Two weeks. Three months.
Sa nagdaang mga araw na iyon ay marami ng nangyari. At tulad nga ng karaniwang love story, masaya. Kasi nga ito pa lang ang umpisa.
Ally: Free ka mamayang 8:30 to 3 pm?
Darwin: ?
Ally: Sama ka makikikain tayo. Para may kasama sina Hara at Karlo pag-uwi
Darwin: Where?
Ally: Lamtang. Alam mo ba dito sa may Puguis elementary school?
Darwin: Medyo
Ally: Along the highway lang naman if sasakay ka ng jeep pico. Ano? G ka?
Ally: Mahirap kasi pag puro babae isasama ko sa event eh ang daan pa naman papunta doon is wala masiyadong katao-tao… delikado. Si Angelo sana kasi isasama ko kaya lang may pinuntahan daw eh. Don’t worry, meron si Karlo dun. Di ka maa-out of place.
Simple party sa isa sa mga relatives ko. At naisipan kong isama ang barkada; sina Hara, Karlo, Angelo, Kiara, at Belinda. Pati na nga itong si Darwin kasi nga dapat yung isa pa naming kabarkada at isa rin sa mga target ko na si Felipe ang isasama ko kasi bukod sa mas outgoing siyang tao ay nakatutuwa siya kung makihalubilo, madali siyang kausap at masaya siyang kakuwentuhan na siyang dahilan kung bakit napabilang siya sa mga target ko. Iyon nga lang, hindi raw siya makakapunta.
Darwin: Depende kung hindi ako makalimot at hindi tamarin… Sa’n meeting place?
Ally: Puguis elem nga… hihintayin ko kayo dun mga 8-9
Darwin: uhm
Ally: Sumama ka na para may kasama sina Hara
Darwin: Sino pa mga kasama?
Ally: Hara, Karlo, Jenny, tas hindi ko sure kung makakapunta sina Kiara at Belinda.
Darwin: Ah ok sige, depende nah aha
Ally: Pleaseee
Darwin: Oo na nga depende kung hindi ako sumpungin ng katamaran haha
Ally: Kainan ‘to wag ka nang tamarin susme naman.
Ally: Sige kitakits sa waiting shed malapit sa basurahan ng elementary school. Punta ka by 8:20 para sure na andun na lahat
Darwin: Haha sige sige
Pilyo akong napangisi nang may biglang sumagi sa isipan ko at iniaayos ang tuwalya sa ulo ko bago magtipang muli sa keyboard.
Ally: Number mo nga para tawag nalang ako sa’yo mamaya bakaw ala na akong data pag nakaalis na ako dito sa bahay.
And send.
*Darwin reacted ? to your message*
Napataas ang kilay ko. ‘Ay aba, nakaramdam ah.’
Ally: Gag* haha pa more… Akin na, nagrarush ako dali
Darwin: Wala ring sasagot hahaha
‘Ay ganun? Edi wow.’
Ally: Basta sure na camz ka ah
Darwin: Oo nga kasi
Darwin: Depends
Ally: Alisin mo nga ‘yang ‘depends’ na ‘yan
Darwin: It depends nga kasi
Ally: Sige na nga… chat ka nalang para alam namin kung may hihintayin pa ba kami o wala na
*Darwin reacted ? to your message*
‘Ay aba, tumawa pa talaga.’ Muling tumaas ang isang kilay ko at ibinaba na nga ang cellphone sa lapag. Dumiretso ako sa kwarto at nagsimula na ngang magbihis. Purple na turtleneck sweatshirt at simpleng knee-length na pantalon ang isinuot ko bago tuluyan na ngang lakarin ang bawat sulok ng bahay upang icheck kung ayos na bang iwanan ko.
Unplug lahat ng appliances, turn off ng gasul, lock lahat ng bintana at pinto, and voila! Okay na. Dali-dali na akong umalis at nilock ang pintuan at ang gate sabay hablot sa thermos na dadalhin ko sa party na yun.
Ally: Sa’n ka na?
Chat ko sa kanya habang naglalakad sa ilalim ng tirik na araw at nagtatali ng buhok.
