Ayradel's Side Halos madurog ang puso ko sa sinabi niya. This isn't real... isang taon? Isang taon na wala siya? Hindi ko kaya 'yon! Agad akong umiling-iling sa kanya upang pigilan siya. "Hindi... wag... please." Tumulo na ang luha sa mata ko. Hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin para kumbinsihin siyang huwag sundin si Mama. Paano kung may makilala siya sa loob ng isang taon? Paano kung marealuze niyang hindi niya ako mahal? "I love you... so much, Ayra." aniya at hinalikan ang tuktok ng ulo ko. Binitawan niya ako at saka ko naramdaman ang mahigpit na kamay ni Mama sa braso ko. "Tara na, Ayra." "Ayoko! Mama! Richard please! Huwag ka na lang lumayo! Huwag gan'ong katagal!" sabi ko habang kumakawala kay Mama. Sina besty, Ella, Suho, Jayvee at Papa ay walang magawa. Lahat sila

