THREE

2097 Words
Kung tama ang memorya ni Iona, nagsimula ang lahat isang hapon noong nakaraang buwan—the haunting of Cleopatra Mabitag. Nasa bahay siya noon, sa sala, nag-iimbentaryo ng mga panindang damit sa Mixie—her three year-old ukay-ukay business. Nang may malamig at tila basang bagay na dumampi noon sa kamay niya. Napasigaw pa siya, inakalang palaka iyon o daga at nagmula sa binuksang kahon. Kinagabihan, nagsimula ang mga panaginip na si Ate Cleo ang laman. She dreamt of her when she’s still alive, when she started succumbing to her illness until to that afternoon when she finally bade her goodbye. And then there were these strange noises that usually happened on the wee hour of the night. Madalas, nanggagaling ang ingay sa kabilang silid, ang silid na inookupa dati ni Ate Cleo. May ingay na parang binubuksan ang mga aparador, na parang may naglalakad malapit sa dingding na nakapagitan sa kanila, ang ingay ng makinilya na para bang may nagtitipa roon. Iona blamed the rats again. Pero naglinis na siya sa silid at kinalkal nag bawat sulok, kahit balahibo ng daga, wala siyang nakita. Those noises always kept her up at night. Hindi na siya makatulog pagkatapos, hihintayin na lang na mag-umaga bago pumunta sa puwesto ng Mixie. Sleep-deprived na si Iona, nagsisimula nang makita iyon sa appearance niya. Haggard na siya, kulang sa buhay ang bagong kulot na buhok, namumutla dahil anemic na. Naapektuhan na maging ang mood niya at may pagkakataon na nasusungitan na niya ang mga customer. Nakumbinsi lang si Iona na may paranormal activity sa bahay niya nang makita niya mismo kung ano ang gumagawa ng ingay sa kabilang silid. Hatinggabi, kakauwi niya lang mula sa birthday party ni Jossa. Papasok na siya sa silid niya nang madinig ang ingay. Lakas-loob na sumilip siya sa kabila. The noise ceased, making her thought she just imagined it. Then she heard it again before she shut the door. Kitang-kita niya rin ang paggalaw ng mga key sa makinilya. Na para bang may invisible na mga kamay na nagtitipa roon. Napapikit si Iona, kinumbinsi ang sarili na namamalik-mata lang siya. At sa muli niyang pagmulat, nakita niyang may nakaupo na sa harap ng makinilya. A misty silhouette in the shape of a woman. Dahan-dahan, pumaling sa direksiyon ni Iona ang ulo ng bulto. Doon na siya sumirit ng takbo palayo sa silid. Bumalik siya sa bahay ni Jossa, ngatal ang buong katawan sa takot. Ni hindi niya matandaan kung paano siyang nakabalik doon gayong tatlong barangay ang layo nito sa street nila. Isinalaysay niya rito at sa asawang si Teddy ang nasaksihan at mga naranasan. Isa ang konklusyon ng mag-asawa. Na minumulto nga siya. Kinontak ni Jossa si Sasha, humingi ng tulong dito. Nag-aya agad si Sasha na magkita-kita sila at samahan ito sa bahay niya. “Though may duda na ako, I still can’t believe na minumulto ka nga, Io,” sabi ni Jossa forty five minutes pagkatapos nilang umalis sa bahay niya. Walang choice si Iona kundi manatili uli sa inn na tatlong araw na niyang tinutuluyan. Pagkatapos ng mga nangyari kanina, hindi niya kaya na matulog sa sariling bahay ngayong gabi. Ang sabi ni Sasha kanina, nakatali raw sa bahay nila ang espiritu ni Ate Cleo. Hindi siya nito masusundan sa labas. “So what is it nga? Ano ang ipinangako mo sa kanya na hindi mo tinupad?” Limang beses na yatang naitanong sa kanya ni Jossa iyon mula nang umalis sila ng bahay at maglakad papunta sa inn. Inilagay niya lang sa inuupahang silid ang mga gamit na bitbit pagkatapos ay nag-aya siya kay Jossa na uminom sila. She needed to pump some alcohol in her system. Panigurado kasing mahihirapan siyang matulog mamaya. Gusto niya, knock out agad siya as soon as mag-dive siya sa kama. Sumimsim muna niya ang beer sa baso bago sumagot. “Gusto ni Ate na…na hindi ako tumulad sa kanya.” “Na human tuod?” tuya ni Jossa. Humingi rin ito agad ng sorry nang ma-realize marahil na nasa lupa pa ang espiritu ni Ate Cleo. “Na old maid,” giit niya. “Na forever alone.” Natutop ni Jossa ang bibig, nasa anyo na parang matatawa na hindi. “No way! Ayaw niyang tumulad ka sa kanya? Ibig sabihin…” “Hindi siya happy sa choice niya. Nagsisisi siya na hindi niya sinubukang magmahal uli at bumuo ng ssariling pamilya. Oo, Joss, na-in love din si Ate. Hindi bato ang puso niya.” Sa deathbed ni Ate Cleo, inamin nito sa kanya iyon. Ang nakakalungkot lang, maling lalaki ang pinaglaanan nito ng pagmamahal. May asawa na ang lalaki. “So I loved him secretly,” sabi pa nito, malungkot ang mga mata. “I continued loving him kahit alam kong hindi niya masusuklian iyon. Umasa ako na sa huli, kami rin ang magkakatuluyan. Aaminin ko, hiniling kong sana, lokohin siya ng asawa niya, saktan siya at sa akin siya tumakbo. But their relationship remained perfect. He remained faithful to his wife. Huli na para ma-realize kong nagsasayang ako ng panahon sa ginagawa ko. Huli na para magmahal ako ng iba. I’m old and now I’m dying.” Mapakla itong ngumiti at tumingin sa kaniya. Kinuha nito ang kamay niya, mahigpit na hinawakan. “Hindi ikaw ang dapat na narito sa tabi ko kung namulat lang ako kaagad. My children could be here or my husband. Hindi ikaw ang dapat na nagsakripisyo at nahirapan. Nahihiya ako sa’yo, Macariona. I never become a good sister to you. Kinupkop nga kita subalit kung tratuhin kita, parang wala ka sa paligid ko.” Umiling siya, pinunas ang luha nito. “Ayos lang sa akin ‘yon, Ate. Iyong pag-aalaga ko sa’yo, kulang pa pa iyong kabayaran sa ginawa mo. Kung hindi mo ako kinupkop, hindi ko alam kung saan na ako pupulutin ngayon.” Trese anyos siya nang mamatay nang sabay ang parents niya. Sa ikalawang gabi ng burol, dumating si Ate Cleo, nagpakilalang half-sister niya. Panganay na anak umano ito ng Papa Lemuel niya. Ate Cleo was fifteen years older than her. Hindi na niya kailangan ng DNA test para malaman na nagsasabi ng totoo si Ate Cleo. Magkamukha sila nito. Sumama siya rito pa-Maynila pagkatapos ng libing. Together, they live at Ate Cleo’s old house. Struggle ang makasama si Ate Cleo sa iisang bubong. She’s too cold, too aloof, too serious. Mealtime lang ang nagsisilbi nilang bonding. Gayumpaman, hindi naman naging mahigpit o malupit sa kanya si Ate Cleo. Binihisan siya, pinakain, pinag-aral. Hindi siya naging palaboy gaya ng inaasahan niya noong iwanan siya ng mga magulang. “Napakasuwerte ko, dahil hindi mo ako iniwan. Na narito ka pa rin sa tabi ko. But now you’ll be left alone here. Ayaw kitang iwanan pero unti-unti nang sumusuko ang katawan ko. Ayokong takutin ka ngunit isang araw, maaaring maranasan mo ang ganito. Maari ka ring magkasakit. And there’ll be no one beside you. Don’t let that happen. Don’t lead a life like mine. Fall in love, get married, wear a pretty dress, create a beautiful family. Fill this house with your babies’ cries and laughters.” Naramdaman niyang mas humigpit ang hawak nito sa kanya. “Promise me you’ll do that, Iona. Promise me.” And she did promise, with all her heart. Ilang minuto matapos niyang bitiwan ang pangako, tuluyan nang nawala sa kanya si Ate Cleo. “Wow,” usal ni Jossa matapos niyang isalaysay ang huling sandali ni Ate Cleo. “All those years, ang akala ko talaga walang amor sa’yo si Ate Cleo.” “Hindi lang talaga siya expressive na tao.” Ayon kay Manang Lydia na pinakamatagal na kapitbahay ni Ate Cleo, ganoon din daw kasi ang ugali ng nanay nitong si Martha. Mas malala pa nga raw si Martha dahil nanghahagupit iyon ng sinturon. Lihim na nagpasalamat noon si Iona na hindi na sila nagkaabutan ng matandang babae. Limang taon nang yumao si Martha nang dumating siya sa bahay ng mga ito. “You know what, Io, hindi ko masisi na bumalik-lupa ang espiritu ni ate Cleo. I think kailangan mo ‘to.” “Ha?” gulantang niyang tanong. “Kailangan ko ang alin? Ang mamatay sa takot?” “Ang mahimasmasan! Wala ka nang social life, baks! At ang tagal mo na ring single. Kinakalawang na for sure ang bagay na nasa loob niyan.” Dinutdot nito ang dibdib