Darwin: Buyagan ahahhaha
Ally: Papunta ka na?
Darwin: Naghihintay ng masasakyan
Ally: Ay ngina tumakbo ka na ah hahhaha charizz
Darwin: ay wow ah, ganun lang kadali?
Ally: Dalian mo par
Darwin: Sunduin mo nalang kaya ako?
Ally: Ay sorry, no service eh. Take your time kadi. Wala pa rin lang yung iba.
Pangisi-ngisi kong pinatay ang cellphone ko at tumambay na muna sa tindahang di kalayuan sa sinabi kong meeting place ng barkada at ni Darwin. 8:30 na, ano pa nga bang aasahan ko sa mga iyon? Hayss filipino time nga naman oo.
Lumipas ang bente-singkong minuto at paisa-isa na ngang nagsusulputan ang barkada hanggang sa makompleto na ito pagdating ni Darwin. Bahagyang g**o ang kaniyang buhok na marahil ay dahil sa hanging dumaan sa kanya o possible rin namang nakalimutan niyang magsuklay pero nevermind dahil maayos naman ang hitsura niya.
Simpleng dark blue na under armour jacket ang suot niya, itim na tshirt, at pinaresan niya ito ng maong pants. Hindi maporma si Darwin, siya yung klase ng taong kung ano na lamang ang damit na makita niya sa ibabaw ng cabinet niya ay ‘yon na ang isusuot niya. Walang paligoy-ligoy, walang second thought.
At tulad nga ng inaasahan, tanging sulyap lang ang ibinato sa akin ni Darwin na siyang lihim kong ikinangisi. Bakit? Kasi normal na iyon sa kaniya. Kung anong ikinakulit niya sa chat ay iyon din ang ikinamahiyain niya sa personal. Tipid na sagot kung tatanungin ko, ilang na tingin kung tititigan ko, at higit sa lahat, kung hindi utal ay mabilisang pagsasalita ang nagagawa niya sa tuwing kaharap ko siya.
“Gorabels na tayo. Ano pa bang hinihintay natin?” excited na anas ni Angelo habang isinasakbit sa kaniyang balikat ang tote bag na hawak niya.
“Ghie, sakay na,” napapailing na sagot ko kasabay ng malawak na pagngiti ko. Kahit kailan talaga, konting-konti pasensya nitong taong toh, hayss.
Pumara ako ng isang FX at agad na pinasakay ang mga kaibigan ko kabilang na si Darwin. Ang balak ko nga sana’y si Darwin ang kasama ko sa front seat pero ang shukelss na Angelo ay agad nakisiksik sa tabi ko bago pa man ako makapagsalitan.
“Dito akes, madali akong nahihilo sa byaherzz so dito akes,” pangangatwiran nito.
“Pero—”
“Shusshh, dito ako sa ayaw at sa gusto mo, Ally. Walang aangal,” pagpuputol niya sa dapat kong sasabihin.
Ayta naman oh.
“Sige na nga,” umiiling-iling kong sagot habang inuurungan siya para makaupo ang pwet niya. Wala na rin akong magagawa pa dahil nakasakay na ang lahat at si Angelo na lang ang hindi. Alangan namang iwanan namin to dito, ay baka maglupasay na.
Umandar na nga ang sasakyan at nagsimula na kami sa byahe paakyat sa tuktok ng bundok kung saan gaganapin ang party. At tulad ng nakasanayan, maingay ang naging takbo ng oras sa daldal ng barkada.
Bahagya kong sinulyapan si Darwin na nasa pinakalikuran ng sasakyan, nag-uusap sila ni Karlo ngunit hindi marinig dahil sa kuwentuhan ng iba. Na-curious tuloy ako kung anong pinag-uusapan nila.
~~~~~
“Coke o Kape?” mahinahong tanong ko sabay hawak sa magkabilang balikat ni Darwin na nakatalikod habang nakatambay sa dulo ng terrace.
Halos maupo naman ako sa tawa nang dahil sa reaksiyon niya. Tila biglang-bigla siya sa ginawa ko at kulang na lang ay tumalon na siya pababa lalo na’t walang harang ang parteng kinatatayuan niya.
