Darwin: Pero ganun na nga. May nagsabi sa’kin pero baliktad. Noong grade 8, bf niya nagsabi na may gusto yung gf niya sakin. Di ko alam kung prank lang ba o ano basta ganun hahaha… Di ko alam kung maniniwala ka.
Ally: Bakit naman hindi? Ikaw na nga ‘tong nagkukuwento
Tulad ng dati ay napapangiti ako habang nagtatype. Sa loob ng isang buwan ay nagkakaprogress na. Nagagawa ko nang palabasin mga kuwento niya. At bukod doon ay nagkakaroon na kami ng bagay na tinatawag nilang ‘Mutual Understanding’. Kung ito man ‘yon.
Darwin: Idk… Karaniwan kasi ‘pag nagkukuwento ako hindi sila masiyadong naniniwala. Parang sinasabi nilang ‘Ows, talaga?’ ‘Totoo ‘yang pagsisinungaling mo?’ Basta mga ganun haha, siguro nasanay lang.
Ally: Magkuwento ka pa
Darwin: ‘Wag na. Tama na yun hahaha
Ally: Awww… Well, ako kachat mo ngayun. Sorry, iba ako. I won’t tell the same thing to you.
Darwin: Dati naman na ah
Ally: Na ano?
Darwin: Na iba ka hahaha
‘Te’ka ano?’
Ally: Ako?
Darwin: Oo
Ally: Syempre ah… We only live once nga, why settle to be like others when you can be unique on your own?
Darwin: Yan. Goods, independent.
‘Ay shaks. Compliment ba ‘yun? Enebe!’
Darwin: Pero ano, dapat alam mo yung control mo sa mga ginagawa mo para hindi maissue
Ally: What do you mean? I’m kyuryused?
Darwin: Like kwan, dapat hindi mo sinosobrahan. Yung alam mo pa rin yung line na hindi dapat ma-cross. Alam mo naman yung generation ngayon, may pagkasensitive.
‘Wait, anong pinupunto nito?’
Ally: On what part? The way of talking ko ba? Flirting? Closeness? Or?
Darwin: Actions
Ally: Under what actions? Diretsuhin mo na ako… Para mabago ko agad. Ugali ko ba?
Darwin: Yun bang may ginagawa hindi mo alam kung ok lang o hindi para sa kaniya… Pero parang wala namang mali sa’yo haha. Alam mong makibagay, alam mong umintindi kung anong nagyayari sa surroundings mo.
‘Ay? Ganun ba? Hehe.’
Darwin: Grabe nagiging deep thinker na ako ah haha
Ally: Rawrr, effect ko ‘yan
Darwin: Grabe lakas ng influence mo
Ally: Kaya maganda akong kasama eh. Broad horizon, marami pang topic. Hayss.
Ally: Anong oras na nga tayo nagsimula magchat?
Darwin: Kanina pa. Mid 5 or 6
Ally: Bayaran mo talent fee ko. 100 per hour. Reminding you, alas otso na ngayon.
Darwin: Ay grabe ahahah.
Darwin: Libre kita soon
‘Ay weh?’
Ally: Kuwento ka pa ulit
Darwin: Ayoko na nga
Ally: Ay edi ‘wag, madali akong kausap
Ally: Kanta ka na lang dali
Darwin: Ng ano?
Ally: Any ?
Darwin: Sorry, ‘di ako kumakanta eh
Ally: Hindi ko naman tinatanong kung kumakanta ka ah. I command you to sing.
Darwin: I bow to no one
‘Di mo sure. What if…’
Ally: Oh? Tologo? Tas after ten years napapanood kitang tinatakbuhan asawa mo bahahha
Darwin: Woi! Hahaha ewan ko sa’yo
Ally: Pero seryoso… Kanta ka na kahit Ibaloi song
Darwin: No way. Hindi ako kumakanta ih. Ikaw kung gugustuhin mong makarinig ng out of tune tapos piyok pang kanta hahaha
Ally: Why not? Para comedy adi
Darwin: Yak, ayoko nga
‘Ay ang echos naman’
Ally: Hanapan mo nalang ako ng bulaklak instead na libre. Yun bang bulaklak na pwedeng iDry age sa libro
Vintage style. Kadalasang ginagawa ko lalo na noong kasagsagan ng pandemic. Naghahanap ako ng mga bulaklak at mga halaman na may matitigas na tangkay tapos iniipit ko sa makakapal na libro hanggang sa matuyot sila. Ewan ko ba, but I see beauty in that kind of art.
