ng ahas na tattoo. “Bitawan mo ako,” banta ko sa kaniya. Pero sa halip na gawin iyon ay itinaas lang nito ang isang kamay. Agad naman nagsilapitan ang mga kasama nito sa akin. Nagsalubong ang aking kilay at bahagyang pinaghiwalay ang aking binti saka mariin kong itinapak sa lupa. Parang slow-motion ang paglapit ng mga kasama nito na halos sabay-sabay pang naglalakad papunta sa direksyon ko. “If I were you, I won't meddle with something that isn't my business,” saad ng lalaking nakahawak sa braso ko. He scowled in surprise as I grinned. He's just some youngster who didn't know that his rudeness would cause him to lose his teeth, and I'm a f*****g black belt in taekwondo with a hangover. “If I were, I will let go,” I warned.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD