Ayradel's Side Everyday became just a routine. Walang kakaiba. Normal lang, katulad ng buhay ko noon. No risks, no sacrifices... I am on my comfort zone, but I am not happy, not complete. And I know I won't be complete. "Ayra," naramdaman ko ang marahang kalabit ni Lea. "Si Charles, palapit." aniya sabay tingin sa unahan, kung saan diretsong naglalakad palapit sa amin si Charles. Ang tagal ko siyang hindi nakasalamuha... ngayon ko lang napansin na he's on clean cut now, though kahit ano naman yatang gupit ay bagay sa kanya. "Hi," aniya. "Hi Charles!" bati nina Lea, Rocel at Blesse. "Hi." sabi ko rin. Napakamot siya sa batok at napatungo dahil yata sa hiya. "M-may nakaupo ba dito?" tinuro niya 'yong katabi ko sa kanan. "Wala." sagot ko. He nodded, saka tahimik na umupo sa upuan s

