Ayradel's Side 'Yong mga pictures at impormasyon na nakakarating kay mama noong highschool kami... ngayon lang sumagi ang tanong kung sino nga ba talaga ang nagpapadala n'on? Sino ang mata ni mama sa school na sinasabi niya? Ngayon lang nagsink in sa akin ang lahat... Nalilitong tumingin ako kay Mama pagkatapos ay kay Jae Anne na nakangisi na para bang siya ay nagtagumpay. "Surprised? Yes, I may not be your friend Ayra, but I told you I'm invited because of your mom, huh!" "Tita! Anong ibig sabihin nito? Bakit ka nagtitiwala sa babaeng iyan?---" "Tumahimik ka Luisa!" sabi ni Mama, na ikinatawa ni Jae Anne. "Kaya ang lakas ng kutob ko na nagkikita pa rin kayo ng lalaking iyan e! Mabuti na lang nandyan pa rin si Jae Anne para manmanan kayo! Mabuti na lang talaga dahil kung hindi ay hab

