PEACHY MATAMAN AKONG NAKATITIG SA box na hawak ko habang iniisip ang mga pag-uusap namin ni Raegan kagabi. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na sa simula’t sapul ay alam niyang isang Toricelli si Grace Nuestro at tinutulungan niya lamang ako sa kaso ni Kira dahil sa namatay niyang girlfriend na si Fatima Mozon. Huminga ako nang malalim at suminghot dahil nararamdaman ko na naman ang pag-iinit ng sulok ng aking mga mata. Tumayo na lamang ako at hinablot ang box saka inilagay iyon sa loob ng aking bag. Kailangan kong pumasok sa eskwelahan upang makasagap ng kahit anong klaseng balita tungkol sa nangyari kagabi dahil panigurado akong may alam si Misis Carson dito o kahit si Vandolph Toricelli. Pagkalabas na pagkalabas ko ng bahay ay agad kong nakita si Haru Nagasaki na nakau