“Ano?” tanong ko habang tumatawa pa rin. “Mag-cocoke ka ba o kape?”
Kahit na mabilis ay nagawa kong mahuli ang pag-irap niya sa akin bago muling alisin ang kaniyang paningin palayo sa’kin. “K-Kwan—Kap—Coke na lang,” mabilisan niyang sagot at akmang hahakbang palayo sa’kin nang higpitan ko ang hawak ko sa kanyang balikat.
Matangkad si Darwin, kung kaya’t kailangan ko pang tumingkayad para mapantayan ang taas niya. Dahan-dahan at pasimple ko siyang hinablot palayo sa pwesto ng barkada at dinala sa kabilang silid ng bahay.
“Woi, sa’n tayo?” tanong niya sa tonong nagtatakang kinakabahan. Para siyang nahawakan sa bayag ng malamig na kamay at kulang nalang ay tumalon na siya mulsa third floor pababa.
Tumawa na lamang ako at inilapit bahagya ang mukha ko sa balikat niya mula sa kaniyang likuran. “Chill, may ipapakita lang ako sa’yo.”
“H-Ha?”
‘Ay nag-aassume,’ tawa ko sa loob ng isipan ko habang patuloy na tinutulak siya papunta sa isang silid.
“Charaan!” bahagyang sigaw ko at bumitaw sa balikat niya. “Di’ba nasabi mo sakin may sira bike mo? Curious lang ako kung saan banda yung sinasabi mong axle.”
“H-Ha?” pagrereact niya sabay tingin sa akin at sa bike na nakaparada sa silid na iyon.
“Dali na, ituro mo na.”
Kumunot ang noo niya habang tumitingin sa bike at nagsimula nang maglakad palapit dito. Bahagya siyang umupo at mabilis na itinuro ang isang parte ng bike sa gitna ng gulong nito.
“Ito. Axle,” tipid na sabi niya bago tumayo pabalik at mabilis na naglakad palabas at pabalik kung saan ko siya kinuha kanina.
At doon, naiwan akong napapangisi at napapailing na lamang sa naging asta niya. Ewan ko ba, para siyang kuting na mahiyain na sa tuwing binibigla ko ay nagkakaganun.
~~~~~
*Tingg*
Pagtunog ng cellphone ko pagkabukas ko ng messenger app. Nang makita ang profile picture na nagpop-up, agad ko itong binuksan.
Darwin: Loh, Salamat sa invite… Sorry hindi ako nakapagpaalam hahaha kanina
Kumunot ang noo ko, ‘Huh? Anong nakapagpaalam? Eh sa may isang oras na yata ang nakararaan matapos ko silang ihatid lahat sa may sakayan ah. At sa pagkakaalala ko ay nakapagpaalam naman ako sa kanilang lahat.’
Ally: Nakapagpaalam?
Darwin: Nagbabye hahaha
Ay?
Ally: Ay haha, no probs. Nakauwi ka na?
Darwin: Hindi pa. Nasa town ako
Ally: Eh? Ginagawa mo riyan?
Darwin: Double ride pa pauwi
Ally: Ahy ganun ba? Sige, keep safe.
At tulad ng dati, hindi roon nagtapos ang usapan namin sa chat. Humaba pa ito nang tuloy-tuloy.
Ally: Tss, gusto ko pang makauwi na tao pa rin. Di kagaya mo.
Reply ko sa kanya nang sabihin kong nilalamig na ako dahil ang venue ay sa tuktok ng bundok at sa harapan ko ay ilang bote ng beer na naghihintay na lamang mabuksan.
Darwin: Ay tao ka pala? Haha
Ally: Ay hindi… Bagay ako.
Darwin: Ah, akala ko nagmumukha ka ng tao.
Ally: Bagay ako… Bagay sa’yo. ?
Banat ko at sa loob ng isang segundo ay nakatanggap ako ng reply na hindi ko inaasahan.
Darwin: Ay buti alam mo ? ? ? ?
Nani? Gagi?!?!
Darwin: Ahahaha, woi joke lang hahaha