Part 4: Mabait naman

1025 Words
Ally: Pre Pambungad na chat ko sa isa naming kabarkada. Si Karlo. Karlo: Yep? Ally: Oii ano nalaman mong info’s kay ano kanina. Ally: kay Darwin Karlo: bahahah ‘yan na nga ba sinasabi ko Ally: Ano? Iihh sabihin mo na Pangungulit ko kay Karlo dahil alam kong magkadikit sila ni Karlo kahapon sa party at curious ako sa kung ano pinag-usapan nila. Karlo: Nag-uusap kami. Like, di niyo lang siguro masyado pansin. Ally: Pansin ko ‘yon, kaya nga nagtatanong ako eh Karlo: Hahaha. So siya na nga talaga? Ally: Ang ano? Karlo: Ang target mo? Ally: Oo nga. I started texting him 3 months ago. Tas ‘yun, until now Ally: He’s pretty good, actually Karlo: Oo, mabait naman. Ally: To the point na he’s very shy nga lang Ally: Or perhaps not too showy lang siguro Napauntong hininga ako habang humihilata sa kama. Karlo: Eh sa ganun siguro siya Ally: Pero nakakaasar na ah. Kaya nga hinila ko siya palayo sa inyo kahapon para masolo ko siya pero ano? Pre ang tipid niya magsalita ? *Karlo reacted ? to your message* Karlo: Kaya nga gumawa na rin ako ng paraan eh. Nung ayaw kong tumabi sa’yo kasi pinapauna ko siya. Apaka-Judgemental ng mga walang hiya. Reply niya na tinutukoy ay ang barkada dahil nang ginawa niya yun kahapon ay inasar-asar pa siya ng barkada. Ally: Yah, I sensed that. Yung sumusupalpal na nga yung option sa kaniya, tumatanggi pa ? Karlo: Kaya nga hahaha Ally: Pero ano… If I get your opinion, dapat ko na bang seryosohin yung tao kapag ano… Ally: Kapag masiyado ko ng natatamaan? Pagseseryoso ko sa usapan namin ng kaibigan ko. Sa nagdaang tatlong buwan kasi ay hindi ko maitatangging napapadalas na ang mga pagbanat ko sa kaniya ng mga salitang sumosobra na sa dapat na pinaguusapan ng magkaibigan. Sa madaling salita, nilalandi ko na siya. Pero safe naman kahit papaano dahil alam kong wala siyang kasintahan. Karlo: Depends ngay kasi. If ever you’ve already left a mark, mahirap na hindi panindigan. Pero if ikaw yung taong walang konsensiya, ay ewan ko sa’yo. Karlo: Pinafall fall mo tas nung na-fall, pass na? Ally: Bigla na nga akong nakokonsensiya kapag ano… tumatarget ako ng iba feeling ko nangangabit ako ? Karlo: Pero masakit yun para sa kaniya, and I hope na hindi mo ma-feel yun in the near future. Karlo: Gaya nga ng motto ko: “Wag kang magjowa kung ayaw mong magseryoso, hanggang landi lang para makapang-abuso” ? Ally: Hirap naman kasi maneryoso ? Buti sana kung tanggap niya mga trip ko eh noh Karlo: Kaya nga you’ll have to know each other muna diba? Napatigil ako. Ally: Sabagay… gosh 3 months lang ata kami nagkakilala pero pre, umabot na kami sa usapang pagpapatayo ng mansion hahaha Karlo: Ayy shunginaaaa? Natatawa kong nireact ang reply na yun ni Karlo. Sino ba namang di magugulat sa bilis ng takbo ng usapan namin. Oo, napupunta na nga kami sa mga plano plano ni Darwin kapag nagchachat kami. Minsan nagkakabiruan lang, pero kadalasan, naneneryoso. Karlo: Anlayo niyo na pala. Pero only child si Darwin, and mabait nga siya. Pansin ko nga medyo mature na rin siya. So baka makasabay naman siya sa’yo. Sa kaniya boto ko pag papipiliin. ‘Dapat na nga ba?’ ‘Pero kwan naman kasi… masiyado pang maaga. Three months? Three months lang nagkakilala tas seseryosohin ko? Iiihhh’ Ally: Ano pa pinag-usapan ni’yo? Karlo: Sa family ganun Ally: Ano raw ganap? Karlo: Naboboring palagi sa bahay nila, kaya pala laging lumalabas. Every hapon nasa school, nakiki-volleyball Ally: Ay oh? Kaya pala G na agad siya ? gagi umasa pa naman ako mga 10% na kaya siya sumama sa’tin eh dahil meron ako dun at ni-invite ko siya ? ? ? *Karlo reacted ? to your message* Karlo: Bahahahha now you know Ally: Ayoko na nga… Same lang pala kami ng peg, esh… Nagpapalipas oras Ally: Arat, move to next target na nga Karlo: Luhh, huyyy. ‘Wag muna. Feel ko nadaplisan na siya ng lason mo. ‘Ay wehh?’ Ally: Ows? Talaga? Karlo: Umeepekto yung ginagawa mo, wag ka. Pero ikaw bahala. Ally: Nakikita mo? Karlo: Basta ito lang sasabihin ko sa’yo Ally: Anes? Karlo: Pag-isipan mo if ready ka na mag-seryoso, pagpatuloy mo na. Pero if ever trip trip lang talaga, better if stop mo yung game. ASAP. ? Karlo: Kasi na-feel ko nung nagkukuwento siya kanina, feel ko sincere siya. Pero may mga details na di ko talaga pwedeng sabihin. ? Sorry Isang malalim na buntong hininga na lamang ang nagawa ko. Ano nga ba? Dapat ba may ma-feel ako sa kaniya? Eh siya kaya? Seryoso ba siya sa’kin? What if tulad ko naglalaro lang din? Ally: To be honest, pre. Even I, do not know if I should settle na sa kaniya or do the game as usual. Ally: Nakokonsensiya ako pag bigla kong itinigil ‘to, pre Seconds later, nakatanggap ako ng isang pangungusap na tumatak sa akin nang madiin at naging laman ng utak ko dahilan para magising ang buo kong katawan. Karlo: Marsss, baka naman hindi mo napapansin nahuhulog ka na rin. Karlo: Isa lang solusyon, support ako riyan, promise ? ‘What if? Ay wag naman oh, mawawala angas ko nito.’ Ally: Di ko sure… Baka awa siguro if ever man na masabi kong nahuhulog na ako. Pre, falling is still not on my vocabulary noh Ally: Meyn, 3 months? Ally: 3 months lang? Fall agad? Ally: Asan naman delicadesa ko dun? *Karlo reacted ? to your message* Karlo: May salitang “Love at first sight nga eh” Karlo: 3 months pa kaya? Bahahahha ‘Agad?’ Ally: Love agad? Ally; Nahhh I don’t think so Ally: Maybe I should just go with the flow hahha. Bahala na siguro saan ako mapadpad sa larong ‘to. Karlo: Yeppp. Kung papalarin edi papafoods ako. Ally: Lahh. Ba’t kasama kayo? Kami lang ah *Karlo reacted ? to your message* Karlo: Update ka sa barkada kung seryoso na. Kahit maging kayo man lang kung hindi kami mag-work. Ally: Ay ano ba naman kasi, pre. Ang weak mo dumamoves diyan sa target mo hayss.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD