Pagkatapos niyang maubos ang sandwich at kape ay kinuha niya ang kaniyang cellphone at tumayo. "Saan ka pupunta? Don't tell me pupuntahan mo si Lovie?" tanong sa kaniya ni Crissa na halatang kinakabahan sa maaari niyang gawin. "Chill ka lang dahil hindi iyan mangyayari. As I've said hindi ko hahayaan na manalo ang masama niyang plano. Pupuntahan ko si Sir Juancho. Don't tell them about my plan, okay?" aniya saka lumabas na ng kaniyang opisina. Itinaas niya ang kaniyang noo habang naglalakad. Kita niya sa gilid ng kaniyang mata na nagsisenyasan ang kaniyang mga staff at panay naman ang ngiti ni Lovie. "Don't mess with me, Lovie dahil hindi kita uurungan. Iyon nga lang utak ang gagamitin ko hindi tulad mo na puro putak lang," sabi niya sa kaniyang isipan nang mapadaan siya sa mesa nito.