Ally: Ibalot mo sa newspaper para di makita ng iba baka ma-issue pa eh
Darwin: Hahaha sige kung makahanap ako.
Ally: Yiee salamatsuu
Darwin: Kumain ka na?
‘Ay? Oh my gosh ang mahiwagang tanong!”
Darwin: Baka hindi haha edi di ka tataba niyan
Ally: Nagluluto pa ako
Ally: tas gumagawa ng project and then nakikichat. Oh dva, flexible time management
Darwin: Ay nakss naman. Ayos yan
Ally: Ikaw? Kumain ka na?
Darwin: Oo, kaninang 5pm pa. Early dinner ako.
Ally: Ay ganun? Tas matutulog ka 10pm?
Darwin: Depends kung anong oras, lalo na kapag walang klase
Ally: Bakit? Ano ba kasing ginagawa mo?
Darwin: Wala. Nagseselpon hanggang makatulog hahaha
Ally: Ang unhealthy mo ah, baguhin mo nga yan.
Darwin: Oo. Bukas paggising ko wala na ako sa earth.
Ally: Asahan mong present kami sa lamay mo
Darwin: Free kape hahaha
Ally: Buti sana kung wala pang tama yang mga mata mo
Darwin: Meron na yata eh. Medyo nagblu-blur ‘pag sa malayo kaya pinipili kong pumwesto sa harapan.
Ally: Paayos mo na… Yan kasi kakaselpon mo yan
Ally: Pero seryoso… Agapan mo yan habang maaga pa… Mahirap yung nagloloko mga mata mo eh, matic disqualified ka pag nag-apply ka ng trabaho.
Darwin: Ayoko nga. Sasabihin na naman nila ang bata-bata ko nagsusuot na ako ng eyeglass.
Ally: Kaysa naman ‘pag tumatanda ka pataas nang pataas grado ng mga mata mo
Darwin: Oo na haha sige kapag may time
Ally: Samahan ba kita?
Darwin: Grabe, sino ka? Guardian ko? Hahaha
Ally: Oo
Darwin: Hahaha. Ikaw ba? Ilan grado mo?
Ally: Duh, di ba obvious? Nakasalamin na nga ako eh malamang mataas
*Darwin reacted ? to your message*
Darwin: Ano niluluto mo?
‘Ay change topic.’
Ally: Sinabawang karne ng baboy na may manok.
Darwin: Huh? Anong klaseng pagkain yan?
Ally: Basta eatable
Ally: Edible pala
Darwin: Tapos hindi pala nakakain ‘no. Ano kaya lasa niyan. Hahaha
Ally: Che! Importante may nakakain. Nanlait ka pa. Bakit ikaw? Kala mo naman knows mo magluto.
Darwin: Alam ko magluto. Basta yung mga basic lang hahha
Ally: Palibhasa lalaki ka kasi eh noh. ‘Di na required sainyo matuto magluto.
Darwin: Walang ganun. Sa panahon ngayon, dapat lang na alam na rin namin magluto.
Ally: Nga naman. Noice mindset.
Darwin: Hahaha, Grabe nagiging deep thinker talaga ako ‘pag ikaw kachat ko ano?
Ally: Syempre ah. Rawwr ?
Darwin: Rawwr. Lol ?
6pm kami nagsimula, 8:45 na. Takbo ng oras talaga oo. Feeling ko parang kalahating araw na nga kami nagchachat eh. Ano ba naman ‘to?
~~~~~
Darwin: Good morning
‘Ayta! Anak ng kamote?!?! Nagchat siya?’ sigaw ko sa isipan ko nang pangalan agad niya ang bumungad pagkaopen ko ng data. Tumingin ako sa oras, 5:48 am pa lang!
Ally: Good morning toooo
Ngumisi ako. ‘Nagchat ka na lang rin, why not spice up the morning?’
Ally: Are you a bank loan?
Isang minuto ang lumipas bago niya magawang makareply.
Darwin: Why?
Ally: Cuz you got my interest.
Hindi siya agad nakareply hahahha. Tumalon ang isa o dalawa pa yatang minuto bago muling tumunog ang phone at mabasa ko ang tugon niya.
Darwin: LMAO haha
Darwin: Ang cringe mo
Simpleng react na lamang ang naging tugon ko sa kaniya at hinayaang siya ang sumalo ng last chat. Part of the tactic ng art of pagtatarget.
~~~~~
Master’s targeting lesson number 1:
Step one- Alamin kung may pagtingin
;And to know that, makiramdam ka.