niya. “Ang alin? Ang bra ko?” pang-aasar niya sa kaibigan. “Ang puso mo, gaga! May pasabi-sabi ka pa sa group chat natin na hindi ka na mag-aasawa. Na happy ka kahit single ka. Tingin ko nga, nalaman ni Ate Cleo ang balak mong ‘yon. Kaya ayan, bumalik, minulto ka.” Umismid siya. “Masaya naman talaga ako kahit wala akong boyfriend.” Pero napaisip pa rin si Iona. One month ago nang asar niyang ianunsiyo sa group chat ng section nila noong highschool, na wala na siyang balak mag-asawa. Nabuwisit kasi siya sa mga dating kaklase na pinagtripan na naman ang pagiging single niya. Tinudyo siya kay Benny, single at naghahanap na umano ng makakasamang tumanda. At ang kuhol, feel na feel. Nag-private message sa kanya, ibinigay ang cellphone number nito. I-text daw niya, mag-date sila next week. Hindi sa nagmamaganda siya pero…hindi niya type si Benny. Ayaw niya sa lalaking kasing height niya lang at mukhang amoy higaan. Puwera lait. Ilang araw pagkatapos ng tagpong iyon, naganap na nga ang pagpaparamdam. Desidido na sana si Iona na panindigan ang sinabi sa GC nila. Naisip niya, masaya at kontento siya kahit mag-isa siya madalas. Nasa kanya ang lahat ng freedom. Hindi pa siya mangungunsumisyon, hindi mapa-praning. She can get fat and ugly at hindi matatakot na baka iwanan siya at ipagpalit sa iba. “Happy ka, sa ngayon. Kasi bata ka pa at busy magparami ng pera. Pero darating ang time, Iona, na ma-wo-worn out ka. Isa pa, may point si ate Cleo. Tao ka, susceptible sa sakit. Paano nga kung magkasakit ka isang araw at wala ako para alagaan ka? Eh di namuti ang mata mo sa bahay mo. Kung may boyfriend ka o asawa, may tao kang matatawagan anytime para bantayan ka, alagaan at protektahan. Saka ang sarap kayang ma-in love. You should know. Nagmahal ka na rin naman dati.” “Masakit ding mabigo,” kontra niya sabay kagat sa pulutang crispy pata. “Mahirap magmove on.” Last year lang siya totally na naka-move on sa ex niyang si Chester. Pangatlong boyfriend niya ang lalaki pero ito ang pinakaminahal niya. Hiniwalayan siya nito dahil hindi na raw nito maramdaman ang “spark” sa pagitan nila. Iona let him go because she knew she couldn’t do anything to bring back that spark in him again. Alam din niya na kahit gumulong siya, kumain ng apoy at sumirko sa ere, hindi tio mag-i-stay. Wasak na ang puso at ibang pangarap niya, hindi siya papayag na mapingasan din ang pride niya oras na magmakaawa siya kay Chester at tanggihan siya nito. “Eh, ganoon talaga, Io. Balance dapat. Hindi naman kasi puwedeng puro sarap. Hindi ka totoong nagmahal kung hindi ka masasaktan.” Iona rolled her eyes. In love kasi ang loka kaya nagiging makata. Napaseryoso rin siya nang maalala ang kasalukuyang problema. “Ano’ng gagawin ko ngayon? Na-miss ko si Ate Cleo pero hindi ko talaga kaya ang trip niya ngayon, Jossa. Mapapaaga ang pagyao ko sa ginagawa niya.” Hindi ba naisip iyon ng ate niya? Wait, nakakapag-isip pa ba ang mga espiritu? “Sundin mo ang payo ni Sasha. Tuparin mo ang ipinangako mo. You made a promise to the dead. The dead never forgets.” Pag-recite pa nito sa linya ng psychic kanina. “That, or the other option.” Other option: ang i-vanquish ang espritu ni Ate Cleo. Ayon sa psychic, ang vanquishing daw ay rude way of sending the spirist away. Itataboy nila nang sapilitan ang espiritu ni Ate Cleo. Iona did not want that. Oo’t pinapasakit ng kapatid ang ulo niya, oo’t espiritu na lang ito subalit ayaw niyang bastusin ito. Kabastusang maituturing ang sapilitang pagpapalayas sa mismong bahay nito. “Hindi ko naman kayang gawin kay Ate ‘yon.” “So, sa option one tayo?” Nanunukso ang ngiti ni Jossa. Napailing na lang siya sabay tungga sa alak. Gusto na niyang bumalik sa normal ang buhay niya. Gusto na niyang muling matulog nang mahimbing. Makakamit niya lang iyon kapag sinunod niya ang gusto ni Ate Cleo. Saan ko naman dadamputin ‘yon? Kung puwede lang sanang ma-order ‘yon on line!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD