PEACHY WALA PARING TIGIL sa malakas na kabog ang dibdib ko dahil sa sobrang kaba habang nakapikit. Ngunit nang mapansin kong halos hindi gumagalaw ang lalaking balak akong patayin ay napamulat ako ng mata at tiningala ito. Putlang-putla ang mukha nito na halos wala ng dugo habang sa gilid ng ulo niya ay may baril din na nakatutok. Sinundan ko ng tingin ang baril papunta sa kamay hanggang sa tuluyang tumambad sa paningin ko ang mukha ni Raegan. “R-Raegan…” I mumbled as I saw his face despite the darkness. Parang gusto kong humagulhol ng iyak dahil ang buong akala ko ay hindi na ako masisikatan pa ng bagong umaga. Bumaba ang tingin niya sa akin at inilahad ang kamay sa akin. “You’re safe now. Come here, Lover,” aniya na puno ng pag-aalala ang gwapo nito mukha. Nanginginig pa rin ang mg

