PEACHY “Now, tell me, Miss Peachy Gallego. Am I still old for you?” Inis na inis kong sinuntok ang punching bag nang muli na namang sumagi sa isip ko ang mga salitang binitawan na iyon ni Raegan. Hindi ko alam kung ganoon ba siya sa lahat ng babae o baka naman ay mahilig siya sa mas bata sa kaniya? Pero paano kung may alam na siya sa totoo kong pagkatao? “Hindi. Hindi niya pwedeng malaman,” sabi ko sa aking sarili. Huminga na lamang ako ng malalim at nagpatuloy sa pagsuntok sa punching bag na nasa harapan ko. Sarado pa rin ang dojo gym at wala pa akong balak na magbukas dahil kailangan kong tapusin ang sinimulan ko. Mabuti na lang talaga at nakapagipon ako kahit papaano dahil kung hindi ay hindi ko na alam kung sang lupalop ako pupulot ng pera para sa araw-araw kong gastusin. Nan