Ok lang mag assume, basta wag obvious.... Don't talk too much... Hokage moves ka muna, yung hindi over... Like mini touches lang ganun. And then pag medyo naiilang sa touches and close distance... korique, may pagtingin level 1 ✔️
; And for level 2, banat ka ng hugot depende sa situation and environment... and kapag either natahimik but attention's on you or nakisabay sa hugot mo, means meron nga... auto pasado level 2 ✔️
; Level 3.... hinahanap hanap ka. Maybe because may kailangan sa’yo or he just wants to see you.... he chats you, calls you, plays with you for no deep reason... ayown doon na, pasok level 3 ✔️
~~~~~
Darwin: Psst. Good Evening.
Napangisi ako. Time check, 6:42 pm.
Ally: Bakit?
Supladahan ko nga ‘to ng slight lang.
Darwin: Wala lang
Darwin: Wala na bang assignment?
‘Ay, double chat ah.’
Ally: Wala. Ikaw kung gusto mo gumawa ng assignment, ghie lang.
Darwin: Ahahaha… Anong assignment? Ang boring kaya.
‘Anak ng—Siraulo ba ‘to? Di’ba tinatanong niya?
Ally: Ah ganito nalang para ‘di ka maboring. Mag-disect ka kaya ng lamok, noh? Tas sabihin mo sakin anatomy nyan.
Darwin: Ay sorry, walang lamok dito sa’min eh
‘Ay ang taray.’
Ally: Edi magtumbling ka, paulit-ulit hanggang sa di mo na alam kanan at kaliwa
Darwin: ‘Wag. Sesemplang ako. Face flat sa sahig hahaha
Ally: Hanapan mo na lang garud ako ng bulaklak na pinapahanap ko
Darwin: Woi, gabing gabi na kaya
Ally: Oh tapos? Kasalanan ko?
Darwin: Wala nga kasi akong nahahanap
‘Wala ba talaga o hindi ka lang naghanap?’
Ally: Edi wala. ‘Wag na nga baka kasalanan ko pa kung mahulog ka diyan.
Darwin: Okay lang basta sa’yo
‘Wtf? Ano daw?’
Ally: Eh pa’no kapag di kita saluhin? Ang bigat mo kaya.
Ally: Nakss bumabanat ka na ah
Darwin: Sure ka? ‘Di na baleng hindi masalo… Atleast nafall ako sayo.
‘Anak ka ng—Shungina?!?!’
Darwin: Maganda ba?
‘Alin? Yung banat ba?’
Ally: Ako? Gosh thank you
‘Itataas ko sarili ko. Ay hindi pwedeng nababanatan na niya ako. Hindi ‘to pwede! Siya yung target sa’ming dalawa. Siya!’
Darwin: ‘Yan sana sasabihin ko, naunahan mo lang ako
Ally: Syemps noh, alisto ako
Darwin: Bilis ah
Darwin: Sin bilis ng puso ko kapag naka harap sa’yo
‘Putang— Ano raw?!’
Ally: Ah talaga? Harapin mo’ko bukas. Walang kurapan ah.
Darwin: Luhh wag… aatakihin ako sa puso. Ikaw na bahala sa pamilya ko?
Ally: Ngina mo ? Palamay ka muna isang buwan, dapat imbitado buong section E para worth it pagkadedz mo
Darwin: Oo, ok lang ba basta regular mo akong bisitahin sa puntod ko. Dapat may tatlong rose lagi
Ally: Pa-cremation ka na lang. Mahirap kapag libing baka mahirapan pa ako ‘pag iuuwi ka nila sa probinsiya niyo ?
Darwin: Ok lang din. Basta katabi mo pagtulog yung ash ko ?
‘Aba matindi. Ano kayang nilaklak nito at ganito na siya magchat? Nakainom ba ‘to?’
Ally: Gagstoi! Kung ipakain ko kaya yang ash mo sa tilapia?
Darwin: Hala, bat kasi tayo napunta sa patay na topic
Ally: Eh sa excited ka nang mauna eh
Darwin: Nakaka-excite ka kasi
Ally: Nabagok ka ba? Gaano katindi? Superb ba?
Darwin: Oo eh. Pero hindi utak yung naapektuhan. Yung heart ko naman apektado. Sobra.
Ally: Yung totoo? Ilang bote naubos mo pre?
Darwin: Wala. Ganito lang talaga in-love
Ally: Ha? Shuta ka!
Ally: ibabalibag talaga kita bukas!
Darwin: ‘Wag!
Darwin: Mas lalo akong mababaliw sa’yo
Ally: Malala ka na talaga!
*Darwin reacted ? to your message*