Part 1: Lesson one; Target
“Ally! Papalibre daw si Shad!” malokong sigaw ni Darwin sa labas ng karinderya habang naka sabit ang magkabilang kamay sa kaibigan nitong si Shad.
Palihim akong napangisi at nagpatuloy sa pagbubukas ng ref para kunin ang softdrink na inorder namin. ‘Kunwari pa ‘to, alam ko namang nagpapapansin ‘to sa’kin eh,’ sambit ko sa isipan ko habang isinasara ang pinto ng ref nang makuha ko na ang isang bote.
“ ‘Di ba may pera ka? Dapat nga kayo nanlilibre samin eh!” sumbat ko pabalik sa parehong tonong ginamit niya, pasigaw na pabiro.
Sinadya ko siyang tignan nang diretso sa mga mata nito at tulad ng inaasahan, nag-iwas siya ng tingin at agad na naglakad palayo palabas ng karinderya. Sa ginawa niyang iyon ay mas lalo pa akong napangisi nang mas malawak, na may kasama pang pagtawa.
“Isang litro, limang pancake, hati-hati tayo dyan ah,” anas ko matapos ilapag ang isang litrong soft drink sa mesang kinauupuan ng mga kagrupo ko. Lima kami, at isa na ang kaibigan ni Darwin na si Shad sa mga kagrupo kong iyon.
First month, first semester ng pagiging senior high ko. Grade eleven kung tawagin. At sa unang buwang iyon ay iyon din ang pagbubukas ng face to face classes sa mga paaralan mula sa nagdaang dalawang taong modular online ang naging paraan ng pag-aaral dulot ng pandemyang covid-19.
Sa madaling salita, ngayon lang ulit ako nakapaghalubilo sa iba’t ibang tao na kaparehas ko ng edad. At sa adjustment na ‘yon ay syempre hindi mawawala ang pakikipagkaibigan at ang isang bagay na higit pa sa pakikipagkaibigan na tawagin na natin sa salitang ‘Target’.
Sa aming magbabarkada, ay nabuo ang katagang target. Iyon ay ang tawag namin sa natitipuhan naming tao sa loob ng isang seksyon o klase. Para siyang paghahanap ng crush ngunit ang kaibahan ng pagtatarget ay hindi kami yung lumalapit kundi yung taong natitipuhan namin ang siyang lalapit sa amin sa pamamagitan ng isang patibong.
May tig-lima or higit pa kaming target, depende kung gaano karami ang isda sa dagat. At sa lahat ng mga target namin ay maglalatag kami ng pa-in o patibong tulad na lamang ng pagpapaimpress, pagcocompliment sa kanila, pasimpleng kunwaring pagbibigay motibo, at marami pang iba mabihag lamang ang atensyon at interest nila.
At isa si Darwin sa target ko.
“Basta ah, yung mga script ninyo, iMemorize ni’yo para naman walang palya bukas,” pagbibilin ni Mae habang ngumunguya ng isinubo niyang pancake.
Tumango na lamang ako bilang tugon habang tinitinidor ang nakalatag na pancake sa plato ko. Iniisip pa rin ang naging reaksyon ni Darwin kanina nang titigan ko siya direkta sa kaniyang mga mata, hindi ko mapigilan ang ngisi ko. Bakit nga ba?
Siguro kasi ang unang impresyon ko sa kanya sa unang mga lingo pa lamang ng sem ay napansin ko ang pagiging ilap na mahiyain niya. Siya yung tipo ng lalaking mahiyain kapag ka wala sa tabi niya ang mga kaibigan niya. Kumbaga, kung ilalagay siya sa tubig ay magiging mantika siya na mahirap humalo. And that personality of his attracted my attention, why not him? Why not nga naman targetin ang lalaking mailap sa leon?
“Sige, Ally. Paalam, kitatkits nalang bukas!” pagtapik ni Mira sa balikat ko habang isinakbit ang maliit niyang bag sa kamay niya bago tumakbo papalayo.
Natapos na rin ang lahat sa pagmimiryenda at oras na para umuwi dahil hapon na rin at wala na masiyadong gagawin sa field. Maging ako ay napagpasyahan na ring umuwi dahil nakakayamot nga namang tumambay sa gilid ng malawak na school field na ang tanging pinapanood ay madaming taong nagtatakbuhan, sumasayaw para sa P.E siguro nila, ang iba nama’y naglalaro ng kanilang kani-kaniyang sports, at marami pang iba. In short, masakit sa matang pagmasdan dahil di mo alam kung anong titignan mo pwera na lang kung may gwapo.
*****
~tingg~
Muling tunog ng messenger ko habang busy ako sa pagscroll sa sss. Kunot noo kong pinindot kung ano man iyon dahil ang group photo ng class gc namin ang nag-flash. Ano ba to? Announcement ba?
“Six point three nga kasi,” pagbasa ko sa chinat ng isa naming classmate.
Huh? Anong six point three?
Sa kuryusidad ko kung ano ba ang nangyayari sa group chat ay masinsinan akong nagbackread. Ay aba, ang mga estudyante naggogroup activity na pala sa pagsagot ng assignment sa math at isa na nga si Darwin sa nakikipagbangayan sa kung ano ang tamang sagot. Naks naman, bakit bumait yata itong mga to?
