PEACHY MABILIS AKONG NAG-iwas ng tingin at lumayo sa kwarto dahil hindi ko inaasahan ang aking nakita. Pero sa halip na ubusin ko ang oras ko sa pag-iisip sa kung anong koneksyon ni Grace kay Dreo ay mas minabuti ko na lamang na tumungo sa kwartong inuukupa ni Leonardo Toricelli. Bahagyang nakaawang ang pinto ng kwarto kaya naman ay dali-dali na akong pumasok sa loob. Muntik naman akong mapatili nang may kamay na tumakip sa aking bibig mula sa likuran ko. Pero ang mas lalong nagpatindi ng kaba ko ay ang malamig na dulo ng baril na nakadikit sa aking sintido. Wala na ata akong ibang naririnig maliban sa malakas na kabog ng aking dibdib. But instead of getting myself killed easily, I decided to fight. I jolted my head backward so hard and hit the man’s forehead. Nabitawan niya ako at na

