PEACHY SERYOSO ANG MUKHA ni Raegan habang titig na titig ito sa hawak na polaroid picture na napulot ko nang araw na mahulog ang estudyanteng si Laureen mula sa rooftop ng main building. Nasa loob kaming dalawa ng kaniyang kotse habang nakahinto ito sa tapat ng ospital kung saan ako na-discharge. “Are you sure you want to see her now? Ako na lang ang pupunta, Peachy. You need to rest,” saad ni Raegan na nag-aalala pa rin sa akin. Ngumiti lamang ako at hinawakan siya sa pisngi. “Raegan, okay lang ako. At saka gusto kong personal na makikilala ang taong maaaring makatulong sa atin.” Wala na akong ibang taong mapagkakatiwalaan para ipakita ang polaroid picture dahil mukhang kahit si Officer Mozon ay napaikot na rin ni Angel Versoza sa kaniyang mga kamay. Tumango na lamang si Raegan at na