At dahil wala na nga rin akong magawa ay naisipan kong tumayo at lapitan ang bag kong nakatambay sa sulok. Binuksan ko ito at kinalkal ang filecase ko hanggang sa mahanap ang papel kung saan ko sinulat ang assignment na iyon. Inilapag ko iyon sa mesa ko at napagpasyahang sagutin habang patuloy sa pagtunog ang cellphone ko, senyales na patuloy sa pagdedepensahan ang mga kaklase ko sa kanikaniyang sagot.
Lumipas ang ilang minuto na naging kalahating oras na nga bago ko tuluyang natapos ang tatlong equation problems. At nang mabigyan ko ito ng huling titig ay kinuha ko na cellphone ko at nagsimulang magtipa ng equation. Sumali na nga ako sa bangayan and specifically, against ako sa sagot ng isang tao. Against ako sa sagot ni Darwin na siya namang sinasadya ko.
“Ganito nga kasi equation niyan,” tipa ko sa keyboard at agad na isinend sa kanya ang nagawa kong equation at pilit na dinedepensahan ang sagot kong alam kong mali naman talaga at ginagawa ko lang iyon para kunin ang atensyon niya.
Darwin: Ha? Paanong positive three? Eh kung itatranspose mo naman iyon sa kabila ay magiging negative ah
Hindi ko mapigilang hindi mapangiti nang patuloy pa rin siyang dumedepensa sa sarili niyang sagot kahit na mag-isa na lamang niyang nagrereply sakin sa gc. At sa malikot kong kamay ay agad kong tinipa ang katagang naging daan na nga para magkaroon kami ng first conversation sa personal account namin at hindi na sa gc.
Ally: Check pm, pre.
Ako na nga ang nagfirst chat sa kaniya. First chat na first move pa nga. At tatawagin ko ito bilang operation: bingwitin si bebe number five! Bwahahaha.
Ally: Ano ba formulang ginamit mo? Patingin nga.
Darwin: Luh, hindi ko alam kung correct yung three ah ?
*Sent a photo*
Reply niya matapos niyang isend sa’kin ang buong picture ng papel niya na siya namang ikinagulat ko. Ay nakss naman, agaran ah. Binuksan ko naman ang litratong iyon at agad na ikinumpara sa nagawa kong equation, parehas na parehas nga kami. Mula sa equation hanggang sa final answer.
Muli akong napangiti, ay aba naman. May tinatagong galing din pala itong lalaking ito.
Ally: Oo siguro. Kahit saang anggulo naman tignan… dyan din bagsak niyan
Reply ko bilang pagsang-ayon sa sagot niya.
Darwin: Yup, ‘yan lang naman mas understandable na sagot haha
Ally: Yazz… so thanksie. No sharing of answers sag c ha… payment first muna sabihin mo.
Darwin: ahhaha oo sige
Ally: Jwk lang haha… anyways, thanks again
Huling type ko bago inilapag palayo ang phone para ayusin ang gulong nagawa ko sa lamesa ko.
‘Teka sandali nga. Huh? Ang dali naman nitong usapan namin, masiyadong simple ah. Tapos kaagad?,’ anas ko sa sarili ko at muling pinindot ang account niya ngunit bago ko pa simulang makapagtype ng message ay agad na itong nagring.
*Darwin sent a photo*
Darwin: Paano kung ganyan?
Agad kong pinindot ang photo na yun at masinsinang tinignan. Ten squared minus five over ten plus five is equal to twenty minus five over ten plus five with a final answer of fifteen over fifteen or one.
Ally: Possible. Like ang equivalent ng f and g is 10.
Hindi pa ako nakontento sa isinend ko at pinaulanan pa ito ng papuri.
Ally: Gosh, you’re a genius ??
Darwin: Ahah, ngayon lang ‘yan
Napatigil ako, ‘Ano pa ba pwedeng matopic? Hindi pwedeng mag-end na lang ulit tong convo. Ah, alam ko na.’
Ally: Yung personal development report mo? Tapos mo na?
Darwin: Ginagawa ko pa lang
Agarang reply naman niya. Nice, this is going to be nice.
Ally: Ano topic mo?
Darwin: Number three, achieving a masculine or feminine social s*x role.
Ally: Noice topic
Darwin: Grabe ah
Ally: Ayus ayusin mo reporting mo ah, tagacheer lang kami sa likod
Darwin: Loh, kabog kabog my hart, wag adi haha
Ally: Ay oo nga pala, anong bayad nito? Kinopya ko na eh
Tanong ko patungkol sa bagong equation niya sa isa sa mga math problems na sinasagutan namin kanina pang umaga.
Darwin: Wala naman. Pero ano ba sayo?
Ally: Huh? Anong sayo?
Darwin: Report mo sa perdev ibig kong sabihin haha
Ally: Ah, Egoism yung akin. Tss basic
Darwin: Grabe basic ah
Ally: Oo naman ah, ang dali kaya nun
Darwin: Edi sana all haha
Ally: Ayusin mo kasi magreport. Tignan mo, magiging basic nalang iyan. Nga pala, may sinalihan ka ng club?
Darwin: Club?
Lumawak ang ngisi ko habang ipinagpapatuloy ang pagtatype. Gotcha! Nakapagbukas na rin ako ng mahaba-habang pag-uusapan. Let the games begin!